Chapter 18: His lips on mine

6K 171 26
                                    

      Chapter 18: His lips on mine


     -EZEKIEL DRASTON's POV-

-Last night-

Nasa may labas kami ni Aki ng mga pasadong alas-dose na. Natira na lang kaming dalawa dito dahil tulog na yung tatlong ugok.

And.. I want to clear things with him.

"I like her, si Perez." Diretsong sabi ko at wala siyang respond. He's still looking straight at the waving sea. "Hindi ko alam kung bakit mo sinabi na ako ang tumutulong sa kanya kahit ikaw naman talaga, but I want to have things in my way."

"Nagsisisi ako kung bakit ko ginawa yun." Tipid niyang sabi.

I laugh, kahit kailan hindi talaga siya nagbabago. "I want to ask you something.."

"If you're asking if I'm interested with her, well, I am." Nabasa nanaman niya ang nasa utak ko, and I don't feel any shock by what he said, I know him, madali lang basahin si Aki and I know that Aki likes her.

"Tignan na lang natin kung kanino siya mapupunta."

"Wag mo ng sayangin ang oras mo sa pag-iisip." Tumayo siya and then he looked at me with his stern face, mas nagulat ako do'n dahil iilang beses ko pa lang siyang nakitang seryoso. " 'Cause she's going to be mine." He declared.

Pumasok na siya sa loob.

Napailing ako at napangiti, sinandal ko na lang ang sarili ko sa upuan and I closed my eyes. "Am I gonna win?"

Nandito kami ngayon ni Aki at nagre-ready for our horse race. Minsan ko lang makitang mainis si Aki at natatawa ako dahil hindi niya mapigilan ang emosyon niya dahil sa iisang babae. Napatingin ako sa may baba kung nasa'n si Perez, nagtataka naman ang mukha niya sa'ming dalawa.

Ngumiti ako.. How interesting you can be, Miss Perez?

-PRINCESS MAFIONNE PEREZ's POV-

Hindi ko alam kung ano pumasok na insekto sa utak ng dalawang 'to at nakigaya kila Fylan, Marcus at Clyde na magkarera hanggang do'n sa dulo. Pinayagan naman sila ng mga guide dahil marunong sila magpatakbo ng kabayo.

Tumingin sa'kin si Akihiro. "Stay here." Utos niya.

"GO!" Paga-announce naman ni Manong guide sa kanilang dalawa at nag-umpisa naman silang magkarera.

Sa totoo lang, wala naman akong pake kung sino ang manalo sa kanilang dalawa sa karerang 'to, hindi ko alam ang iniisip nila pero ang weird dahil mga mukha silang seryoso, alam niyo yun? Basta kung ano maisipan gawin, gagawin? Ay ewan! Bahala sila diyan!

Nauuna si Ezekiel at napapangiti naman ako kaso bigla namang hinampas ni Akihiro sa may pwetan yung kabayo gamit yung stick at mas bumilis pa ang takbo nito. Magkapantay na silang dalawa at nagtitinginan pa yata sila at nag-uusap.

Mukhang seryoso talaga yung pag-uusap nila do'n habang nagkakarera sila, ang layo kasi nila! Hindi ko marinig!

"Mukhang ang seryoso nila, Manong no?" Sabi ko at tumango naman si Manong guide.

"Kaya, may away siguro yung dalawa."

REALITY: PAG-UUSAP NI AKIHIRO AT EZEKIEL

AKIHIRO: May naaamoy ka ba? Parang ang baho ng kabayo.

EZEKIEL: Bwahahaha! Nautot ka yata e!

She's Mine (Almarez's Generation Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon