32: The End is Near

589 15 0
                                    

Jelan's POV

Hindi kagad ako nakakibo sa sinabi nya. Ni hindi ko na nga sya nagawang habulin pa.

"Jelan.. Please die.."

"Mapapatawad lang kita kung mamamatay ka na.." Sabay takbo na nya palayo.

Yon ba talaga ang gusto mo Anna? Ganon ba katindi ang galit mo sakin para gustuhin mo na kong mamatay?

Mas napaiyak na lang ako at ilang beses ko pang nasuntok yung sementong kinauupuan ko sa sobrang sakit.

Ayaw na nya. Wala na. Wala na kong pag-asa.

"Anna.."

Patawarin mo ko..

Mahal na mahal pa rin kita Anna..

Mga ilan minuto pa siguro kong nagtagal doon hanggang sa kusa na ring huminto yung mga luha ko.

Kasalanan ko lahat ng to. Dapat umpisa pa lang ginawa ko na to.. Edi sana.. Baka buhay pa hanggang ngayon yung mga kaibigan ko.

Raj.. Jayv.. Jan Miel.. Shun.. Patawarin nyo ko..

Nichii.. Neji.. I'm sorry..

Walang kabuhay-buhay na tumayo na lang ako at naglakad pabalik.. Pabalik sa karsada..

Ito ang gusto nya.. Mapapatawad na rin naman nya ko pagkatapos nito..

Gagawin ko na Anna..

Sana maging masaya ka na.. Sana mapatawad mo na talaga ko..

Iilan na lang ang mga dumadaan sasakyan kaya naghintay pa muna ko ng paparating bago ko naglakad papunta sa gitna ng karsada.

Eto na.. Parang tanga na naman yung mga luha ko at pumatak na naman..

Napatingala na lang ako bago ko narinig yung malakas na busina ng kotseng paparating..

Nilingon ko iyon pero halos maestatwa ko sa sobrang pagkagulat ng mamukhaan ko yung driver niyon.

T-totoo ba tong nakikita ko..

"E-eizen.."

*then everything went black.

***

Annia's POV

Naalimpungatan na lang ako bigla ng maramdaman kong parang sumakit ng konti yung tiyan ko.

Napatingin pa ko sa paligid ko at napakunot ng noo ng mapagtantong hindi ito ang kwarto namin sa unit ni Eizen.

Nasan ako?

Dahan-dahan na lang din akong tumayo habang hinihimas-himas yung tiyan kong kumikirot ng konti.

Sorry baby.. Nasstress ka gawa ni mommy..

Hanggang sa napansin ko yung isang malaking family portrait na nakasabit sa isang side.

Neji..

Kwarto nya siguro to.

Iginala ko pa yung tingin ko at isang nakataob na picture frame sa may bedside table naman nya yung napansin ko.

Bat naman nakataob to?

Kinuha ko na lang yon at itinayo ulit kaya lang..

Para akong naestatwa bigla ng makita ko yung picture.

Bakit meron sya nito?

Dahan-dahan kong iniangat yung frame at tinitigang maigi yung picture na nandoon.

Ito rin yung kaisa-isang picture namin noon na meron ako..

Sa ampunan..

Si Kuya Zeno.. Ako.. At si.. Lalan..

Anna Maria ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon