Chapter 25: Locked up

4.5K 132 11
                                    


      Chapter 25: Locked up 


   Si Clyde at Fylan ay sinamahan ako papunta sa kinalulugaran nung lalaki. Isa siyang waiter sa restaurant. Pinapunta nila Clyde yung lalaki sa likod ng restaurant para makapag-usap.

As soon na makapunta kami sa likod, agad na pinadapuan ng suntok sa mukha ni Fylan yung lalaki at pinigilan naman namin siya ni Clyde. "Gag* ka, anong ginawa mo sa Bestfriend ko ha?!"

"F-Fylan, okay lang.. Kakausapin ko na lang siya." Pagpapakalma ko sa kanya pero hindi siya nakinig.

Gusto pa sanang suntukin ni Fylan pero pinipigilan siya ni Clyde. "Easy ka lang pre." Sabi naman ni Clyde.

"Hindi, gag* yan eh!"

"Pasensya na po.. H-Hindi ko naman ginusto na mangyari yun, may n-nag-utos lang sa'kin."

Napatigil kaming tatlo at lumapit naman ako do'n sa lalaki. "S-Sinong nag-utos?" Tanong ko.

"Babae, Ysabell Santos ang pangalan niya, nag-offer siya ng malaking halaga sa'kin hindi ko siya matanggihan! Kailangan na kailangan ko ng pera!" Nanginginig na sabi nung lalaki. Napa-iling naman ako. "Ysabell? T-Teka.. Mali..Hindi..Hindi! Pa'nong mangyayari yun!? Hindi sa'kin magagawa yun ni Bell!"

"Calm down." Inakbayan ako ni Clyde. "Pero Clyde! Nagsisinungaling 'tong lalaking 'to! Mali s-siya.."

"Maniwala kayo sa'kin! Linggo ng gabi yun, nag-plano siya na dadalhin kita sa hotel.. Siya nga ang kumuha ng litrato sa'ting dalawa."

Napa-atras ako. Hindi ko na alam ang iisipin ko, yung mga ngiti ni Bell, yung pagkakaibigan namin.. Tumulo ang luha ko. Siya ang nagi-isang kaibigan kong babae, pa'no niya 'to nagawa? Bakit..?

Muli hinarap ko ang lalaki. "Isang tanong na lang.." Huminga ako ng malalim. "May nangyari ba sa'tin?"

Tumahimik siya at kinakabahan ako sa isasagot niya. "Wala po.. H-Hindi ko po yun magagawa, sumunod lang ako sa plano para makuha ko yung pera." Medyo nakahinga ako ng maluwag sa sinabi nung lalaki. "Salamat." Ngumiti ako sa kanya at umalis na sa lugar na yun.

Tahimik lang ako sa kotse habang pabalik kami.

"Salamat pala sa pagtulong sa'kin.." Humarap naman sa'kin si Fylan kasi nasa-backseat ako. "Actually, kay Aki dapat magpasalamat, siya talaga ang humalughog sa buong city para mahanap lang yun, sabi ko ipahanap niya na lang sa private investigator pero hindi siya pumayag, he's a stubborn one right? Hindi niya nga pinapasabi pero nakaka-guilty kung kami ang makakatanggap ng pagpapasalamat na yan."

Hindi nanaman niya pinapasabi.. Lagi na lang niyang tinatanggi pag tinutulungan niya ako. I sighed.

DAY OFSCHOOL FESTIVAL

May kanya-kanyang imbento yung mga classrooms at clubs dito. May mga nagbebenta ng snacks, coffees, mga street foods, basta maraming stands sa labas ng buildings, maraming tao sa Court dahil may mga naglalaban din ng basketball, meron din sa Gym dahil sa performance ng Gymnastic Club at sa Field ay naglalaban ng soccer, may naglalaban naman din ng badminton at volleyball sa may West Field.

Dalawang linggo din ang lumipas.. Hindi ko pa rin sinasabi kay Bell yung nalaman ko, hindi naman rin nagbago ang pakikitungo ko sa kanya.

"Sinabi mo na ba kay Ysabell?" Tanong ni Fylan.

She's Mine (Almarez's Generation Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon