22: The Truth

773 18 0
                                    

"Hindi ko alam ang sinasabi mo! Pwede ba, wag mo kong sundan!" Sabay alis ko na.

Tsk.

Pero bago pa ko tuluyang makalayo, narinig ko pa ang sinabi nya..

"Malalaman nya rin ang totoo Jelan.."

Psh. Maaaring oo tama nga sya.. pero hindi pa pwede ngayon.. hindi pa pwede.

***

Pati pala dito sa loob ng ban wala pa ring pinagbago.. magulo pa rin.

Napahiga na lang ako sa sofa at pumikit.

Pag umuwi na sya, pag nagkita na ulit kaming dalawa.. aamin na ko. Sasabihin ko na sa kanya ang lahat.. ang lahat-lahat. At sana lang, wag syang magalit sakin.. mapatawad nya rin sana kagad ako..

Tyaka ko na lang siguro itatanong sa kanya kung paano napunta sa kanya si Anna..

Mas gusto ko pang kay Neji itanong yon.. iba ang kutob ko dito.. Parang itinatago sakin ni Neji si Anna..

Gumaganti ba sya sakin? Ito ba ang paraan ng pagganti nya?

Tsk. Kung alam ko lang na magkakaganito.. edi sana, noon pa lang pala umamin na ko.. Edi sana.. okay sana kaming lahat ngayon.. kasama ko pa si Anna..

Anna.. magpakita ka na sakin.. miss na miss na kita.. bumalik ka na sana ulit sakin...

***

Jayvien's POV

"Wala akong alam.." sabay iwas ko ng tingin kay Nichii.

Kanina pa kami nandito sa isang maliit na kwarto sa lumang train station na naging tambayan na rin namin noon.

Nakakatakot ang kwartong ito. Medyo madilim at wala pang ibang gamit bukod dito sa isang mesa at dalawang magkatapat na silya.

Tapos kanina pa rin nya ko tinatanong tungkol sa mga nangyari noon. Pero hindi ako magsasalita. Hindi ako aamin sa kanya. Ayoko.

Bukod sa nakakahiya, natatakot na rin ako sa kanya.

Iba sya kung makatingin at pakiramdam ko talaga ibang tao na ang kaharap ko ngayon.

Bakit ba nya inuungkat pa yung nakaraan? Kung may alam na naman pala sya, bakit kailangan nya pang itanong yon lahat sakin? Bakit hindi na lang sa iba?

Nagsisimula na rin akong makaramdam ng takot at panginginig kaya naiyukom ko na lang yung mga palad ko na nakapatong sa magkabila kong hita sa ilalim ng mesa.

Ayokong makita nya kung paano umatake ang trauma ko. Hindi ko pa naman din dala ang mga gamot ko.. baka matuluyan pa ko at mamatay sa harap nya.

Teka~ ito na ba yung masamang kutob na sinasabi sakin ni Shun? Si Nichii? Paano naman magiging sya yon? Kaibigan namin sya at..

"Let's talk what you've guys done to my girlfriend." Naalala ko pa yung sinabi nya sakin kanina nang magkita kaming dalawa.

..girlfriend nya ba talaga si Anna?

"Bakit ba ako ang tinatanong mo? Wala nga akong alam! Bakit hindi na lang si Shun ang kausapin mo.. o kaya si Jelan! Baka alam nila ang sinasabi mo!" Sabay iwas ko pa ng tingin at hindi na talaga ko mapakali sa inuupuan ko.

"Walang alam?" Napangisi pa sya bago biglang tumayo at kinwelyuhan ako kaya medyo napaangat na rin ako sa silya.

At sa kauna-unahang pagkakataon, nakita ko sya kung paano magalit. Malayong-malayo sa.. Nichii na nakasama ko noon.. sa Nichii na palangiti na kaibigan ko rin noon.

Anna Maria ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon