Chapter 52: Yes, I will

3.3K 91 10
                                    


   Chapter 52: Yes, I will

     Nagising ako ng maaga at nakita kong nasa harapan ng kabinet si Akihiro habang nagsusuot ng kanyang polo at nag-aayos ng necktie. Umupo ako sa kama at tinitignan ko lang siya.

   Yung nangyari pala kagabi, nakatulog siguro ako pagkatapos ko umiyak.

   "Gising ka na pala, I cooked breakfast kumain ka na lang." Tinupi niya yung sleeves niya hanggang siko and then he looked at me. "Sabi mo nung nakaraan gusto mong makipagkita do'n sa Adrian 'di ba? Pinapayagan na kita."

   Napalunok ako. "Ah, gabi ka na ba uuwi?"

   "Baka bukas ng madaling araw pa ako makauwi, marami pa akong tatapusin sa office." Kumirot ang puso ko pero tumango ako sa sinabi niya. "Sige."

   "Aalis na ako." Dinampot niya yung susi sa may side table ng kama. Tinignan ko lang siya hanggang makalabas ng kwarto at narinig ko ang pinto na nagsara. Napahilamos ako sa mukha ko.

  Ano ba 'to? Kung siguro sa ibang tao, iisipin nilang bakit ayaw ko sabihin kay Akihiro ang nararamdaman ko, mukhang madali pero hindi. Walang makakaintindi sa'kin hanggang hindi pa nila nararanasan ang nararanasan ko ngayon.

   Tumayo na lang ako at nagsimulang kumain ng almusal.

   Mga alas tres na ng hapon nung tumawag si Adrian at nagyayaya na magkape kaya pumayag ako, pinayagan na rin naman ako ni Akihiro susulitin ko na.

   "Oh Adrian, naghintay ka ba?" Umupo ako sa katapat niyang upuan. "Hindi kararating ko lang din."

  "Traffic kasi papunta dito."

  "Oh." Tinignan niya ako. "Umorder na ako para sa'ting dalawa." Nagpasalamat naman ako sa kanya.

   Naghalalumbaba siya. "Ngayon, mag-kwento ka sa'kin kung bakit bigla kang nawala, bigla kang umalis sa shop? Akala ko ba babawiin mo sa buyer yun? Atsaka teka nga, sa'n ka nakatira ngayon?" Halos hindi ako makahinga sa sunod-sunod niyang pagtatanong sa'kin. Napapikit ako.

   Huminga ako ng malalim bago ako nagsalita. "Si Akihiro ang buyer ng lupa."

   His forehead wrinkled. "Aki..hiro?" Parang hindi pa siya makapaniwala. "Akihiro Almarez?"

   "Oo siya."

  "When did he came back?"

   "Malay ko basta pagkapasok ko sa office ng buyer, pagmumukha niya ang nakita ko."

   "Anong nangyari? Binalik niya ang lupa sa'yo?"

   "Ibabalik niya kaso may kapalit." Uminom ako ng americano ko dito at si Adrian halos magdikit na ang kanyang kilay dahil sa mga nalalaman niya ngayon. "Ano namang kapalit yan ha? Mamaya may masamang binabalak yan."

   Umiwas ako ng tingin at nilapag ko yung cup sa mesa. Sasabihin ko ba?

   "Mafi. Tell me." Natakot naman ako sa boses niya dahil ang seryoso.

   "Ibabalik niya ang lupa sa'kin pero.." I bit my lower lip. "Ahh..Bibigyan ko muna siya ng anak." Napatingin ako sa kanya dahil iba na ang aura niya ngayon. "Teka lang yun kasi ang napag-usapan, ayaw niya akong magbayad ng pera at kahit naman bayaran ko siya aabutin pa ako ng ilang taon--"

   "Did you have sex already?"

Napatigil ako sa tanong niya at halos masuka ko yung organs ko sa gulat. "H-H-Hindi p-pa! Wala..Wala pang n-nangyayari, tsaka wag mo ngang sabihin yan n-na parang wala lang."

She's Mine (Almarez's Generation Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon