Chapter Fifty-Nine

10.7K 193 20
                                    

ANGEL

"Ayos ka lang ba talaga, Nicolle?" bakas sa boses ko ang pag-aalala nang hindi ko na mapigil ang sarili na tanungin iyon sa kaniya. Kanina ko pa kasi napapansin ang pagiging tahimik niya. Nang matapos siyang makaligo kaninang umaga ay hindi siya madaldal sa pagkain namin ng almusal.

Ngayon namang narito kami sa sala at nanonood ng paborito naming noontime show ay nakatingin lang siya sa tiyan kong may kalakihan na. Mas lumapit siya sa akin at marahang hinaplos ang tiyan ko, tila ba pinapakiramdaman kung may paggalaw si Baby doon.

"I'm fine, Angel... B-bakit naman ako hindi magiging okay, right?" sagot niya na may tipid na ngiti. Halatang-halata sa mata niyang may lungkot na bumabagabag sa kaniya, pero dahil ayaw aminin sa akin ay nagkukunwari siyang masaya.

"Hindi ako naniniwala..." puna ko na agad kinatingin ng mata niya sa akin.

"Edi huwag kang maniwala— Aray!" daing niya nang mahina kong pisilin ang matangos at maganda niyang ilong. Mabilis siyang namula nang makita niyang nakangiti ako sa kaniya kaya napangiti na lang din siya sa akin. "Kulit mo talaga, buntis! Oo, ayos nga lang ako... May iniisip lang."

"Just be honest with me, Nicolle. Kung hindi ka okay, sabihin mo sa akin. Kung ayaw mo pang umalis tayo rito ay sabi—"

"No, Angel. This is the day— Araw kung saan kahit isang beses sa buhay ko ay gagawa ako ng tama sa inyo ni Dark. I'm really fine. Nalulungkot lang siguro ako na mawawala ka na sa tabi ko... na mawawalan na ulit ako ng totoong kaibigan na nakauunawa sa akin ng buo." pag-amin niyang sabi at nag-iwas ng tingin sa akin. Nang marinig ko ang sinabi niyang iyon at maramdaman ang sinseridad niya ay ako naman ang lumapit sa kaniya para abutin ang kamay niyang may kalamigan na ngayon.

"Hindi ako mawawala sa 'yo, Nicolle. Hindi ako tumatalikod sa kaibigan ko. Susulitin ko ang visiting hours mo, at kapag naging maayos na ang lahat... ako ang unang tao na sasalubong sa 'yo. I'm sorry for putting you in this situation, Nicolle." sa sinabi kong iyon ay bumalik sa akin ang tingin niya, but this time ay lumuluha na ang mga mata niya. May malungkot na ngiti sa labi nang punasan ko ang mga iyon, baka kasi masira ang makeup niya, e. Ang ganda-ganda pa naman niya ngayon.

"Ayan ka na naman sa kabutihan mo, e! Wala kayong kasalanan ni Dark— Siguro si Dark may unti, pero ikaw... Wala." saglit siyang huminto at muli akong binigyan ng isang matamis na ngiti sa pagitan ng pagluha niya.

"Ang sarili ko ang naglagay sa akin sa posisyon na ito—Ako ang nag-isip ng mga bagay na masasama para lamang makuha ko ang taong hindi naman ako ang gusto. Kaya huwag kang humingi sa akin ng sorry, Angel. Tanggap ko naman ang lahat, hindi ko lang talaga inaasahan na magiging kaibigan kita. Kaya ngayon na matatapos na 'to, nahihirapan ako." may malalim siyang nagawa na paghinga bago ako yakapin. Hindi siya nagsalita pero ramdam ko na kailangan niya itong yakap na ito ngayon kaya hinayaan ko lang siya.

Alas dose na ng tanghali, wala pa kaming sinasabi kay Dark na oras at lokasyon ng pagkikitaan namin mamaya. Kaya kung hindi pa ready si Nicolle na umalis ay maayos lang, alam kong kailangan niya ng sapat na oras para sa araw na ito. Kagaya ko lamang ay alam kong marami rin siyang pinagdaanang hirap sa buhay, kaya itong pagpili niyang gawin ang tama kahit may parusang kalakip ay isang matapang na desisyon. I'm proud of her, kahit nasaktan niya ako noon dahil sa mga ginawa niya... Masaya pa rin ko na ganito matatapos ang lahat sa amin. Masaya ako na nakilala ko siya ng mas malalim at nagawang patawarin ang lahat. Sa ganitong paraan ay mas naging magaan ang buhay naming dalawa.

"I'm truly s-sorry, Angel... You don't deserve everything I've done to you." mahina niyang banggit habang mahigpit pa rin ang yakap sa akin. Ramdam ko ang mga luha niya sa balikad ko kaya marahan kong hinaplos ang likuran niya para pagaanin ang kalooban niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 25 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Loving DarkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon