21: Boss Kookie

747 18 1
                                    

Jelan's POV

Nandito ako ngayon nakaupo sa isang container ban sa lumang train station na pinagtatambayan namin noon. Nagpapahangin lang.

It's been two years pero wala pa ring pinagbago sa lugar na to.

Sa dami ng container ban na nakatambak dito, malilito ka talaga kung nasaan ang parang pinaka bahay namin dito. Pero dahil sa halos araw-araw nandito kami noong high school.. kahit napakalaki rin ng train station na to, kabisado na namin ng mga kabarkada ko itong buong lugar.

Nakakatuwa pa rin at buhay pa ang lugar na to. Sana lang talaga, wala ng bumili ng lugar na to at iparenovate ulit. Naalala ko pa yung sinabi samin noon ni Rajeel..

"Wag kayong mag-alala.. atin ang lugar na to.. Maghintay lang kayo.. mabibili ko rin to.."

Tss. Napangiti na lang ako ng mapait. Imposibleng mapasa-amin pa ito ngayon.. hindi na nya matutupad pa yung sinabi nya..

Rajeel..

Bumaba na lang ako doon sa ban at naglakad-lakad.

Napakatahimik ngayon. Wala akong ibang naririnig na ingay kundi ang paglalakad ko lang sa mga maliliit na bato..

Samantalang noon...

Four years ago...

"Waaaaaaa! Hoy wag kayong madaya! Hintayin nyo ko!!" Sigaw ni Nichii habang nangungulelat sya sa takbuhan naming pito.

"Kahit kelan talaga ang bagal mo!!" Sigaw pa ni Shun sa kanya.

"Hahahahahah!"

Puro tawa lang kami habang iniiwan namin si Nichii.

Napakupad naman nya kasi..

"Hoy!! Ako ang nagbayad ng kinain natin kaninang recess kaya hindi nyo ko pwedeng iwan!! Hoy Lalan! Intayin mo ko kung ayaw mong ibalik kita sa ampunan!!" sigaw pa ni Nichii.

At dahil naaawa na ko sa kanya, huminto na rin ako sa pagtakbo at inintay sya.

"Bilisan mo kasi!" Sigaw ko pa sa kanya.

Pero napatingin din ako sa may gilid ko nang mapansin kong huminto rin pala si Neji at mukhang inaantay din si Nichii.

Hingal na hingal pa si Nichii nang makaabot samin.

"Grabe.. ano namang.. nakain nyo.. at iniwan.. nyo ko?"

"Edi yung nilibre mo samin kanina!" Sagot ko pa ng natatawa.

"Gago ka! Gusto mong ibalik na kita kina sister?!" Sinamaan nya pa ko ng tingin bago ko binatukan pero tinawanan ko lang sya.

"Hahahah.. tara na lang.. nandoon na yata sila e.. ang bagal mo kasi.. kelan ka kaya bibilis sa pagtakbo?"

Inirapan lang naman ako ni Nichii kaya mas lalo akong natawa. Tapos binalingan nya si Neji na hindi kumikibo at nakatungo lang doon sa isang tabi.

"O Sano? Napapano ka naman?" Lumapit pa si Nichii at hinawakan sa isang balikat si Neji.

Umiling lang naman si Neji bago medyo nakangiting tumunghay.

"A wala.. akala ko kasi.. tinawag mo ko kanina.."

"Huh?"

Pareho naman kaming napakunot doon ni Nichii at nakilapit na rin ako sa kanila.

"Oy tara na! Ano ba yan?"

"Oo na.. napakabossy mo na e batang-bata ka pa!" sabay irap ulit sakin ni Nichii at hinila bigla sa braso si Neji. "Tara.. tayo ang magsabay Sano.. hindi natin kabati yang batang yan!"

Anna Maria ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon