Chapter 11- Move on, Steff

Start from the beginning
                                    

Natutuwa ako kay Rence kasi he never forget about my well being. Nakakatouch na may isang taong nagaalala sayo. Minsan nga naiisip ko bakit kaya hindi nalang katulad ni Rence ang mahalin ko? He’s sweet, understanding and hindi niya pa ako nasasaktan, unlike Bryan na wala na atang alam na ibang gawin kundi saktan ako. </3

Nagsimulang magsigawan yung mga tao sa cafeteria pero busy ako pagrereply kay Rence para sabihing okay na ako kaya hindi na ako nag-atubiling tignan kung ano ang dahilan ng pagsigaw nila.

Ilalagay ko na dapat ang cellphone ko sa bulsa ko ng biglang may humila sakin at binuhat ako pangkasal.

“WHATDAFDGE!?”  ramdam ko naman na bumaba agad ito at dahan dahan din akong ibinaba din sa sahig. Balak ko sanang bigyan ng nakakamatay na tingin kung sino man ang pangahas na bigla nalang humila sakin pero pagtingin ko palang sa kanya, tumalon na ang puso ko dahil nagulat ako nung  tinitignan nya ako ng tinging nakamamatay.

Tumahimik ang lahat..

Hindi ako makapagsalita.. Pero biglang nagflashback sakin yung ginawa niya kanina.

Steff. Wake up! You are nobody to him! He choose Laine over you.. You are nothing..

“Ano na naman to Harris!?” sigaw ko sa kanya. Galit ako.. at nasasaktan.. Pinili niya si Laine over me! Fckshet. Ano pa bang gusto nya?

“WHAT THE HELL DO YOU THINK YOU’RE DOING!?” natatakot ako sa kanya ngayon.. Parang anumang oras ay handa siyang manuntok.

“Ano na namang ginawa ko!??” this guy is really despicable!

“For Pete’s sake, Steffie! Napakaikli ng palda mo pero nakuha mo pang tumayo dyan sa taas na akala mo ay walang makikita sayo and worst, hinayaan mo pang umaligid sila sa baba ng mesa na yan! Nag-iisip ka ba? HA?” parang frustrated na frustrated na sabi niya sakin.

AT AKO?

Eto. NGANGA. LITERAL NA NGANGA.

Nalaglag talaga ang panga ko sa dahilan nya. At pansin kong pati ang ibang estudyante ay parang hindi makapaniwala sa mga pinagsasabi ng lalaking nasa harap ko. Halos marinig ko ang kulisap dahil sa sobrang tahimik ng mga tao.

I know, shocked din sila tulad ko.

“A-a-nn—“ speechless ako. Wooh.  Malamang nangangamatis na ang mukha ko.

Nagulat naman ako nung bigla nyang sipain yung upuan nasa harap niya.

“DAMN! WHAT’S HAPPENING TO ME?!!” na ginulo pa ang buhok nya at biglang nag walk out.

Tulalaers pa din ako hanggang sa matanaw kong palabas na sya ng cafeteria. At nagsimula na ding magbulungan ang mga bubuyog este estudyante pala -__________________-

“Waaaah! Ateng! I really really really envy you!!!!”

“JM! Wag kang sumigaw! Ang sakit sa tenga! Kumain na nga tayo..”

Pumunta na kami sa isang table at nginingitian ko nalang yung mga bumabati sakin..

“Hoy. Steefanya! Magkwento ka nga. Diba si Bryan yun? Yung sikat na sikat na artista? Close kayo? Tapos si Rence close din kayo, teka ngaa.. Naguguluhan na ako talaga e! Sino ba talaga sa dalawa?” naiiritang tanong sakin ni Cecille habang kumakain ng kanin at hotdog. Hindi man lang muna lumunok e.

“Kaibigan ko lang si Rence.”

“At anong meron kay Bryan ateng?” –JM

Nagkatinginan kami ni Ryzza..

“H-he’s just a family friend. Ahh. Bestfriend kasi ni Mommy yung mother nya e.”

“Hmm. So close kayo?”daig pa ni Jm at Cecille ang NBI kung makapagtanong.

Be MineWhere stories live. Discover now