Special Chapter (2)

4.1K 90 7
                                    

   Special Chapter (2)

  Clyde's Proposal

   -YSABELL SANTOS's POV-


    Ngayon ay gina-guide kami palibot dito sa Meewasen Valley Trail, Saskatchewan..In Canada, of course. Nakakamangha lang na makakita ng ganitong view, nakakarelax kahit na maglakad ka palibot ng Trail.

   The stunning area hugging the South Saskatchewan river offers a picture-perfect autumn vistas. Warm and cozy at the same time, medyo malamig pa ang simoy ng hangin dito sa Canada kahit na maaraw hindi ka gaanong papawisan, unlike sa iba.

  "Ang ganda dito no?" Pagmamayabang ko kay Clyde.

  "Yeah, unlike New York puro buildings kalimitan ang makikita mo. Maganda 'tong lugar pero.." Hinawakan ni Clyde ang kamay ko ng mahigpit. "Mas maganda ka pa rin."

  "Ilang blondie na sa New York ang nasabihan mo niyan? Ilabas mo, ingungudngod ko dito sa lupa ng Canada."

   "Cute!" Ngumiti siya ng malawak na parang nangigigil pa sa'kin.

   "Wag mo akong macute-cute diyan."

   As we walk, we encounter manicured parks, wild groves and historical landmarks.

   Umakyat kami ng konti sa may Valley para umupo sa damuhan. The hue's of yellow, red and orange reshape the city's landmark, nakakarelax lang talaga dito. Parang laging magsa-sunset--Something like that.

   Clyde sat beside me habang pinapagpag ang dalawa niyang kamay. "Babe."

   "Hmm?"

  "Pag may nag-propose ba sa'yo sa lugar na 'to, tatanggapin mo?" Napa-isip naman ako sa sinabi niya, like he's going to propose Bell, wag assume ha? "Depende sa mood ko." Tugon ko na lang.

   "Talaga?" Tumingin ako sa kanya at tumango lang. Pilyo siyang ngumiti, yung ngiti niyang sobrang charming kaya nahuhulog ang mga babae sa kanya dahil sa matinik niyang ngiti. Tsk. At isa na ako sa babaeng yun.

   "Bakit magpo-proposed ka ba?" Biro ko.

   Napasinghap siya habang nakaturo sa ulo ko. "Wag kang gagalaw." Madiin niyang sabi kaya kinabahan ako. "Bakit? Anong meron sa ulo ko?" Hahawakan ko sana ang ulo ko kaso bigla siyang sumigaw.

  "Wag! Wag mong hawakan! M-May gagamba sa ulo mo, 'di ba takot ka?"

   Nanlaki ang mata ko. "Omg omg omg omg Clyde tanggalin mo!" Maiiyak-iyak ko ng sabi.

  "Oh sige pumikit ka muna."

  "Ha? Bakit--"

  "Basta dali!"

   Pumikit ako ng ilang segundo pero parang hindi ko naman naramdaman si Clyde. "Babe? Babe? Nasa'n ka na?" Agad naman akong dumilat nung hindi ko siya makapa.

  "Babe!"

  Lumingon ako nung narinig ko ang boses niya pero mas nagulat ako sa nakita ko.

   He's on his knees, while the tour guide and other Canadian's holding every letter of this word..

  .. Will You Marry Me Ysabell?

  Habang nakaluhod sa gitna si Clyde. Watdahek. "Clyde..What.." Hindi ko alam ang sasabihin ko or kung anong gagawin ko sa sitwasyon na 'to. Ang bilis-bilis ng tibok ng puso ko habang nagi-init ang katawan ko.

   "What's your answer!?" Tanong nung mga Canadian sa likod ni Clyde.

   Ngumiti ako ng malawak habang humalukipkip si Clyde habang nakangiti. "Let me see the ring!" Sigaw ko naman.

   Pinatayo naman nila si Clyde at pinalalapit sa'kin kaya naglakad na 'to papalapit sa'kin hanggang sa maabot na niya ako, may nilabas siyang black na square box sa bulsa niya. "Here it is." Tinanggal niya sa box yung singsing at ipinakita sa'kin ng harapan.

   It's a sapphire ring.

  "So what's your answe--Ah!" Nagulat ako nung nadulas siya nahawakan ko pa ang kamay niya saglit pero nadulas pa rin siya ng tuluyan pababa ng valley. Oh shit.

   Hirap siyang tumayo pero pinuwersa niya ang sarili niya na parang may hinahanap.

  "Clyde! Are you alright!?" Tanong ko.

  "No! The ring! The ring fell!"

  "Calm down--!"

  "No! I haven't heard your answer! I need that ring! Hindi pwedeng mawala yun!" Tinignan niya ako ng seryoso, it's so cute nung nakita kong may nangingilid na luha sa mata niya.

   Tumakbo naman ako pababa para puntahan niya, ang mga hikers dito ay nagmistulang audience namin.

  "Clyde! Do you really want to marry me?"

   Hanap pa rin siya ng hanap sa damuhan at hindi niya ako pinansin kaya hinawakan ko siya sa balikat para matignan ko ng maayos ang kanyang mukha and he's so frustrated about the ring.

   "Clyde, do you really want to marry me?" Tanong ko muli sa kanya.

   "Of course! God! Of course! Gusto kong maging asawa ka okay? Gusto kong maging akin ka lang at matali ka na sa'kin! But that fvcking ring is gone!" Nagulo niya yung buhok niya.

   Tinaas ko yung kaliwang kamay ko para ipakita sa kanya yung sapphire ring na nakasuot sa aking palasingsingan. "Then itali mo na ako, let's get married."

   Hindi ko alam pero tumulo ang luha niya at agad akong hinila papalapit sa kanya upang mayakap niya ng mahigpit.

   Nagpalakpakan ang tao sa paligid. Niyakap ko siya pabalik. "Bakit ka umiiyak?" Medyo nahahawa ako sa kanya.

   "I..I'm just happy. Can't we just go straight to church and say our vows?"

   Hinampas ko siya ng mahina sa likod habang yakap-yakap ko siya. He really like a child.

   "Sira!"

Kailangan ko 'tong ibalita kay Mafi, hihihihi.


    ~===•===~

   Marcus Ferrer's Everyday life.


  Gigising. Magmumumog. Kakain. Kakain. Manonood ng tv. Papasok sa office. Uuwi. Kakain. Matutulog. Gigising. Magmumumog. Kakain. Kakain uli. Manonood ng tv. Papasok sa office. Uuwi. Kakain. Matutulog.

   Gigising--

 Really!? "What's happening to my life!? Ba't ganto ka-boring!?" Nagdabog ako na parang bata sa aking kama.

   May nase-sense akong aura na parang ako na lang ang napag-iiwanan. Damn that Aki, Zeke, Clyde and Fylan! Every each of them have their own woman!?

   Why I'm the only one who's single here!? Why!?

 I think I need to shut all my conservative ass and get my own woman! 


She's Mine (Almarez's Generation Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon