12: Hero

775 19 0
                                    

'Eizen.. sobrang busy mo na ba talaga kaya kahit ang simpleng pagreply sa mga texts ko hindi mo na rin magawa?'

Yan ang huli kong text kay Eizen kaninang umaga at paulit-ulit ko ng binabasa ngayong gabi.

*sigh*

Pakiramdam ko may mali..

Imposible namang di makareply sa mga texts ko si Eizen kahit na busy pa sya. May problema kaya sya..?

Nagiguilty tuloy ako. Dapat pala talaga nakinig na lang ako sa kanya.. Dapat noon pa lang nagbago  na ko.. Dapat.. hindi ko sya iniwan..

"Namimiss na kita Eizen.." bulong ko pa sa sarili ko bago pabagsak na humiga sa kama at pumikit. Nabitawan ko pa yung cellphone ko sa sahig pero yaan na. Wala rin naman yung kwenta..

*sigh*

Makalipas ang ilang minuto, napamulat na lang ulit ako dahil di rin naman ako dapuan ng antok. Pero sa pagmulat ko, may napansin akong mga nakaguhit sa puting kisame..

Ang tagal ko na ring nandito pero ngayon ko lang to  napansin..

Tiningnan ko ang buong kisame  ng kwarto at tanging ito lang palang tapat ng kama ni Eizen ang meron.

Ano ba yon? Bat parang ang gulo ng mga guhit? Abstract ang dating nya pero.. tapos bigla na lang pumasok sa isip ko ang nakangiting mukha ni Jelan.

Oo. Ayoko na syang isipin pa lalo na't alam ko sa sarili ko na may nararamdaman pa rin ako sa kanya pero.. parang may ginawa  ring ganito noon si Jelan..

Secret code raw ng barkada nila..

Parang mas nacurious naman ako bigla sa naisip ko kaya tumayo ako sa kama at mas sinuri yung mga linyang buhol-buhol ang pagkakaguhit sa kisame.

Medyo nakakangalay to pero okay lang.. I know there's really something in here.. nararamdaman ko..

Hanggang sa may napansin na akong maliit na arrow sa may pinakadulo nung line.. at yung arrow na yon ay nakaturo sa may left side.. sa may likuran ko.. kaya syempre hinarap ko iyon.

Sa may bintana? Ano naman kayang meron doon?

Bumaba na ko ng kama at inexamine yung bintana pero wala naman akong nakitang kakaiba. Tsk. Bat naman kaya may nakaguhit na abstract lines sa kisame ng kwarto ni Eizen? Parang imposible namang wala lang yon dahil may arrow sa dulo at nasa may tapat lang ng kama nya?

*sigh*

O baka naman wala lang talaga yon at ako lang ang nag-iisip na merong ibig sabihin yun dahil lang kay.. Jelan..

*sigh*

Napabalik na lang ulit ako sa kama ko at humiga.

At sa pagpikit ko, bago ko tuluyang dalawin ng antok, naalala ko na naman sya.. sila.. at ang mga nangyari noon..

***

Two years ago...

Watta good morning! (*^▽^)/

After ng aminan scene namin kagabi ni Jelan sa may rooftop, feeling ko mas gumaan yung pakiramdam ko ngayon.. Ang saya-saya lang pala talaga pag gusto ka rin ng taong gusto mo..

Lalalala lalala~

Pakanta-kanta pa ko habang nagsisimula ng magprepare ng breakfast at ng sarili.

Saturday ngayon at wala kong klase pero pupunta naman ako sa bahay ng kaklase ko para gumawa ng project.

At dahil inspired ako ngayon, kailangang maperfect ko rin yung project namin. (*^▽^*)

Anna Maria ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon