30: Who am I?

597 13 0
                                    

A/N

Since natapos ko to.. Magppublish po ko ng bagong story.. Sana basahin nyo rin po.. After ko sa fanfics, ttry ko naman sa romance.. Si Park Jimin po ang ginawa kong lead character.. Hahah

"Mr. Taxi" tingnan nyo na lang po sa Works ko.

(Nw: Everything About Her.. Ang ganda pala nung movie.. Ngayon ko lang sya napanood. Lels~ share lang. Nakakatuwa kasi si Miss Angel.. *^O^* sayang lang, kokonti moments nila ni Xian.. Lels~)

***

Eizen's POV

"Bat hindi ka pa natutulog?" Biglang tanong ni Annia kaya napalingon ako sa kanya.

Nakatambay pa kasi ko sa may veranda ng kwarto ko kahit malalim na ang gabi. Hindi kasi ko makatulog dahil naiisip ko si Sano. Sigurado na kong sya ang pumapatay sa mga kaibigan namin pero.. Bakit? Anong dahilan nya para gawin yon?

Lumapit na lang ako kay Annia at tumabi sa kanya sa kama. Pinahiga ko na lang ulit sya at niyakap ng mahigpit.

"May problema ka ba?" Tanong pa nya pero mas hinigpitan ko lang yung pagkakayakap sa kanya.

"Gusto ko ng umuwi Annia.."

"Eizen?" Tumingala pa sya sakin kaya nginitian ko sya.

"Magpakasal na tayo pagbalik natin sa US.."

Halata ko namang nagulat sya sa sinabi ko.

"S-sigurado ka?"

"Ikaw.. Gusto mo ba?"

Unti-unti naman syang ngumiti bago tumango.

"Oo naman.. Mahal na mahal kita Eizen.."

Inayos ko naman yung tayo nya para makapantay ko sya bago ko sya hinalikan.

"Mahal na mahal rin kita.. Tatapusin ko na talaga to Annia.. I'm sorry kung nangingialam na ako.. Pero ayoko ng tumagal pa to.."

Dahan-dahan naman syang tumango bago nya ko niyakap.

"Thank you Eizen.. Pangako.. Magiging masaya na tayo pagkatapos nito.."

Napangiti na lang ulit ako bago ko sya hinalikan sa ulo.

Can't wait that to happen..

Isa na lang ang dapat kong gawin.. Alam ko na kung sino ang isusunod ni Sano.. Uunahan ko na sya.. Ako dapat ang tatapos kay Jelan.. Sakin sya magbabayad..

"Kuya Zeno! Kuya Zeno!"

"Ano ba Lalan? Bakit ka ba tumatakbo? Baka madapa ka~ Ayan! Nadapa ka na nga!"

"Ayoko kasing umalis ka!"

"Ano ka ba Lalan, umayos ka nga! Wag ka ng umiyak, napangit ka! Sige ka, hindi na kita magiging kapatid pag di na tayo magkamukha!"

"Pero di naman tayo magkamukha kasi mas gwapo ako.."

"Oo.. Mas gwapo ka na kaya wag ka ng umiyak.."

"Pero ayokong umalis ka nga.. Pano na kami ni Mari?"

"Kailangan kong umalis e.. Pero pangako, gagawin ko ang lahat para magkasama-sama ulit tayo.. Ikaw na munang bahala kay Mari ha.. Wag mo sya hahayaang masaktan.. Ipagtanggol mo sya habang wala ako.."

"Wag kang mag-alala kuya Zeno.. Akong bahala kay Mari.. Walang makakapanakit sa kanya habang nandito ko!"

"Ikaw rin.. Wag ka ng iyakin ha.. Alam mo namang ayoko ring umiiyak ka.. Hindi ko rin gustong nasasaktan ka kaya simula ngayon.. Wag mo ng hahayaan pang saktan ka ng ibang bata dito ha.. Medyo matagal pa ata bago rin ako bumalik kaya kailangan mo ring protektahan at alagaan ang sarili mo.."

Anna Maria ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon