16: Wish

688 20 0
                                    

Jan Miel's POV

Bumalik na si Anna.. Nagbalik na sya.

*sigh

Kamusta na kaya sya? Okay na ba sya? Napatawad na nya kaya kami? Napatawad na rin ba nya.. ako?

"Anak.. nasa labas yung kaibigan mo hinahanap ka!" Sigaw ni mama mula sa labas ng kwarto ko. Kasalukuyan lang kasi kong nakaupo sa may gilid ng kama ko habang nilaro-laro ang isang maliit na key chain na eroplano na binigay pa nya sakin noon.

"Papasukin mo na lang dito Ma!" Sigaw ko rin pabalik dahil tinatamad akong tumayo. Hindi rin naman nakalock yung pinto ko kaya nahiga na lang din muna ko habang iniintay ko kung sino man yung dumating na kaibigan ko daw.

Tinitigan ko pa muna saglit yung key chain. Nakakatuwa. Parang naalala ko bigla nung bata pa ko. Gustong-gusto kong makasakay noon sa eroplano kaya ginusto ko ring maging isang piloto.

"Remembering your sister again?"

Kaagad din naman akong napabangon ng paupo ng mabosesan ko yung dumating.

Sa lahat naman ng mga kaibigan ko, sya ang pinaka hindi ko inaasahang bibisita sakin ngayon.

"Nejiara.."

Napasmirk pa sya bago naglakad papunta sa may paanan ng kama ko.

Teka.. anong ginagawa nito ngayon dito? Simula kasi nung nalaman namin kay Jelan na sya ang kasama ni Anna nung nakita nya, hindi na ulit namin sya nakita. Hindi na namin sya naaabutan sa tuwing dumadalaw sya sa burol ni Rajeel at hindi na rin nami sya macontact.

"Hinahanap ka ni Jelan.."

Ewan ko pero yun kagad ang nasabi ko. Gusto ko sanang itanong kung kasama nya ba talaga ngayon si Anna pero parang natatakot rin ako sa maaaring isagot nya. Isa pa, kung totoo man yung sinabi ni Jelan.. gusto ko ring malaman kung paano sila nagkakilala? At kelan pa?

"I know." sabay ngisi pa nya bago nilibot ng tingin ang buong kwarto ko.

Bat ganito? Bat pakiramdam ko ibang tao ang kaharap ko ngayon?

"Bakit ka nandito?"

Napatingin naman sya ulit sakin bago naglakad papunta sa harap ko. Nakita ko pang tiningnan nya muna saglit yung key chain na hawak ko bago sya diretsong tumingin sa mga mata ko.

"I know where she is."

Huh? She? Sino? Si Anna ba yung tinutukoy nya?

"S-si.. A-anna ba..?" Ewan ko pero kinakabahan talaga ko ngayon. Paano kung oo.. kaya ko na bang humarap sa kanya?

Napasmirk na naman si Neji at sa totoo lang naaasar na ko sa pangisi-ngisi nyang iyon. Nakapamulsa pa ang dalawa nyang kamay sa kanyang pantalon bago sya yumuko at ipinantay ang mukha sa mukha ko. Medyo napaurong pa nga ko ng konti dahil sobra naman sya kung mailapit yung mukha nya sa mukha ko. Ano to? May balak ba syang halikan ako?

"Your sister, Jan Miel. I already found her."

And boom! Parang instant na huminto ang buong paligid ko. Kahit ang pagtibok ng puso ko parang saglit ring napahinto.

Hindi kagad ako nakareact sa sinabi nya.. at hindi ko rin alam kung ano bang dapat kong unang sabihin. Basta lang ako natigilan at hindi makapaniwalang nakatitig sa kanya.

Seryoso ba sya?

Nakita na ba nya talaga si.. Mari?

Napangisi naman ulit si Neji bago umayos na ng tayo.

"Actually.. she's with me."

Ano daw? Ka-kasama nya.. ngayon?

Sa pagkakatanda ko, 3 year old pa lang sya noong huli ko syang nakita at nakasama. Nangako pa kong hahanapin ko sya at magkikita ulit kami.. pero hindi ko na sya nabalikan pa.

Anna Maria ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon