Chapter 43: Strange hoodie man

3.3K 93 21
                                    

  Chapter 43: Strange hoodie man

  six months later..

  It's been six months since I had the accident, yun ang sabi nila pero hindi ko pa rin alam kung bakit ako na-aksidente at kung bakit ako pumunta ng airport. Pag nagtatanong ako sa mga bagay na yun, hindi na nila ako sinasagot.

   Two weeks after the accident na-discharged ako sa hospital at meron daw akong amnesia, which is I believe, dahil parang may nakalimutan ako.

  The first three months, I've kept dreaming about an uncertain guy with blurry images, I can't remember his face or his voice, I only remember how he smiled at me. Ilang beses ako nagtanong kay Mama pero iniiba niya ang topic, kaya I gave up finding who is he, baka hindi naman importante.

  Pero hanggang ngayon, bigla na lang may magpa-pop up sa utak ko na malabong alaala ng isang lalaki na hinahawakan ang kamay ko. I wonder if I had a boyfriend pero nung napagisip-isip ko na impossibleng magka-boyfriend ako, hindi ko na pinagtuunan ng pansin ang ala-alang yun baka false memory lang or dahil sa mga fantasies ko.

   Malapit na akong magtapos ng first year college ko kaya medyo puspusan ang sipag na ginagawa ko. 

   Puro thesis pa kami ngayon about researching and strategies sa pagma-manage ng isang negosyo. I'm an Business Ad student kaya puro ganyan ang inaaral.

   "Natapos mo na?" Tanong ni Adrian.

   Si Adrian ang kaibigan ko dito sa classroom, siya lang ang ka-close ko sa lahat ng ka-blockmates ko dito. Nung una, hindi ko talaga siya maalala o baka dahil lang din yun sa amnesia ko, siya daw ang katabi ko nung first day of school kaya medyo naging komportable na ako sa kanya.

  "Hindi pa nga e, kailan ba pasahan? Sumasakit na ang ulo ko." Reklamo ko dito.

  "Oh binilhan kita ng juice." Inabot niya sa'kin yung bote.

  "Ay salamat. Magkano?"

  "Wag na, libre ko na dahil nakikita kong nagsisipag ka." Ginulo niya pa ang buhok ko na parang tatay ko siya. "Papa..?"

   Napatigil siya sa paggulo ng buhok ko at pinisil ang ilong ko. "Anong tatay ha? Wag mong sabihing tatay ang tingin mo sa'kin!?"

   "Joklang joklang, nadala lang ako sa sitwasyon." Hinimas ko yung ilong ko at uminom ako ng juice.

   Inayos ko yung folders ko at ibang paperworks at ipapasa nanamin sa prof. namin kaya nagpunta kami sa faculty para isalampak do'n sa teachers table yung libo-libong thesis na pinagagawa nila.

   "Sabay ka ba mag-lunch sa'min nila Fred?" Tanong ni Adrian. Tinutukoy niya si Fred at Harley ang lagi kong kasama sa classroom.

  "Hindi, kasabay ko si Bell eh." Tumango lang siya at dumiretso siya sa classroom samantalang ako ay lumabas ng building namin at pinuntahan sa kabilang building si Bell.

"Mafi~!" Bago pa ako makalingon ay nakayakap na si Bell sa likod ko.

   "Sila Fylan?" Tanong ko.

"Ah nandoon pa yata--Ayun na pala!" Tinuro niya yung apat na nagtatangkarang lalaki na papalapit sa'min. Si Fylan, Ezekiel, Clyde at Marcus. Napangiti naman ako at kinawayan ko sila.

   Everytime I look at them, parang may kulang sa kanilang apat.. Parang hindi sila kumpleto pag wala yung isang taong yun pero wala akong matandaan.

  Umiling ako. Dala nanaman siguro 'to ng sobrang pagkaadik ko sa teleserye.

   "Tara, sinigang daw yung tinda sa canteen! Sana sinigang na gabi!" Tumatalon-talon pa si Fylan habang sinasabi yun.

She's Mine (Almarez's Generation Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon