Chapter 08: Heartbeats

5.8K 150 13
                                    

Chapter 08: Heartbeats

Hindi ko pa makilala ang lalaking nagmistulang knight and shining and shimmering armor ko dahil nakasubsob pa rin ako sa dibdib niya. Ako din todo takip sa mukha para 'di ako makita ng mga wild fangirls ng The Kings.

"Girls, please?" Hindi ko alam kung anong ginawa nung lalaki pero lahat ng babae napa- 'aww so cute!'

Para silang may pinapanood na tuta na nagmamakaawa.

Hindi ko alam kung pa'no nangyari pero nakapunta ako sa building ng The Kings habang inaalalayan ako nung knight ko.

May feeling naman ako kung sino siya eh.

Si Akihiro.

Huminto kami at sumilip-silip pa ako bago tanggalin yung taklob na blazer ni Akihiro ko sa ulo. "Akihiro nasa--E-Ezekiel!?" Pagka-angat ko kasi ng ulo nakita ko si Ezekiel na nakangiti sa'kin.

"Akala mo ba si Akihiro ang tumulong sa'yo?"

"Uhmm..Kasi kanina, siya yung kasama ko eh." Nginitian niya lang ako at napakamot naman ako sa batok. "Oh, Aki."

Bumibilis ang tibok ng puso ko dahil alam kong nakatingin siya sa'kin. I can't help but to be nervous.

May iba na nga siyang mahal,Mafi.

Oo alam ko naman yun, sino ba may sabing umaasa ako?

"A-Ayy oo nga pala,yung blazer mo na pinahiram mo sa'kin." Binuksan ko yung bag ko tapos nilabas yung bagong laba na blazer niya.

Inabot ko 'to sa kanya ng dalawang kamay ko habang nakaharap sa kanya. "S-Salamat."

"May problema ka ba sa pananalita mo at lagi kang nauutal?"

Nag-panic ako kung anong sasabihin ko sa kanya.Seryoso ba siya? Or nagbibiro? "A-Ah..H-H-Hindi ko din--" Napatigil ako sa pagsasalita at hinawakan niya ako sa magkabilang balikat ko at tinignan niya ako sa mata.

I saw his gentle and refreshing smile.

Shit,ito ba yung sinasabi nilang buo na ang araw mo pag nakita mong nakangiti yung taong gusto mo?

"Don't be nervous."

Mas bumilis lalo ang tibok ng puso ko when my eyes met his.

Mas lalo akong ninerbiyosin pag tinignan at nginitian niya ako ng ganyan! "O-O-O-O-Ok!!" Napapikit ako nauutal talaga ako.

Kinakabahan ako sa kanya!

Natawa siya ng mahina. "Okay, say my name tapos tumingin ka sa mata ko, and no stuttering allowed." Sasabihin ko ang pangalan ni Ezekiel?Tapos nakatingin sa mata niya?

"A-A-Ah," Hindi ko siya matignan sa mata,medyo malapit pa siya sa'kin kaya mas nag-iinit ang mukha ko. "Hey, look at me." Pasimple ko naman siyang tinignan sa mata.

"Say it."

Huminga ako ng malalim para ma-compose ko yung sarili ko. "Mister Draston."

"What the hell?" Tumawa siya. "Say 'Hi Zeke.' to me."

Bakit kasi kailangan namin 'to gawin? Nakakahiya, nakakakaba lahat na. Ang init, pinagpapawisan ako sa kanya. Huhuhu! Sana hindi ganon kapanget ang mukha ko.

Wag kang assumera, Mafi. May mahal na nga yung tao kahit na magparetoke ka hindi ka niya papansinin.

"H-H-Hi--!" Pinitik niya ako sa noo. "Sabing walang mauutal." Ang shaket-shaket naman ng pitik niya! Isa pa nga!

She's Mine (Almarez's Generation Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon