Buti na lang din at nadito si Neji at tinutulungan kami ni Eizen.. Sana lang talaga matapos na kagad to.

Napapikit na lang ako at naisip ko na naman yung mga sinabi ni Nej.

"Si Jan Miel ang uunahin natin.. Bago si Jayv, Shun at huli si Jelan.."

Kung tutuusin, parang wala namang kasalanan sakin si Jayv kaya lang.. Ay ewan! Hinayaan nya pa rin yung mga kaibigan nya! Damay na rin sya.

At si Jan Miel..

Napamulat na lang ulit ako.

Bakit may parte sakin na ayoko syang mapahamak? Bakit parang mas nag-aalala pa ko sa kanya kesa kay.. Jelan..?

"Bakit gising ka pa?" Biglang dating ni Neji kaya napatayo naman ako. "Sumasama na naman ba ang pakiramdam mo?" Sabay lapit pa nya sakin at umiling naman ako.

"Musta ang lakad mo?"

Ngumiti naman sya ng bahagya bago ko sinagot.

"Okay naman. Tapos na rin tayo kay Jayv.. Si Shun at Jelan na lang.. Sige na, magpahinga ka na.. Bawal ka mastress masyado Annia.." Aakyat na rin sana sya sa taas ng tawagin ko pa sya kaya napahinto sya sa pag-akyat ng hagdan.

"A Neji.."

"Mm?"

"S-si.. Ano.. Si.. J-jan Miel.." Napakunot naman ang noo nya. "P-pwede ko ba syang makita?"

"Bakit? Para saan pa?" Halata kong nabadtrip sya kaya parang kinabahan naman ako ng konti. Umiwas pa ko ng tingin at napakamot sa ulo.

"B-basta.. Pwede ko bang malaman kung nasan sya? Sila ni Jayv?"

Napangisi pa sya bigla and swear. Parang kinilabutan ako bigla.

"Sige, bukas. Dadalhin kita sa kanila. Magpahinga ka na." Sabay akyat na rin nya.

Napabuga na lang ulit ako ng hangin bago nagtungo na rin sa kwarto ko dito sa baba. Ayaw kasi kong patulugin ni Neji sa taas at baka daw madulas lang ako sa pag-akyat, baba ganon. Minsan talaga, may pagka-oa din sya.

Pagkahiga ko sa kama, napatitig pa ko sa kisame.

Tatapusin ko na to.

Jayvien.. Jan Miel.. Ako na ang pinakahuling taong makikita nyo.

***

Neji's POV

"Dadalhin ko dyan bukas si Annia kaya umalis ka dyan." Sabi ko kay Eizen sa phone habang nakahiga na ko sa kama at nagpapahinga.

"What?! Sano naman! Wag mon dalhin dito si Annia!"

"E sa gusto nya raw makita si Jan Miel e.. Tsk. Ano? Ipapaalam na ba natin sa kanya ang totoo?"

"What?! No! Hindi pa pwede!"

"Tsk. Bahala ka. Basta umalis ka na lang dyan bukas, ako namang bahala sa kanya e.. Asikasuhin mo na lang si Shun o kaya si Jelan ng may magawa ka naman." Sabay end ko na ng tawag at ibinato ko na lang yung phone ko sa sahig.

Nakakainis. Bwiset!

Napabangon pa ko ng paupo bago napatingin sa picture frame na nasa bedside table ko.

Malapit na..

Malapit na, malapit na..

Ewan ko pero napangiti na lang din ako.

Natutupad na ang mga plano ko.

Magbabayad kayong lahat.

***

Shuyin's POV

Si Rajeel nawala na.. Si Jan Miel at Jayvien, M. I. A na. Sigurado, kaming dalawa ni Jelan na ang susunod.

Maaga pa lang at hindi pa masyadong sumisikat ang araw ng pumunta ko sa lumang train station na naging tambayan na rin namin noon. Dumiretso ko sa container ban na ginawa na naming bahay dati nung high school.

Hindi ko sila hahayaan sa mga pinaggagagawa nila. Wawasakin ko na lahat ng mga bagay na makakapag-paalala pa sa nakaraan namin. Ayoko na. Ayoko pang mamatay.

Sigurado na akong si Anna ang may pakana ng lahat ng to at gumaganti lang sya. Babae lang sya at wala kong pakialam kahit na may tumutulong pa sa kanya. Mabigyan lang ako ng pagkakataon, uunahan ko na sya.

Pagbukas ko ng ban, nagulat ako ng makita ko doon si Jelan sa sofa. Mukha syang may hang-over at nakatungo pa.

Kaya pala di ko sya maabutan sa kanila, hindi na rin siguro sya umuuwi pa at pumapasok sa trabaho.

Tsk. Kasalanan rin niya to e. Sa dami ba naman ng babae sa mundo, yung may sayad pa ang kinabaliwan nya.

Nag-angat sya ng tingin at kitang-kita ko ang pagod sa mga mata nya.

"Shuyin.. Tulungan mo ko.. Pakiusap.."

***
A/N

Waaaa~ pasensya na po sa matagal na update.. Nawala po talaga ko dito e.

Pramis! Aayusin ko na po yung mga nasa drafts ko para sa sunod na update dire-diretso na tayo sa ending at di na bitin.

Inabot na ko ng one year dito.. Nauna ko pa yung She's an Army for Real! Anyways~ yon na lang muna basahin nyo.. Tapos na yon. BTS and DESCENDANTS OF THE SUN fanfic. Heheh..

Bawi talaga ko next time.

BossKookie salamat sayo ha, di na muna ko aalis dito hanggat di to tapos! Mua 💋

Anna Maria ✔Where stories live. Discover now