"Mm.. Pangako Kuya Zeno.. Iintayin ka namin ni Mari!"

"A.. Syangapala.. May sasabihin din ako sayo Lalan.. Nagsinungaling kasi ko sa inyo ni Mari.."

"Huh?"

"Wag mo na kong tawaging kuya.. Mas matanda ka kasi sakin talaga.. Kami ni Mari ang magkasing-edad lang!"

"Ano?!"

"Hahah.. Peace Lalan! Gusto ko lang naman kasing maging kuya nyo kaya sinabi kong mas matanda ako sa inyo.. Hahah!"

Iniwanan ko sayo si Annia.. Pero ikaw pang nanakit sa kanya..

Humanda ka sakin.. Jelan..

***

Annia's POV

Masaya kong nandito na rin si Eizen.. Na magkasama na ulit kami.. Pero hindi ko pa rin maiwasang hindi kabahan.. Natatakot ako sa mga pwedeng mangyari..

Hinawakan ko na lang yung reflection ko sa salamin.. Kanina pa ko tapos maligo pero hindi pa rin ako makalabas ng banyo..

Kanina ko pang tinititigan dito ang sarili kong basang-basa pa rin at nakatapis lang ng tuwalya.

Kahit ako hindi ko na makilala pa ang sarili ko..

Si Rajeel.. Ako ang tumulak sa kanya.. Iniumpog ko sya sa mesang naroon at ibinato ko sa kanya yung coffee shake na dinala ko para sa kanya.

Ako pa ba to?

Bigla pang nagflashback sa utak ko yung ginawa kong pagtulak kay Jayv sa tulay.

Ikaw pa ba si Anna?

Tapos yung ginawa kong paglunod kay Jan Miel sa bathtub. Kahit na sya pa ang kuya ko.. Ang kapatid ko.. Ako pa rin ang.. Pumatay sa kanya..

"Anna Maria.."

"Nawawala ka na.. Sino ka na ba?"

"S-sino.. Na ba ko?"

Napatungo na lang ako at napatuon sa sink.. At pag angat ko ulit ng tingin sa sarili ko, bigla na lang akong nakaramdam ng galit.. Sobra-sobrang galit..

"Ako rin dapat ang pumatay kay Shun.. Hindi sya dapat nangingialam.."

Humanda ka rin sakin Neji.. Uunahin na muna kita bago si Jelan.. Bago pa malaman ni Eizen ang totoo..

Sa sobrang galit ko, bigla ko na lang pinagdadampot yung mga shampoo at sabon na naroon at ibinato sa reflection ko sa salamin.

Wala na kong pakialam kahit natatalsikan din ako ng bubog sa mukha. Ang gusto ko lang mawala yung nakikita kong reflection sa salamin.

Wala na yung dating Anna.. Hindi na sya babalik..

"Hindi na sya babalik pa!!" Sabay bato ko pa ng kung anumang madampot ko. At nung wala na kong madampot, pinagsusuntok ko na lang yung salamin.

"Wala na si Anna! Wala na sya! Pinatay na nila si Anna!"

"Aaaahhhh!!!"

Bakit ganon? Bakit hindi naaalis yung galit na nararamdaman ko?!

Ang daming dugo! Ang daming dugong nagkalat pero hindi rin ako nasasaktan.. Hindi ako nasasaktan!

"Hindi nyo na ko masasaktan!!"

"Aaahhh!!"

***

Eizen's POV

Ang hirap.. Ako ang nasasaktan para sa kanya..

Kanina pa kong nakatayo at nakasandal dito sa pinto ng banyo.. Dinig na dinig ko na naman ang pagwawala nya.. At hindi ko na naman mapigilan ang sarili kong hindi mapaiyak..

Ano na bang dapat kong gawin?

Paano ba kita matutulungan Annia?

Ayoko ng nagkakaganyan ka..

"Aaahhh!!"

Annia..

Gusto ko ng pumasok.. Gusto ko na syang yakapin.. Pero..

Itinaas ko na lang yung isang kamay ko at hinaplos yung pinto na parang si Annia lang yon..

Doon nakita ko na naman yung mga peklat ko sa braso..

Yung mga sugat na nakukuha ko sa tuwing pinipigilan ko siya..

Hindi ako natatakot na masaktan.. Dahil alam ko, hindi niya naman yon gusto.. Hindi niya yon gusto kahit iba ang nakikita ko sa mga mata nya sa tuwing nagwawala sya..

Tatapusin ko na to Annia.. Uuwi na tayo sa Amerika.. Makakapagsimula na tayo ulit..

Gagawin ko pa ang lahat para makalimutan mo na sila..

Narinig ko ng tumahimik sa loob kaya kinatok ko na sya..

"Annia.."

Puro hikbi na yung narinig ko mula sa loob kaya mas napaiyak na lang din ako.

Ganito sya.. Ito ang pinaka-ayaw kong nakikita.. Ang umiiyak sya sa tuwing pagkakatapos nyang magwala..

Mas nasasaktan ako para sa kanya.. Wala akong magawa.. Hindi ko sya matulungan..

I'm sorry Annia.. I'm sorry..

Anna Maria ✔Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz