20: Baby

784 17 1
                                    

Annia's POV

Sht. Bakit ganito? Bakit sumasama na naman ngayon ang pakiramdam ko?

Bumangon na lang muna ko bago dumiretso sa kusina para uminom ng gamot.

Mukhang napapadalas na to a.. Dati tuwing umaga lang naman, pero ngayon.. tuwing magigising na lang ako, sumasakit na ang ulo ko.

Tss.. masyado ko na bang naiitress ang sarili ko kaya ko nagkakaganito?

*cellphone rings

Nagpunta pa ko sa sala dahil nasa may sofa ko naiwan kanina yung cellphone ko.

Unregistered number?

"A.. hello..?"

"Annia.."

Ewan ko. Pero parang bigla na lang akong napahikbi ng marinig ko na ulit ang boses nya.

Grabe.. miss na miss ko na sya..

"Buti naman.." kinagat ko pa yung hintuturo ko para lang mapigilan kong wag mapahikbi. "Buti naman at tumawag ka na.."

"I'm sorry Annia.. teka~ anong problema? Bat umiiyak ka?"

"Loko ka! Ang tagal mo kasing hindi nagparamdam e.. namimiss na kita Eizen~ Aack!" Sabay hawak ko pa sa tyan ko.

Sht. Bakit parang ang sumakit bigla ang tyan ko?

"Aahh!"

"Annia? Anong nangyayari dyan ha? Anong nangyayari sayo?"

"Eizen.. aahh!"

Sht. Sobrang sakit talaga kaya nabitawan ko na yung cellphone ko sa sofa at napahawak na lang ako sa tiyan ko.

Ano bang~

Then, bigla na lang akong nanlamig at hindi makapaniwalang napahawak sa may hita ko..

Ano to? Bakit may dugo?

Eizen..

***

Jayvien's POV

Naglalakad na ko pauwi sa bahay galing sa pakikipaglibing kay Rajeel nang bigla pang tumawag si Shun.

"O?"

"Jayv.. nandito na sya.. bumalik na sya.."

Napakunot naman ako sa sinabi ni Shun. Bat parang.. natatakot sya?

"Ha? Ano bang sinasabi mo? Sino ang bumalik?"

"Mag-iingat ka Jayv.. hindi ko na macontact si Jan Miel at hindi pa rin daw sya umuuwi mula pa kahapon sabi ng mama nya.."

"O? E ano namang problema dun? Baka naman~

"Jayvien nakita ko si Anna Maria.." biglang sabi pa ni Shun kaya napahinto ako sa paglalakad.

"Ano?"

"Totoo yung sinasabi ni Jelan.. bumalik na sya.. at masama ang kutob ko sa pagbabalik nya.. kaya mag-iingat ka.." sabay end na nya ng call.

"Teka oy! Shuyin! Oy! Shun!"

Aba loko, binabaan ako..

Pero teka.. kung nakita na rin nya si Anna.. ibig sabihin.. totoo nga yung sinasabi ni Jelan?

Pero bakit naman sya kukutoban ng masama? Alam kong may atraso kami kay Anna.. pero sigurado naman akong wala syang gagawing masama sa amin. Kilala ko si Anna.. napakabait nya at hindi nya kayang manakit ng kapwa..

Iniisip kaya ni Shun na si Anna ang pumatay kay Rajeel? Ang dahilan kung bakit M.I.A ngayon si Jan Miel?

Pero imposible. Hindi yon magagawa ni Anna..

Anna Maria ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon