“Anyway, how was the board meeting yesterday? I heard that you just made a grand entrance…”, nakagat ko ang ibabang labi ko sa sinabi ni daddy. Grabe! Ganon kabilis kumalat ng balita sa pagka-late ko kahapon?

“Err… Kasi daddy… late na kasi ako nagising kaya na-late din ako nakarating sa meeting.”, napakunot ang noo nya. Hala! Galit na yata si daddy. “Pero I promise, dad. It won’t happen again…”

“That’s not what I meant to that ‘grand entrance’ thingy… Ang ibig kong sabihin, you just gave the board members the qualifying impressions that you can handle this company smoothly once I gave you the position. They love you, sweetie. And I’m really proud of you. We are so proud of you.”, nakahinga ako ng maluwag. Akala ko sasabunin ako ni daddy. “But being late is not an excuse.”

“Daddy!”, pero natawa lang sila ni mommy sa reaction ko. Then they hugged me tight. “Thanks, guys!”, I’m just so blessed to have these wonderful parents.

“By the way, are you busy? Ano ba yung ginagawa mo kanina pagpasok namin?”, tumayo si mommy at lumapit sa table ko.

“I’m making a design layout for our next project in Ilocos, mom…”

“Hmmmn… Okay.. Pero are you sure you wanna do it? Pwede mo naman ipagawa yan sa isa sa mga sa architects natin dito. You don’t have to drown yourself to work, hija. Baka mapagod ka at magsawa agad. Besides, hindi pa naman naibibigay ang position sayo. Might enjoy your time first.”

“No worries, mommy. Gusto ko ang ginagawa ko. And besides, gusto kong ako ang personal na gagawa ng design ng building para sa bagong office natin dun. Ano pa at nag-aral ako ng architecture kung hindi ko magagamit?”, napailing na lang si mommy at tumingin kay daddy. Dad just shrugged.

“Look what you did, Fernan. Your daughter just got one of your traits. I won’t be surprised kung magiging workaholic din yan tulad mo.”, natawa na lang kami sa sinabi ni mommy. Mukha kasi syang problemado sa naiisip niyang mangyayari.

“Anyway, pwede mo bang iwan muna ang mga iyan, hija? We wanted to have lunch with you.”

Hindi na ako nagdalawang isip na sumama sa kanila. Baka ito na ang huling araw na makakasabay ko sila kumain sa labas bago sila umalis ulit ng bansa para magbakasyon. And I will really miss them.

***

The next days have been busier. Mula nang pormal na ipaalam ni daddy sa buong kompanya na ako na ang papalit sa kanya bilang presidente, mas nagging busy na ang buhay ko sa araw araw. Meeting dito. Meeting dyan. Plano dito. Plano dyan. I need to give my best shot lalo na at kailangan ko pang i-build up ang tiwala ng empleyado sakin. Syempre, iba naman ang tiwala nila kay daddy at iba din naman ang sa akin. And seriously, it’s not easy to manage a construction firm.

“Ma’am, busy ka ba? I just want to discuss something to you.”, mula nang umupo ako bilang presidente, si Meg na rin ang nagging secretary ko. Hindi naman nagkakalayo ang edad naming dalawa at isa pa, madalas na kaming magsama noon kapag pumupunta ako dito sa opisina na office pa noon ni daddy.

“Shoot!”, binitawan ko ang hawak na ballpen at hinarap sya. Umupo sya sa upuan na nasa harapan ng table ko at saka iniabot sakin ang isang folder.

Dealing with Mr. Ice (To Be Published SOON)Where stories live. Discover now