4: Ms. Popular

1.2K 26 0
                                    

Ayun na yung una at huling beses na naencounter ko si 'Jan Miel'. Akala ko pa nga nung una, baka crush ko sya o kaya na-love-at-first-sight na ko, pero parang di naman. Kaya hinayaan ko na lang din.

Isa pa, naging busy na rin ako sa school. Nakakatuwa nga dahil marami akong naging mga bagong kaibigan. Marami na rin akong sinalihan na mga school activities. And every month, nakakabisita pa rin naman ako kina sisters sa ampunan.

Overall, nakapag-adjust naman kagad ako sa pamumuhay nang mag-isa. Wala akong nakakaaway, haters mga ganon. And believe it or not, nagkaroon din ako ng mga secret admirers. Araw-araw na lang kasi napupuno ang locker ko ng mga love letters at minsan may mga regalo pa. See?

Maayos at masaya naman ang naging buhay ko.. nagbago lang ng dumating sya.. sila...

***

"To all passengers, please fastened your seatbelt and remain be seated. In a just few minutes, we we're arriving at naia terminal 3. Thank you!"

Naalimpungatan ako sa sinabi nung flight attendant. At habang abala sila sa pag-aassist ng mga pasahero, napangiti ako ng bahagya. Kung nakatapos lang sana ako baka naging isa na rin ako sa kanila. BS Tourism Management kasi ang kinuha kong course. Kung bakit? Natatandaan ko kasi dati na si kuya Jam, gusto namang maging piloto.

Nang makababa na ko sa eroplano, diretso lang ako sa sa paglalakad palabas ng airport. Wala naman kasing susundo sakin.

Pero sa paghahanap ko ng exit, isang hindi kanais-nais na makitang tao ang nakita ko.

*heartbeat fast*

Sht! Sa dami ba naman ng tao sa bansang to, sya pa talaga ang nakita ko?!!

Kung sino?

Walang iba kundi ang taong nang-rape at nagtangkang pumatay sakin!

Bakit sya pa?!

Bakit ngayon na?!

At bakit bumibilis pa rin ang tibok ng puso ko ngayong nakikita ko syang nakangiti habang ginagawa ang trabaho nya bilang.. aiport police o security guard..??

Hindi pwede to!

Nakita kong lilingon sya sa may direksyon ko kaya agad na kong tumalikod at naghanap na lang ibang daan palabas.

Not now. Baka masira pa ang mga plano ko pag nakita nya kagad ako.

This is not good.

Not really really good.

Noon, nang masanay na ko sa pagiging popular sa school, natuwa ako sa mga atensyon na ibinibigay nila sakin.

Hindi ko man lang naisip noon na, yun din pa lang pagiging popular ko noon ang magpapahamak sakin.

***

Inabot na ko ng gabi sa pagggagawa ng group project sa bahay nung kaklase ko at habang naglalakad na ko pauwi, ramdam na ramdam ko na may sumusunod sakin.

Binilisan ko pa ang paglalakad pero parang ganon din sya.

Tsk! Dapat pala nagpahatid na nga lang ako doon sa isang kagroup ko na nag-offer na isabay na ko kanina. Pero nakakahiya naman kasi, last week ko lang sya binasted e.

Tumakbo na lang ako ng mabilis nang matanaw ko na yung building ng apartment ko.

Yes! Buti na lang.

At dahil di uso ang elevator dito, tinakbo ko na rin ang hagdan papuntang third floor, makarating lang ng mabilis sa apartment ko. Pero dahil minalas-malas pa ko, bigla akong natisod sa pagtakbo.

"Ay!" Mahuhulog na sana ko pero may nakasalo naman sakin kagad sa may likuran ko.

Napalingon ako sa kanya at.. *heartbeat fast* Malay ko bang nakatingin rin pala sya sakin. Ang lapit tuloy ng mukha namin sa isa't-isa.

And oh my Lord! Alam ko to.. dahil parang ganito rin ang naramdaman ko kay kuya Zeno before..

Shemay~ Crush-at-first-sight???

Hindi ko alam kung ilang segundo o minuto na ba akong nakatitig sa kanya. E kasi naman, bukod sa gwapo na, hindi rin naman nya inaalis ang mga titig nya sakin. Parang nakakahypnotize sya kung makatingin.. hindi ko maialis ang titig ko sa kanya..

Napabalik na lang ako sa katinuan nang bigla nya kong iniikot paharap sa kanya tapos hapitin sa bewang at halikan sa labi.

Waaaaaaaaaaa!!!!

And first kiss ko, ninakaw ng isang gwapong estranghero!!!

Buong lakas ko syang itinulak sa may dibdib nya pero mas malakas sya. Hinawakan nya lang ang dalawang kamay ko bago ko itinulak sa pader.

Tinitigan nya pa ko saglit bago sya nag-smirk.

Obviously meron syang di magandang binabalak.

Sinubukan ko ulit makaalis pero idinikit nya lang ang katawan nya sakin at hinalikan akong muli.

Naiiyak nako sa marahas nyang paraan ng paghalik at talagang pinipilit pa nyang mapasok ang bibig ko.

Hindi ganito ang first kiss na gusto ko!

Binitawan nya ang mga kamay ko bigla kaya akala ko may pagkakataon na kong makawala sa kanya, pero hindi. Binitiwan nya lang pala ang mga kamay ko para mahawakan naman ang dibdib ko.

Napasinghap na lang ako sa ginawa nya kaya nagkaroon sya ng pagkakataong maipasok ang dila nya sa bibig ko. At doon ko nalasahan ang pait.. Teka ibig sabihin..

Waaaaa!! Nakainom ang lalaking ito!!

Nagpupumiglas pa rin ako sa kanya kahit nawawalan na ko ng pag-asa at kung saan-saan na rin nagsususuot ang mga kamay nya.

Hanggang sa may marinig kaming mga ingay ng parating.

Napatigil sya sa ginagawa nya at napalingon sa may hagdan. Sinamantala ko naman ang pagkakataon na yun para makawala sa kanya.

At oo, nakaalis naman ako sa pagkaka-corner nya sakin sa pader at paakyat na sana ko ng hagdan nang mahagip nya pa ang braso ko.

Napalingon ako sa kanya at ewan ko talaga. Pero kinilabutan ako sa mga titig nya.

"You're mine. Only mine Ms. Popular." Tapos nag-smirk pa sya bago binitawan ang braso ko.

Jusko! Binabawi ko na yung sinabi ko kanina! Hindi ko na sya crush! Hinding-hindi ako magkakagusto sa isang manyak na katulad nya!

Tumakbo na lang ako paakyat at bago pa ko tuluyang makalayo, mga boses ng ilang lalaki ang narinig ko at yung isa.. napakapamilyar. As in, sobrang pamilyar na hindi pa ko makapaniwala sa narinig ko.

"Oy Jelan, bakit nandyan ka?" Tanong ng isang lalaking pamilyar ang boses.

"Isusurprise ka pa sana namin e.."

"Alam mo bang pupuntahan ka namin?"

"Istorbo kayo. Iuwi mo na sila Jan Miel." Sagot naman nung manyak.

At teka..

Napahinto pa ko at napalingon sa dinaanan kong hagdan. Sobrang tahimik kasi dito kaya rinig na rinig ko pa din sila.

Jan Miel?

Kakilala nya ba yung lalaking nagligtas sakin dati?

Anna Maria ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon