"Sorry Kidd tinanghali ako ng gising," sabi ko sabay kamot sa ulo at tumawa lang siya.

"No worries haha, actually sa pamamadali mo nga." tigil niya sa pagsasalita at medyo umiwas ng tingin sakin.

"Anong meron?" Pagtataka ko at hiyang hiya niyang tinuro ang damit ko.

Pagtingin ko dito na pataas ang kilay ko.
"Anong meron?" sabi ko sa kaniya at na pakamot siya ng ulo.

"Wa-wala kang bra Kaelynn" kinapa ko ang dibdib ko at na mula sa hiya.

Wala nga kong bra jusco! Sanay kasi kong natutulog ng walang bra mas komportable ako doon at dahil sa pamamadali ko nakalimutan kong isuot.

"Waaaah!" mabilis kong tinakpan 'to at sabay karipas paakyat ng hagdan.

Pantulog lang kasi tong suot ko at medyo manipis, hindi ko naman alam na babakat ang pasas ko dito sa damit na 'to jusco!

Ayaw ko na bumaba sa kusina, kung intayin ko na lang kaya siya makaalis? Hiyang hiya na ko gusto ko nang lamunin ng lupa!

Pero kailangan kaya pakapalan akong bumaba ng hagdan at pumunta ng kusina, tatawa tawa akong umupo sa harap niya at umaacting na kunwari hindi big deal sakin 'yun.

"hahaha, nakita mo pa yung pasas? Haha wala na nga kong dibdib eh haha," muntanga kong tumatawa sa harap niya at siya naman medyo na tawa din sabay ngisi sakin.

"You don't have 'to worry, nakita ko siya malaki naman ng kaunti eh haha size B?" Tanong niya pa at halos maibato ko na yung kutsara sa mukha niya.

"Mimi wat shiss B?" Sabay kaming na tawa kay Akane na busy sa pagkain pero tanong pa din ng tanong.

"Wala 'yun nak haha," piste talaga.

"Eh mama wats pashas? " tanong naman ni Aoi at humagalpak na ng tawa si Kidd. Medyo na irita ako at tinaasan siya ng kilay.

"Wala-wala 'yun haha, isa siyang klase ng maliit na fruits " lalong tumawa si Kidd sa palusot ko at hindi na makahinga.

"AHAHAHA MALIIT NA FRUITS HAHA PASAS HAHAHA" ginesture niya pa yung kamay niya na parang may kinakapang dibdib.

Manyak nga 'tong magtotropa na 'to, tsk magbest friend nga sila ni Danrious.

Biglang pumasok sa utak ko yung panaginip ko kanina, bangungot na ata 'yun at isang pa parang may pinapahiwatig sakin ang panaginip na 'yun.

Na paisip ako sa sinabi nung Danrious na humila sakin.

'Hindi ako ang alam mong na kikita mo.'

Anong ibig niyang sabihin?

"Kaelynn? okay ka lang?" Tanong ni Kidd nakakatigil lang sa pagtawa.

"Tsk he! ewan ko sayo!" Tumawa siya ng bahagya at kumain na lang.

"Hahaha sorry na and by the way may susuotin ka na ba sa party?" Ah, yung sa kasal.

"Wala pa eh pero may mga dress naman ako d'yan," tinaasan niya ko ng isang kilay.

"No! May pinadala nang damit si ate Ash for you isuot mo daw 'yun next week okay." tumango ako at siya parang pinapakiramdaman pa din ako.

"Are you sure sasama ka?" Tumango ako sakaniya.

"Oo saka kahit naman ilihim mo pa sakin yung invitation minessage pa ko ni Sir Danilo." na gulat siya.

Oo minessage pa talaga ako ni sir Danilo para dumalo sa kasal ng anak niya.

Ayaw kasi sakin ipaalam ni Kidd yung tungkol doon sa inviation letter at aksidente ko naman yung nakita nang naglinis ako sa kwarto niya kaya talagang humanap ako ng way para makasama.

Then bigla na lang ng message sakin si Sir Danilo at sinabing pumunta daw ako doon, gusto niya sigurong ipamukha sakin ang kayaman nila.

Pero pupunta ako doon para batiin ang anak niya hindi maingit sa yaman nila.

"Hey Kaelynn are you okay?" Nabalik ako sa ulirat at tumango sakanya.

"Ah oo hahaha, basta titignan ko na lang yung dress." Tumango siya at kumain na.

Pagtapos noon ay umalis na siya para pumasok sa trabaho, same routine kami araw-araw at ako naman hinatid ang mga bata sa school.

Na iwan ako sa bahay at walang magawa dahil tapos ko nang linisin lahat ng dapat kong ayusin.

Kaya pumunta ako sa kwarto at na pansin ang pulang malaking kahon.

Ito siguro yung damit na sinasabi ni Kidd kanina, tinanggal ko ang ribbon na nakatali dito at binuksan ang kahon.

Medyo na windang ako, yung totoo? Ako ata ang ikakasal dahil sa pabolosong damit na 'to.

Isa siyang gown na hanggang tuhod sa harap at mahaba ang likuran, kulay pula ito at may makinis na telang dark red.

Sa taas ay pa pusong shape at tube ang style nito, may kasama ding itim na ribbon na inilalagay ata sa leeg at itim ding gloves.

Jusco para pala akong maghihiganti sa aurahan ko sa kasal nila, pulang pula ako at parang kontrabida ang dating.

Gusto ko sana simple lang at puti ang kulay kaso wala andito na 'to. Madadala ko kaya ang damit na 'to ng ayos?

Baka hindi bumagay sakin dahil payat ako at walang dibdib.

Ay bahala na, hindi ako pupunta doon para magpaganda, pupunta ako doon para tuluyan ng maging masaya at makapagpatawad na.

Sa sususnod na linggo iiwan ko na lahat ng pangarap ko sa kaniya, sa araw na 'yun sususbukan ko siyang kalimutan at yung pagmamahal na meron ako sa kaniya.

Ipapangako ko na aalisin ko lahat ng galit dito sa puso ko at mag sisismulang magbago. Ayoko maulit sakin yung nakaraan na sobra akong galit na galit sa kaniya.

Paparaya na ko kahit masakit at martir tignan, pero parang gusto ko din yung katagang Kills them with Kindness.

To be continued


Vampire's Chain [VP BOOK II]Where stories live. Discover now