Chapter 39: Give me a kiss

4.4K 135 14
                                    

  

Chapter 39: Give me a kiss

   "Syril.."

Pinunsan niya ang luha niya na pumapatak sa kanyang mata and then I know she smiled at me sincerely. "Titigilan ko na ang pagkikipag-kumpetensiya sa'yo, Ate Mafi." Parang siyang batang nakikipag-bati.

  "Syril, sorry at salamat dahil sa'yo hindi ko siguro mare-realize ang lahat, dahil sa inyo nagkaroon ako ng lakas ng loob."

   Sumandal siya sa pader. "Pero ang sakit pa din kasi, ako yung matagal ng sumusubaybay kay Akihiro, ako yung nakatingin lang sa malayo, ako yung laging..umaasa. But that was my biggest mistake because I didn't initiate first kaya hindi niya nalaman na may gusto ako sa kanya. That somewhere..I exist."

   Niyakap ko si Syril. "Alam mo ba kung ba't naging importante sa'kin si Akihiro? Kasi siya ang nagparamdam sa'kin na hindi ako nag-iisa. Syril..Thank you talaga sa lahat at alam kong mas may taong babagay pa sa'yo."

    Niyakap niya ako pabalik then she cries.

   

   ===•===

Matatapos na ang pagde-decorate ng theater hall para sa graduation namin. Matatapos na ang highschool life namin pero hindi ang storya namin.

   Nakabit na namin ang banner na may nakalagay na "Congratulations Graduates!" at sabay-sabay kaming humiga sa stage.

    "Sa wakas tapos na rin!" Sabi ng isang senior na schoolmate namin.

   Naka-upo lang ako samantalang nakahiga naman si Akihiro sa gilid ko na akala mo ang daming ginawa eh natulog lang naman siya dito.

   "Drinks?" Lumapit sa'kin si Lexi at binigyan ako ng cola in can. Napatingin naman ako sa kanya. "Wag kang mag-alala hindi ko yan inalog kaya walang tatalsik." Natatawa niyang sabi.

   Dati kasi 'di ba, binigyan nila ako ng softdrinks pero inalog pala kaya tumalsik at nilagyan pa nila ako ng harina at sinulatan ako ng lipstick sa mukha--That's when they used to bully me.

  But look at them now, they grew up. They smiling and giving drinks to everyone.

   Binuksan ko yung softdrinks at ininom 'to, maya-maya ay inagaw sa'kin ni Akihiro yung can at uminom din siya do'n. This little--!

 

    "Ikaw yung magi-speech sa harapan bukas 'di ba?" Pagtatanong naman niya.

  Tinalasan ko ang tingin ko sa kanya. "Ikaw dapat yun, pinapasa mo yung gawain mo sa'kin." Kinakabahan kaya ako.

   "Are you nervous?" He see through my thoughts. Hindi ako nagsalita. "Pfft. It'll be alright, idiot." Ginulo naman niya ang buhok ko.

   "The lovey-dovey couple!"

   "Get a room!"

   "Bawal dito yan, underage pa si Mafi."

    "Bestfriend~! Wag kayo dito gumawa, maraming taooo~"

    Agad nag-init ang pisngi ko sa mga pinagsasabi nila. Hinagisan naman sila ng cartolina ni Akihiro. "Don't get near her!"

   "Pinagdadamot mo na pala si Mafi." Natatawang sabi ni Ezekiel.

   "You're selfish Aki." Inakbayan ako ni Clyde na ikinabigla ko naman. Pinagti-tripan ba nila ako? "Share naman diyan."

She's Mine (Almarez's Generation Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon