Chapter 37: Courage and rejected away

4.1K 125 7
                                    


Chapter 37: Courage and rejected away


 -PRINCESS MAFIONNE PEREZ's POV-


"Sorry na~ Sorry naaaa~ Atleast 'di ba? Nasabi mo na ang pag-ibig mo kay Akihiro."

Sa ngayon, pumasok na si Bell at sorry siya ng sorry sa'kin dahil nalaman ko yung plano niya, alam niya pala lahat ng nangyari, siya din pala ang nagsabi kay Akihiro na sabihin na ititigil na niyang magkagusto siya sa'kin nung nasa Moa kami at nanonood ng fireworks show, kaya pala umalis sila at iniwan kaming dalawa ni Akihiro.

At hindi ko siya kinikibo. Hay, kailangan ko ng peace of mind pero..

"Anong p-p-pag-ibig?" Pinasok ko sa loob ng bag ko yung libro na binabasa ko at tumayo, lumabas ako ng room kahit hindi ko alam kung saan ako pupunta. "Sorry na Mafi~! Mahal na mahal kitaaaaa~ Gusto ko lang na masaya kayo ni Akihiro."

"Siya lang masaya." Nag-smirk pa siya kaninang umaga sa'kin. ARGH!

"Mahal mo naman siya 'di ba?"

Binilisan ko pa yung lakad ko halos maging yapak na ni big foot ang ginagawa ko. "'Di ba? 'Di ba?" Hinahabol talaga ako ni Bell. Ewan ko sa kanilang lahat! "Huy, ba't ayaw mo sumagot? So payag ka na mapunta sa iba si Akihiro?"

Agad akong napatigil sa paglalakad at hinarap si Bell. "Hindi ako papayag na mapunta si Akihiro sa iba!"

Nanlaki ang mata ko nung saktong pagkasigaw ko, kakababa lang ni Akihiro sa hagdan. Narinig niya ba? Narinig niya!? Takte, narinig niya talaga! Nagkatinginan naman kaming tatlo habang kabado bente pa rin ako dahil sa sinabi ko, bakit kailangan mong sumigaw Mafi? Bakit? Mga kagagahan mo talaga!

"Sino ba nagsabing pupunta ako sa iba?" Cool pang pagkasabi ni Akihiro.

Napapikit ako sa hiya. Niloloko talaga nila ako! "Isa ka pa! B-Bahala ka diyan!" Singhal ko sa kanilang dalawa at nagmadaling maglakad palayo sa kanila.

Pero naisip ko din na okay pala na nag-plano si Bell, kasi kung hindi pa nangyari yun malamang hanggang ngayon hindi ko pa rin nasabi ang nararamdaman ko para kay Akihiro at hanggang ngayon nasa safe zone lang ako at naghihintay na biyayaan ako ng lakas ng loob. Napangiti na lang ako sa thought ko.

It's not that bad at all.

"Bestfrieeeeeend! Totoo ba na may relasyon na kayo ni Akihirooooo!?" Halos magulantang lahat ng tao dito sa library nung biglaang pagpasok ni Fylan habang sumisigaw.

Agad kong tinakpan yung mukha ko ng libro at siniksik ko ang sarili ko sa gilid para hindi niya ako makita pero tinanggal niya agad yung librong nakaharang sa mukha ko. "BESTFRIEND!" Excited na sigaw niya sa'kin habang nagniningning pa ang kanyang mga mata.

"Hindi totoo yun. Atsaka, hinaan mo yung boses mo pinagtitinginan na tayo." Umupo siya agad sa tabi ko.

"MAFIIIIIIIIIIIIIII~!"

Mas nagulat kami nung may tatlong lalaking sumugod papunta dito. Sino pa ba? Si Clyde, Marcus at Ezekiel.

"TOTOO BA!?"

"Shhhh!" Saway ko sa kanilang apat. "Huminahon nga kayo." Pinaupo ko sila and we're attracting so much attention here, lahat nakatingin na, yung iba naiintriga, yung iba sight-seeing lang sa kanilang apat. Yung iba sanay na nakikita na akong kasama nila.

She's Mine (Almarez's Generation Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon