25: Alliance

571 9 0
                                    

A/N

Irerepost ko lang po yung Chappie 25.. Hindi ko kasi alam kung bakit putol doon sa library kahit sa pinost ko naman hindi. Updated naman watty app ko pero ayaw pa ring lumabas kaya eto na lang po ulit. 0^◇^0)/

***

Madilim. Sobrang dilim. Yan kagad ang sumalubong sakin pag uwi ko ng bahay.

Hindi ko alam kung bakit pero ayaw pa rin tumigil sa panginginig yung mga kamay ko kahit wala na si Anna.

Natatakot ako sa mga sinabi nya. Kanina ko pa ring hawak yung gamot na binigay nya pero hindi ko to magawang inumin. Paano na lang kung pinalitan nya na pala ang laman nito at ginawang lason? Tsk. Wala sa itsura nya pero yung mga inasta nya kanina.. parang may mali.

Dumiretso ako sa may switch ng ilaw pero ayaw bumukas. Wala bang kuryente?

Sinara ko na lang din ang pinto at dumiretso ng lakad papunta sa kwarto ko. Kahit papano naman may naaninag pa rin ako dahil sa liwanag ng buwan na tumatagos sa mga bintana.

Kahit sa kwarto ko ayaw magbukas ng ilaw. Baka wala ngang kuryente.

Didiretso na sana ko sa cr para kumuha ng gamot sa medkit ko nang biglang tumunog ang telepono sa sala.

Natigilan ako bigla at mas tumindi ang panginginig ng buong katawan ko.

Akala ko ba walang kuryente, e bakit..?

Pinilit ko na lang din maglakad pabalik sa sala at lumapit sa may telepono. Ilang beses pa kong huminga ng malalim para mapakalma kahit papano ang sarili ko bago ko sinagot ang telepono.

"He-hello..?"

*toot toot

Huh? Binabaan ako?

Ibinalik ko na lang ulit yung telepono sa lalagyan.

Kinakabahan pa rin ako.

"Bakit ngayon ka lang? Kanina pa kita hinihintay Jayvien.."

O_____O

Dahan-dahan naman akong napalingon sa may likuran ko at nakita ko si..

"N-ne-neji.."

***

Annia's POV

Gabing-gabi na pero wala pa rin si Neji. Bakit ba kasi nya ko iniwan dito sa bahay nila? Ang boring tuloy. Dapat isinama na lang nya ko.

Bigla pang pumasok sa isip ko yung araw na nagkita kami ni Shun sa mall. Sa totoo lang, unexpected yon at hindi ko rin alam na makakaramdam pa rin ako ng galit sa kanya kahit pinipilit ko ng magpatawad na lang.

Si Neji kasi e. Kung anu-anong sinasabi nya sakin..

Napabuga na lang ako ng hangin at umupo sa sofa bago sumandal. Hinimas-himas ko pa yung maliit ko pang tiyan.

Baby..

May baby na kami ni Eizen..

Tama si Neji. Dapat kong tapusin yung nasimulan kong plano. Hindi ako matatahimik.. Kami, kung.. Hahayaan ko na lang sila.

Hindi nila ko titigilan..

"Hinahanap ka ni Jelan Annia.. At hindi yon titigil hangga't hindi ka nya ulit nakukuha.. Kilala mo sya di ba? Pag nalaman nyang may iba ka ng mahal.. Sigurado ko.. May gagawin rin syang hindi maganda kay Eizen.. At baka idamay pa nya ang baby nyo.."

"Pero wag kang mag-alala.. Tutulungan kita. Hindi ko hahayaang may mangyaring masama sa inyo ni Eizen.."

"Uunahan natin si Jelan sa mga pinaplano nya. Wala naman yong ibang malalapitan kundi ang mga kaibigan lang din nya.. Sila ang uunahin natin Annia.."

Anna Maria ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon