Inintay ko si Kidd para makapatner sa pagpasok sa loob ng magarbong lugar na 'to.

Puno ng mga makikinang na ilaw ang paligid at pulang seda na nakadesign sa bawat malalaking bintana ng lugar.

Bawat table at may kulay pula at puti ding tela na nakabalot dito, madaming masasarap na pagkain na ngayon ko lang na kita sa tanang buhay ko.

At mga babae't lalaking may ari ng kaniya kanya nilang negosyo na nakasuot ng mamahaling damit.

Akala mo nagpapagandahan sila ng mga gown at tuxedo na suot nila eh, dahil bawat isa sa kanila ay hindi nagpapatalo.

Halos mapanganga ako sa ganda ng lugar sa mga taong dumalo dito, 'yung iba pa dito ay nakikita ko sa balita at malalaking personal.

Kung hindi pa ko hinila ni Kidd papunta sa kinatatayuan nila Danrious ay hindi pa din ata ako makakagalaw.

Pero ng makita ko ang taong mahal ko na may ibang babae na kakapit sa kaniyang braso ay unti-unti na naman akong na sasaktan.

Gusto kong umiyak pero inisip ko, ayoko mag iskandalo dito at isa pa andito ako para maging masaya para kay Danrious kaya naman bibigyan ko na lang siya ng isang ngiti.

Huminga ako ng malalim habang naglalakad kami papunta sa pwesto nila, 'yung babaeng pinakasalan niya ay may suot na magarbo ding gown na ubod ng puti at ganda, samantalang siya ay nakaformal na tuxedo at gwapong gwapo din sa porma niya.

Kung kami kaya ang ikakasal ganito din ba kagarbo? Siguro hindi pero kahit hindi magiging masaya na ako.

Kung siya naman ang lalaking kasama ko, pero hindi eh iba ang pinili niyang babae para pakasalan.

Kaya magiging masaya na lang ako sa desisyon niyang 'yun.

Habang naglalakad kami na halata niya na agad ako at ngumiti ako sa kaniya ng malambing.

Tama para hindi niya isipin na galit ako sa kaniya at masaya ako para sakanilang dalawa.

Pero syempre hindi ko maiwasang kabahan dahil sa ilang buwan na hindi namin pagkikita ngayon ko lang ulit na kita ang mukha niya.

Napahawak ako ng mahigpit sa braso ni Kidd at alam kong na pansin niya 'to, hinawakan niya ang kamay ko para bigyan ako ng lakas kaya ngumiti ako sa kaniya para ipakita ang pasasalamat ko.

"Ano handa ka na ba?" Tanong niya sakin at tumango ako.

"Tara na," tuluyan kaming lumapit kala Danrious at dun sa asawa niyang si Lorein.

Nagbow ako at ganoon din kay Sir Danilo.
"Good Evening po," bati ko sa kaniya ng nakangiti at ngumiti din 'to sakin.

Ginantihan ko siya ng ngiti at para bang na inis siya doon.
"Congratulation sa inyo," bati ko kay Lorein at kay Danrious saka ako ngumiti ulit sa kanila kahit mahirap.

Nakatitig sakin si Danrious at para bang binabasa lahat-lahat ng emosyon ko kaya ngumiti lang talaga ako sa kaniya at nag iba ang timpla ng mukha niya.

Para siyang na asar, ayaw niya ba na andito ako? Saka binati ko na nga sila ng walang halong ka plastikan eh bakit parang galit pa siya?

"Congrats Bro," sabi ni Kidd kay Danrious at nagshake hands sila.

"Upo muna kami, andun na 'yung regalo namin enjoy your wedding dude," sabi ni Kidd saka ako nagbow at umalis na kami doon.

Ramdam kong na kasunod ang tingin sakin ni Danrious, ganun din ang iba pang mga tao sa party.

May narinig pa kong mga bulungan galing sa ibang guest nila pero patay malisya na lang ako at ginawa lahat ng inutos sakin ni ate Ash.

Mula sa tamang paglakad, pagkain at hanggang sa tamang posture ng katawan ko, actually hirap na hirap na ko ngayon dahil parang hindi ako na rarapat sa lugar na 'to.

Vampire's Chain [VP BOOK II]Where stories live. Discover now