Chapter 13: Hero

5.7K 178 17
                                    



Chapter 13: Hero


Umalis ako ng bahay at nilapag ko yung contacts na binigay ni Akihiro sa'kin sa study table ko, sa susunod ko na lang gagamitin, hindi pa ako marunong maglagay eh, feeling ko mabubulag ako.

Papasok pa lang ako ng school punong-puno na ng tao sa may labas ng building namin. Hmmm? "Anong meron?" Nakipagsapalaran pa ako para lang makapasok ng building namin dahil punong-puno ng mga babae dito at may sinisilip sila na kung ano.

Umakyat ako at nakarating ako sa may hallway sa classroom namin and I heard a crowd screaming and cheering. "What the heck?" Nasabi ko. "Ano nanamang meron sa classroom namin?"

"Hoy bakit ka nanaman nandito ha? Lalandiin mo nanaman sila." Napatingin ako sa babaeng bumangga sa'kin. Gusto ko sanang sabihin na kaya ako nandito kasi dito naka-locate ang classroom ko kaso baka lalong magwala at magalit kasi parang binabara ko siya kaya mas pinili kong manahimik.

"W-Wait lang sinong 'sila'?" Nagatatakang tanong ko.

"Duh?" Her eyes rolled heavenwards. " 'The Kings' are in your room now, nagpa-transfer sila, gosh ano bang meron sa room niyo?"

Sa gulat ko sa sinabi nung babae sa'kin ay napatakbo ako ng mabilis ng wala sa oras na halos malaglag yung salamin ko at nakipagsiksikan ako mabuti para lang makarating ako sa pinto ng classroom namin. Gulo-gulo na yung buhok ko at halos hindi na nakasuot yung bag ko sa balikat ko nung nakarating ako sa pinto.

Inayos ko pa yung salamin ko baka nagkakamali lang ng sinabi yung babae..Pero ako ang mali.

I don't know how to react, my mouth was hanging bewildered O at gulat na gulat na nakikita ko nanamang silang lima.

Marcus and Fylan are discussing something at nagtatawanan silang dalawa, while Clyde are entertaining some girls on the other side, and I saw Ezekiel sleeping near the window and Akihiro.. What is he doing here? What the heck? I saw him looked my way at binaba niya yung paa niyang nakapatong sa upuan.

Lumalapit ba siya sa'kin, no! Hindi pwedeng makita ng mga wildcats niyang mga fan girls na nag-uusap kami. Masasama na nga ang tingin nila sa'kin eh.

Bago pa siya makalapit ay tumalikod na ako at tumakbo kaso hindi ako makadaan sa mga babaeng nakaharang sa pinto at pinagtutulakan nila ako na may pandidiri. May humila ng bag ko at nilapit niya sa kanya.

"Where do you think you're going?At bakit hindi mo sinuot yung contacts na binigay ko?"

"U-Uh? C.R? Hindi ko sinuot kasi hindi pa ako marunong, hayaan mo bukas susuotin ko! Bitawan mo lang ako." At kahit na hawak niya yung bag ko ay sapilitan ko pa din akong tumaktakbo kaso hindi naman ako gumagalaw sa pwesto ko dahil hawak niya yung bag ko.

I glared at him. "Ano ba?" Inis kong bulong sa kanya. "Pag ako pinag-initan ng mga sira-ulo mong fan girls dito."

"It's okay hindi naman ako masasaktan." Proud niya pang sabi.

"Gusto mo ikaw ang saktan ko? Bitawan mo na yung bag ko." Inaagaw ko yung bag ko sa kanya kaso inaangat naman niya 'to and he's freaking tall, man! Damn! "Malapit ng dumating ang teacher natin."

"Anong teacher? Kahit teacher hindi makakapasok sa building na 'to sa sobrang siksikan."

Napatingin ako sa paligid ko at lahat ng atensyon ay nasa amin ng dalawa. Ito na ang sinasabi ko eh!

"Kyaaa! Akihiro! Look at me! Not that girl!"

"Omygod! Nag-uusap sila! Hinahawakan ni Akihiro ang bag ng Nerd na yun!"

She's Mine (Almarez's Generation Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon