1: Come With Me

3.4K 42 4
                                    

Eizen's POV
(Ay-zen)

Madaling araw at nagdadrive na ko papuntang airport.

Ngayon na ang araw ng pag-alis ko sa bansa. Pinuntahan ko muna yung mga kabarkada ko kahapon pero di naman sumipot sa usapang despedida party kuno yung bestfriend ko. Tsk! Naturingang bestfriend sya pa yung M.I.A. Kaya pinuntahan ko pa sya sa kanila kagabi at doon na rin ako sa kanila natulog pero di naman sya umuwi. Mga kalokohan talaga ng mokong na yun! Tapos di man lang nagtetext.

Ay nako. Two years din akong mawawala, bahala sya! Wala syang pasalubong pag-uwi ko. ˇ▂ˇ

At oo. Two years ako sa ibang bansa muna. Doon na ko mag-aaral at pagbalik ko dito, sisiguraduhin ko ng mahahanap ko sya. Magkikita ulit kami at tutulungan ako nina mama sa paghahanap sa kanya basta sumama muna ako sa kanila doon nga sa ibang bansa.

Medyo napangiti pa ko habang nagdadarive dahil naaalala ko na naman sya.

Excited na kong makita ulit sya.

Konting paghihintay pa.. Malapit na‾..

Magkakasama-sama na ulit tayo...

Pero kaagad ding nawala ang excitement na nararamdaman ko nang may biglang babaeng huminto sa daraanan ko.

Buti na lang napapreno kagad ako dahil kung hindi, baka nasagasaan ko na sya.

Nakaramdam kagad ako ng takot habang nakikipagtitigan sa kanya.

Sht. Haunted ba ang lugar na to?

Jusmiyo. Paalis na nga ako ngayon pa ko mumultuhin?! Bat hindi na lang yung bestfriend ko?!

Pero teka..

*gulp*

Hindi pala sya nakakatakot..

Maganda sya kahit na.. ay teka.. bakit sya umiiyak?

Napadako naman ang tingin ko pababa sa katawan nya at.. O___O

Sht Eizen! Hindi sya multo!

Bumaba rin ako kaagad at lumapit doon sa babae.

Ang tanga ko naman! Bat di ko kagad napansin na wala pala syang saplot na kahit ano sa katawan kaya nakayakap sya sa katawan nya?!

Aish!

Hinubad ko na lang din kagad yung jacket na suot ko at binigay ko sa kanya.

"Isuot mo to.." tinanggap naman nya yon at nanginginig pa sya sa pagsusuot non kaya tinulungan ko na rin sya.

Tapos bumalik ako sa kotse ko at hinalwat ko sa may back seat yung maleta ko para maghanap ng kahit anong pwede nyang maisuot pambaba.

Eto, ayos na tong panjama.

Lumapit ulit ako sa kanya at tinulungan ko rin syang magsuot non.

Sht naman! Napaano ba ang babaeng ito at napakarami nyang galos sa katawan?! Saan ba to nagsuot at nahubaran pa?

Nang makapagdamit na sya, hinawakan ko naman ang kamay nya at isasakay ko na sana sya sa kotse nang bigla naman nya kong pigilan.

"Miss kailangan kitang madala sa hospital! Tingnan mo nga yang itsura mo! Baka mapano ka pa lalo!"

Pero umiling lang sya at iyak pa rin ng iyak.

"A.. yo.. ko.. Pakiusap.. wag.."

Ewan ko. Pero habang nakikipagtitigan ako sa kanya ng ganito kalapit at hawak ko pa yung kamay nya, parang may kakaiba akong nararamdaman na hindi ko maexplain.

Anna Maria ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon