Grocery

649 63 6
                                    

"San ba tayo pupunta? Day-off ko ngayon Levi." Pagpapaalala ko sa kanya. Nasa labas na kami ng cafe.

"Just get in the car Andrea."

Nabigla ako. He called me with my whole name. Sumakay na siya sa kanyang itim na Toyota 86 na kotse and he started it. Nagulat ako ng bumusina siya kaya nagmadali akong pumasok sa kotse niya. Sa harap.

"Pinaka-ayoko sa lahat, yung pinaghihintay ako. Put on your seatbelt."

Hinintay niya muna akong magseatbelt bago niya pinaandar ang kotse niya.

"San ba tayo pupunta?" I asked.

"Every last Sunday ng buwan, kailangan maggrocery. In this case, you are my assistant..."

"Ah!? Assistant? Excuse me?.." I said with my bitchy face.

"Yes. You are."

"Excuse me Levi. I'm not your assistant. I'm your Private Nurse. Ok?"

"It's just the same. You are my Personal assistant. Ok."

"Julalay kamo. Tsaka, kuya mo nagpapasweldo sa'kin. Hindi ikaw."

"You've been living in our house for, what? Almost two months now. So, you are my Personal Assistant. You've been doing things for me. I never thought na mareklamo ka rin pala. Sa haba ng pasensya mo sa'kin? Ngayon ka pa nagrereklamo? Sumunod ka nalang."

The hell with this person? Pero sige, I'll play along with this epal. Tumahimik nalang ako. Ayokong makipagtalo sa taong to. Baka magkaworld war 3 lang.

Nakarating na kami sa grocery at kumuha na siya ng cart.

"Ikaw magtulak." He ordered me.

"'Kay.." Tipid kong sagot na may kasamang pag-irap pa sa kanya.

Siya ang naglalagay ng mga items, habang nakasunod ako. Maselan siya sa mga binibili niya, chinecheck niya ang expiry date. Tinitignan kung may dent ang lata, or may tupi yung mga pakete. Clean freak. Oc-oc. Hai.

"Mabigat na ba yan? Akin na." Inagaw niya ang cart sa'kin.

Wow!? Gentleman?

In almost two months, ngayon ko lang naranasan ang ganitong Levi. Madalas kasi, masungit siya. Madalas, bad mood. Madalas, mag-isa. Minsan pa nga nasisigawan ako eh.

"Thanks." I said a little too late.

"Bumili ka na din ng kailangan mo. Isama mo na sa bill. Don't worry, hindi ko ibabawas sa sweldo mo."

Parang nahiya ako. Pano kasi, napkin ang kailangan kong bilhin. Malapit na kasi akong datnan.

"If it's your pads? Get another basket. Ok?" Parang nabasa niya ang nasa isip ko!

Nakakainis talaga to! Hai nako!

Sinunod ko siya at kumuha ako ng sarili kong basket. Mabilis kong kinuha ang mga kailangan ko, para hindi magalit tong andropause na 'to. Sige, andropause nalang itatawag ko sa kanya.

"Tapos ka na?"

Bigla siyang sumulpot sa likuran ko. Nagulat ako sa boses niya.

"Ampotek. Ano ba Levi!"

"Inaano ka ba? Magbayad na tayo. Kanina pa tayo dito."

Sinundan ko siya sa pila. Ipinatong niya ang basket ko sa cart. Napakalapit ko sa kanya at natignan ko siyang mabuti. Medyo matangkad ako ng konti sa kanya, siguro mga 2 inches lang naman. And ang bango niya, and kinis ng balat niya at ng kanyang muka. Kung tutuusin, napakababy face niya. With no pores. Parang wala din siyang sweat pores. Ang linis-linis niya. Ang bango-bango niya, pati itsura niya ang bango. I can feel his heat radiating from his body.

"What?" Tumingin siya sa'kin. Napakalapit niya sa'kin and I felt his breath. Ang bangooooo!

I saw the dark circles around his eyes. Natutulog ba to ng maayos?

"Huh?"

"Anong tini-tingin-tingin mo?" Nakataas pa kilay.

"Wala. Bakit? Masama bang tignan ka?"

"Oo. Masama. Gusto mong mamatay?" That cold voice again.

"If looks could kill? Grabe siya."

"Nang-aasar ka ba?" Mukang naiinis siya sa'kin. And I am enjoying it.

"Bakit? Naasar ka ba?" I'm hiding my amusement.

"Pwede ba?"

I chuckled. "Asar ka?"

Tinignan niya lang ako ng masama.

"I am annoying you!!!"

Hinila niya ang buhok ko. "Aray! Ano ba!"

"Pag di ka tumigil dyan, makikita mo."

Natigilan ako. Hindi dahil sa sinabi niya. Pero nakita ko si Miguel na papasok ng pintuan ng grocery.

"Edi nanahimik ka ngayon." Tinignan niya ko.

"Ba't umiiyak ka?"

"Ha?" Pinunasan ko ang mata ko. May luha nga. Napatingin ulit ako kay Miguel. Siya lang naman mag-isa.

Sinundan din ni Levi ang tingin ko. Pero hindi na siya nagsalita pa.

Biglang may lumitaw na puting panyo sa harap ko. Tinignan ko si Levi. "Magpunas ka ng luha mo. Maraming nakakakita sayo. Baka isipin nila kung anong ginagawa ko sa'yo."

Kinuha ko ito at ipinunas sa mga mata ko.

"Keep it. Madumi na yan."

Ang sama talaga ng ugali nitong taong to! Pero hawak-hawak ko lang ang panyo niya. Sinundan ko ng tingin si Miguel. He's much older than the last time I saw him. Medyo pumayat siya, pero gwapo pa rin ang ex ko.

Kahit na ganun ang nangyari sa'min dati, I love him still. Kahit niloko niya ko, I still want him.

"Is he your ex-boyfriend? Tch.. Woman."

Di ko nalang pinansin si Levi. Tahimik lang ako habang nagbabayad kami sa counter.

Selfish Heart (A LeviHan Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon