Good Morning

726 63 2
                                    

Pagkauwi ko, inayos ko na agad ang mga damit ko na dadalhin kila Kuya Eren. Habang nagliligpit, multi-tasking naman ako sa pagbabasa about Brachial Neuritis.

Hindi naman nakakamatay or anything yung sakit, yun nga lang parurusahan ka sa sakit. Parang kang sinasaksak pag umatake ito. At pagtapos manghihina ang katawan mo, because of the intense pain na naranasan mo. May time pa na pwede kang maparalyze. Kaya kelangan talaga ng mag-aassists sa pasyente.

Wala namang problema. I guess. Tsaka wala rin namang magagawa si Levi kung ako ang nandon pag inatake siya. I'm in control of the whole situation. Malas niya, ako ang naging PN niya.

I'm 5'6 in height, physically fit at nakasalamin. Mahilig ako sa pants and t-shirt, minsan mga walking shorts din. Pero minsan din, nag-skirt din ako at dress. They said na boyish type ako. I keep it that way para hindi ako mabastos. I have long, dark hair na laging naka-unkept ponytail. Wala lang, nakasanayan ko na. Pero maayos ako manamit kapag kinakailangan. Marami din naman akong naging manliligaw pero si Miguel lang talaga ang napusuan ko sa lahat.

Bukas, magsisimula ang panibagong chapter ko. Well, first time ko lang din naman kasi na maging PN. Mukang mahirap at may challenge. Pero kakayanin ko to, magkaedad naman kami. I just hope makisama rin siya sa'kin. SANA.

Pinagluto ko si kuya Erwin ng kanyang paboritong kare-kare at tuwang-tuwa naman siya.

"I really recommended you kay Eren. Alam ko kakayanin mo si Levi."

"Kuya. Saglit lang ha. Ano bang pagkakakilala mo sa kapatid ni Kuya Eren? Kinakabahan kasi ako sa mga side comments niyo na ganyan eh." Actually, naiirita ako dahil ganun sila palagi.

He smirked. "Dating frat member yan si Levi. You know the kind na mga gang sa school. Walang sinasanto yan, kahit sino, babanatan nila. Nagsimula yun nung mamatay ang nanay nila. Tipong nagrebelde siya. So ayun na nga. One time, napasubo sila. May binugbog silang frat member ng ibang grupo. Binalikan sila. Hinampas siya ng tubo sa balikat, tinamaan yung bandang batok niya. Miraculously, nabuhay naman siya. Maraming pampagamot eh. Kaso, halos kalahating taon din siyang in coma." Uminom muna siya ng tubig at nagpatuloy. "A few months after he woke up, his attacks started. Halos dun na siya tumira sa ospital. Naabutan pa niya ang tatay niya sa ospital. Then, sabay din silang nakauwi. A year after nilang makalabas ng hospital, his father died. Naiwan sa kanilang magkapatid ang lahat ng kayamanan ng parents nila. When I say kayamanan, I mean, Multi-Millionaire for that matter."

Tinignan ko si kuya. Ganun kayaman ang dalawa?

"Yup. Then.. Naging busy na si Eren. Kaya kumuha sila ng makakasama ni Levi. Yun nga lang mahirap talaga pakisamahan yung batang yun. Pinakamatagal na nila yung 1 week. Lahat, hindi kinaya ang pagiging moody ni Levi. But I guess, you can handle him. Di naman kami nagkakalayo ng ugali eh."

"Kuya, ikaw. Moody lang. Siya, suicidal. He has a death wish. How do you think I can handle him? Baka akalaing lalaki ako tas bigla akong buntalin ha."

Natawa si kuya. At nagspray pa ang kanin na nasa bibig niya.

"Ano ba kuya! Kadiri ka!"

He composed himself. "Eh. (lunok) Nakakatawa ka kasi. Pagkaalala ko naman dyan kay Levi, ayos naman siyang kasama."

"Nako kuya. Sana. Kapag hindi ko nagustuhan ugali niyan, lalayasan ko talaga yan."

"Rae. Wag. He's been rejected many times. Kaya kita nirecommend dahil alam kong hindi mo siya susukuan. You never give up on those people who needs your help. He needs serious help Rae."

Selfish Heart (A LeviHan Fan Fiction)Where stories live. Discover now