32: The End is Near

Magsimula sa umpisa
                                    

At sa baba nung picture.. May mga naka-hand written na pangalan.. Maliit lang yon pero nababasa ko pa rin naman..

Eizen.. Anna Maria.. Lance..

Napaupo na lang ulit ako sa kama sa sobrang pagkabigla. Nabitawan ko pa yung frame, buti na lang at carpeted floor sa kwarto ni Neji kaya hindi rin yon nabasag.

Pero bakit nga sya meron nito?

Si Eizen.. Sya rin pala si.. Kuya Zeno.. Alam na rin nya kaya yon? Hindi nya lang din kaya yon sinabi sakin? Pero bakit?

Napikit na lang ako ng mariin habang pilit na pinapakalma yung sarili ko. Nagagalit na naman ako.

Pero sa pagmulat ko.. Sya namang kita ko sa mga picture ni Neji sa isang bulletin board sa may kabilang pader. Napatayo na lang ako ulit at napalapit doon.

Mga picture to ni Neji mula pagkabata hanggang sa paglaki nya. Ibig sabihin..

Napatingin na lang ulit ako sa picture naming tatlo na nasa sahig malapit sa kama.

"Ikaw pala si Lalan.. Nejiara Sano.."

Kinuha ko ulit yung frame at tinitigan iyon hanggang sa may napansin na naman ako.. Nakapink na bestida kasi ako doon, si Kuya Zeno naman nakapolo.. Tapos si Lalan nakasimpleng white shirt lang na may design naman na number 11.

11?

Sya rin si Onze?

Kailangan ko syang makita.. Bakit hindi niya to sinabi sakin lahat? Samin ni Eizen? Bakit nya to itinatago?

***

Eizen's POV

Bat ganon? Parang di man lang ako nalasing?

Magdamag na kong nag-inom sa bar bago dumiretso dito sa isang motel na malapit dahil hindi ko pa kayang makita muna si Annia..

Tapos na yung problema nya.. Tinapos ko na.. Di ba dapat masaya na ko? Pero bakit ganito? Bakit.. Nasasaktan ako?

Paulit-ulit na nagfflashback pa sa isip ko yung mukha ni Jelan nung binangga ko sya.. Yung gulat at recognition sa mga mata nya..

"Kuya Zeno! Kuya Zeno masakit.."

"Sshh.. Tahan na.. Kaya mo yan.. Tiisin mo lang.. Promise, hindi ka sasaktan ni kuya okay?"

Hindi ko sya sinaktan.. Pinatay ko lang..

*sigh

Dapat masaya na ko di ba?

Tinapos ko na problema ni Annia.. Makakapagsimula na ulit kami..

Parang maiiyak na naman ako ng bigla pang tumunog yung phone ko..

1 message received:
SANO

O? Eto pa ngapalang lalaking to..

● Pumunta ka dito sa hideout Eizen.. May sasabihin ako sayo.

Tss. Marami talaga syang dapat sabihin sakin..

Napilitan na lang din akong tumayo at nag-ayos ng sarili bago pinuntahan si Sano.

Ngayon.. Dito na matatapos ang lahat.. Makakauwi na rin kami ni Annia..

Sana.

***

Nejiara's POV

Kagabi pa kong nandito sa kwartong to.. Nawala na rin yung tama ko..

Shit lang.. Muntik ko pang magawan ng hindi maganda si Annia kagabi kaya iniwan ko na lang din sya doon sa bahay.. Naparami na naman kasi ang inom ko..

Hinayaan ko na lang na nagkalat yung mga boteng walang laman sa may table sa labas ng pinto ng kwarto..

Nandito ako ngayon sa ban na ginawa na rin naming bahay noon.. At dito ko sya pinapunta..

Magkikita na ulit kami ni Eizen.. Sigurado akong nakakakutob na yon.. Kaya ngayon, tatapusin ko na dito ang lahat..

Aalisin ko na ang mga sagabal..

Nakatayo lang ako ng nakapamulsa habang nakatanaw sa labas ng bintana..

Ang ganda nung view.. Kita yung port sa malayo..

Kahit papano naman.. Namimiss ko rin sila.. Kung di lang siguro si Annia yung naging biktima nila baka pinalagpas ko na lang yong mga kawalanghiyaan nila.

Hanggang sa narinig ko ng bumukas yung pinto kaya napangiti ako ng mapait.

"Buti dumating ka.." Sabay lingon ko pa pero nagulat ako sa nakita kong dumating.

"Inaasahan mo bang darating ako?"

"Anong ginagawa mo dito? Hindi ka dapat nandito ngayon.."





"..Anna Maria.."

Anna Maria ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon