Chapter 58: I miss you

4K 104 6
                                    



  Chapter 58: I miss you


   Umuwi kami uli ng Maynila, alas-kwatro ng umaga ang flight ni Akihiro kaya natulog na lang ako sa kotse habang nasa biyahe kami. Medyo sinisilip ko nga si Akihiro dahil wala siyang tulog baka mahilo siya sa daan at mabangga pa kami juskopo.

   Nasa kalagitnaan na kami ng daan at pasikat na rin ang araw.

   Umupo ako ng maayos. "Malapit na tayo?"

  "Yes, baby..Did you sleep well?" Tumango naman ako. "Wag ka magpakapagod at alagaan mo ang sarili mo pati ang baby natin, 'kay?" Hinawakan niya ang kamay ko samantalang ang isang kamay niya ay nasa manibela.

  "Opo." Nginitian ko siya. The warmth of his big hands captured me and I don't want to let go anymore. "Umuwi ka agad." Halos pabulong na ang pagkasabi ko dito.

   "Yes, I'll contact you from time to time."

   Pumasok na kami sa loob ng NAIA at nasa may tapat na kami ng Departure Area at sumalubong naman sa'min si Akina. "Omg omg! You two are together! I can't believe it!"

   Halos magtitili na si Akina sa harapan namin sa kadahilanang nakita niya kaming dalawa ni Akihiro na magkasama. "Anyway Kuya oh, eto yung ticket mo, then your luggage is here may mga gamit ka pa naman sa U.S 'di ba? So all set!"

   "Dude!"

    "Hello there!"

Napalingon naman kami sa mga taong nagsisigaw at tumatakbo papunta sa'min. Nanlaki ang mata naming tatlo, hala--"Clyde and Fylan?" Napatakip ako ng bibig.

   Kumunot ang noo nilang dalawa at sabay nila akong hinead to foot.

  "What..Mafi?" Nagtataka pang sabi ni Clyde.

   "Bestfriend ikaw ba yan?"

   Nagtaka naman ako sa kanila. "Ang OOA niyo kamo, kung maka-react kayo akala mo naman ang laki-laki ng pinagbago ko." Napailing pa ako dahil sa kabaliwan nilang dalawa. Mga baliw pa rin 'tong mga 'to.

   "Hindi! Ang laki ng pinagbago mo!" Pilit pa ni Fylan.

  "Back then, you were like a little girl..And now, wow." Sumipol pa si Clyde. "Tigilan niyo ako ha! Hindi pa rin talaga kayo nagbabago."

  "Kayo pa rin ba ni Akihiro?" Inakbayan ako ni Akina at tinulak patabi si Akihiro. "As you can see Fylan, they're together kaya sila! Oo silang-sila!" Pagde-deklara nitong si Akina with highly energized voice.

   "Wow lang talaga." Natatawang sabi ni Fylan.

  "Nevermind that, what are you two doing here? Huh?" Pagsusungit ni Akihiro sa kanila.

  "Hindi mo ba kami na-miss?"

  "Hindi mo ba na-miss ang umaapaw na kagwapuhan na nananalaytay sa dugo ko? Huh? Aki?" Inakbayan siya ni Clyde. "Get you hands off me." Tinapik ito ni Akihiro.

   "Sinusundo ka lang namin, Aki. May business kaming dalawa ni Clyde sa U.S so.. yeah wag ka na umangal." Tinaas ni Fylan at Clyde ang ticket nila.

   "Teka si Bell pala? Kamusta na?" Singit ko. "Hindi ko na kasi siya naco-contact, nagpalit yata siya ng roaming."

  "Oh, naalala ko pinabibigay sa'yo ni Bell yung number niya, nagpunta ako ng Canada nung nakaraan kaya nagkita kami, by the way she's well and alright and we're already engaged." Pinakita niya ang kaliwa niyang kamay.

She's Mine (Almarez's Generation Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon