Chapter 34: Stopping?

4K 129 21
                                    


Chapter 34: Stopping? 



-YSABELL SANTOS's POV-

Nandito kaming dalawa ni Akihiro sa bench sa field. Ilang araw na kaming laging nag-uusap, magpapatulong daw kasi siya kung paano paaminin si Mafi tungkol sa feelings niya, akala ko pa naman siya yung lalaking huling-huli na ang mga kiliti naming mga babae, siguro he's not realizing it himself.

"So, napaamin mo na ba si Mafi tungkol sa feelings niya?"

"No, she's denying." Hindi ko naman sinabi na mahal na siya ni Mafi, magdusa siya no, atsaka baka magalit si Mafi, ehehehehhe. "What am I going to do? Ikaw lang ang pinaka-close niyang babae."

"Mag-isip ka kaya ng magpapasaya sa kanya. Dali!" Hinampas ko siya sa balikat.

"Hmm? Magpapasaya, oo alam ko kung anong magpapasaya kay Mafi."

Napangiti naman ako sa sinabi niya. "Oh! Alam mo naman pala eh, so ano ang magpapasaya sa kanya?"

"Ako. Siguradong sasaya na siya agad makita niya lang ako." Inambaan ko siya ng suntok. "Alam mo uupakan kita diyan eh, masyado ka full of confidence alam mo yun?" Ito lalaking 'to, perfect na sana siya kung wala lang siyang sira sa utak, pinalamon yata 'to ng confidence nung bata siya.

"Wala akong maisip."

"Alam mo, simplehan mo lang yung moves mo, madali lang naman kaming pasayahing mga babae,sunduin mo siya sa bahay niya papasok ng school at ihatid mo din, tapos bigyan mo ng flowers, yung simple things that makes her feel special, y'know."

"Things..?" Napa-isip si Akihiro. Hay nako.

-PRINCESS MAFIONNE PEREZ's POV-

Paglabas ko ng bakuran namin nagulat ako nung naka-abang na do'n si Akihiro habang nakasandal sa kotse niya. Nagtaka naman ako. "Anong ginagawa mo dito?"

"Oh, what a coincidence, sabay na tayo pumasok."

=___= "Magba-bus ako." At nilagpasan ko siya at dumiretso ng lakad papuntang waiting shed. Hinawakan niya ako sa wrist. "Hindi ka ba natutuwa na ihahatid kita papuntang school?"

"Kailangan ko bang matuwa?" Parang may mali dito sa atmosphere eh. Iba.

"Nevermind, sakay." Pilit niya sa'kin. Parang ilang beses na nangyari 'tong eksenang 'to. "Sakay o papasok ako sa loob ng bahay niyo at magpapakilala sa Nanay mo."

"Sasakay na nga ako eh." At nagmadali akong sumakay sa kotse niya. Sumakay na din siya at pinaandar na yung sasakyan. Tahimik pa rin ako at nawiwirduhan pa din sa pinaggagagawa ng lalaking 'to.

Nasa kalagitnaan kami ng daan nung may inabot siya sa backseat at nagulat ako nung may isang malaking boquet ang pumagitna sa'min. Agad napakunot ang noo ko. "For you."

"Para sa'n naman yan? Pinapatanim mo ba sa'kin yan?"

"Fool, I'm giving you flowers." Sabi niya habang diretso lang ang tingin niya sa kalsada habang nagda-drive siya. Nagdadalawang-isip pa ako kung kukunin ko o hindi pero kinuha ko na rin at hinawakan. "Ba't mo ako binibigyan nito, eh papasok tayo ng school?"

"Wala lang." Nakakapagtaka talaga. "Suot ko pala yung regalo mo nung birthday ko."

Nanlaki ang mata ko at nahampas ko siya ng boquet ng flowers. "HINDI MO KAILANGAN SABIHIN SA'KIN YAN! NAKAKAHIYA!" Sigaw ko sa kanya. Tama bang sabihin niya yun!? Edi parang sinabi niya na rin kung anong suot niyang underwear ngayon! Napatakip ako ng mukha.

She's Mine (Almarez's Generation Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon