Vacation

584 59 2
                                    

Ambilis niya talagang mag-bihis. Ako rin naman pero kadalasan nauuna siya. Nailigpit na nga niya yung pinagkainan namin nung lumabas ako.

"Sinabi ko bang hugasan mo yan?"

"Hai Levi. Pwede ba. Tapos ko na nga eh. Mageemote ka pa dyan. Napaka-Andropause mo talaga."

At may tawag na pala siya sa'kin. "Hindi pa ko Andropause. Magtigil ka dyan Rae."

She just chuckled.

"San mo gustong pumunta?" I ask again. We're on the car at palabas na kami ng rest house.

"Magsimba muna tayo Levi. Para naman gumaling ka na. Baka mamaya matuluyan ka sa pagiging andropause mo."

"Tigilan mo nga yan. Para kang tanga."

"Naaasar ka na ba sa'kin?"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Naaasar ka na ba sa'kin?"

"Alam mo, pag di ka tumigil dyan. Isasabit kita sa harap ng kotse ko."

Humalukipkip siya. "Eto. Minsan lang ako mantrip, babasagin mo pa." She chuckled. "Levi."

"Ano?"

"Mas bagay talaga sa'yo yung ganyang buhok. Ang panget kasi nung may buntot ka. Para kang gangster. Di bagay. Mas... Ok ngayon."

"Why did you say that?"

"Ang cute mo eh."

Kumabog ang dibdib ko. Eto na kaya yun? Attracted na siya sa'kin? I look away, trying to hide my smile. I'm cute she said.

"Sa Manaoag ba tayo magsisimba?"

"Oo. Para mabawasan naman yang mga kasalanan mo."

"Ah sige. Ipagdadasal ko rin na sana hindi ka na maging masungit. Ang cute mo nga, masungit ka naman. Sayang ka lang."

I smirked. Lakas talaga niyang mang-asar. Kaya nagugustuhan ko siya eh. Hai Rae. "Rae. Pwede ba? Kung aasarin mo lang ako, tumigil ka nalang."

"Naasar ka ba?"

"Hindi."

She's trying to hide her smile as I answered her.

"So trip mo ko?"

"Oo baket?"

"Mamaya ka sa'kin. Trip mo pala ko ha."

"Ai wag nalang. Tatahimik na ko. Baka tuluyan mo ko. Itapon mo pa ko sa talahiban."

I smirked. Sumasakit na kasi ang pisngi ko sa kakapigil ng ngiti ko.

Selfish Heart (A LeviHan Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon