Minsan tamad talaga ako umuwi at dito na natutulog sa office pero ngayon unti-unti ko na siyang nakikita bilang tahanan. Kasi parang may pamilya na ko sa loob nun ngayon.

Ewan ko ba, ito nga siguro 'yung feeling na hinahanap ko pa dati.
Mas gusto kong umuwi ng bahay ngayon kesa magpunta ng bar, mas gusto kong kalaro ang kambal kesa sa makipagflirt kung kanikanino. Mas trip kong manood ng Power reneger kesa sa mga movie. Mas gusto ko 'yung luto ni Kaelynn kesa sa mga high class na pagkain niluluto sa bahay.

At mas gusto ko pa 'yung pag aalaga ni Kaelynn kesa sa mga maid na hinire kong professional.

Ito nga siguro yun, 'yung bagay na hinahanap hanap ko na wala ako, ito rin 'yung bagay na sinayang ni Danrious ngayon.

Napabuntong hininga ako, saglit akong tumigil sa pag iisip at tanging tunong lang ng orasan ang maririnig sa loob ng opisina ko.

Inikot ikot ko ang ballpen sa kamay ko at muling tinignan ang laptop ko. Sa screen na ka display pa din ang head line na 'yun.

Tinitigan ko ang bawat salitang nakasulat doon. Totoo bang plinano mo lahat 'to Rious? Hindi ko alam kung bibigyan ba kita ng simpatya sa sinayang mo o pasasalamatan ka dahil na sakin sila ngayon?

"Damn you Rious." na bigkas ko habang nang gigil ako makita ang mga ngiti niya sa labi at kasabay nun ang pagbalik sa utak ko ng pag iyak naman ni Kaelynn.

Awang awa ako sa kaniya, pero ang swerte ko kung tutuosin.

Lahat bumaliktad sakin, ang dami opportunity na pwede ko siyang maagaw sayo Rious pero may part sakin na hirap pangkalabanin ka.

Best friend ko kasi siya, hindi ko alam kung anong tumatakbo ngayon sa isip niya, na aawa ako sa mga anak niya at kay Kaelynn.

Pero bakit ganito ang tadhana?
Iniisip ko nga pinaglalaruan ba ko nito? O sadyang hindi talaga kay Danrious si Kaelynn kundi sakin?

Kasi nung unang araw na makita ko pa lang siya tinanong ko na sa sarili ko, anong na gustuhan ng kambal dito? Sobrang plain niya lang at walang kaayos ayos sa katawan.

Pero nung nakaharap ko na siya doon ko na patunayan kung bakit patay na patay ang kambal sa kaniya, siya kasi 'yung tipo ng babae na hindi ka uurungan, wala siyang pake kung mayaman ka o makapangyarihan ka lahat sa mata niya pantay-pantay.

Imbes na sumuko siya sayo hahamunin ka pa niya at tatapatan ng tapang niya, kaya siguro nung araw na 'yun gusto ko siyang agawin kay Danrious hindi dahil galit pa ko sa kambal noon kundi dahil gusto ko talaga siya.

Pero pinigilan ko ang sarili ko, binaliwala ko ang na raramdmaan ko. Patay malisya na lang ako na nahuhulog na pala ako sa kaniya.

Hanggang sa pinaglaban siya ni Rious, sabi ko hindi na ko hahadlang sa kanila at susuportahan na lang ang best friend ko. Naging busy ako sa work nun matagal akong nagpabalik balik sa ibang bansa para mafocus ang utak ko sa iba.

Pero ang kulit din ng tadhana, hindi ko alam na sakin pa lalapit si Rious at magkikita ulit kami. Doon may anak na silang kambal, si Aoi at Akane.

Bumibisita ako sa bahay nila noon, at sabi ko para sa kambal at inaanak ko. Pero ang totoo may part sakin na gusto talaga siyang makita.

Pero pinigilan ko ulit 'yun, kasi sabi ko may anak na siya, may pamilya na at best friend ko pa ang asawa niya. Ayokong maging kontrabida ulit.

Kaya naman nung kailangan maging busy, sinubsob ko na ang sarili ko sa trabaho hanggang sa lumaki na ang problema nila.

Damay na pati 'yung kambal, hindi ko na napigilan at na makialam na ko sa problema nila. Tumulong ako, tumulong akong itago sila mag iina sa mata ni Danilo at pati sa mga mata ko.

Vampire's Chain [VP BOOK II]Where stories live. Discover now