Chapter Nine

16.8K 293 5
                                    

DARK

Nang mapadpad na kami sa ma-traffic na parte ng highway ay napalingon agad ako kay Angel sa tabi ko. Kasalukuyan kaming nasa byahe patungong airport. Ngayon na ang araw ng paglipad namin patungong Palawan para sa family reunion.


Nakadungaw si Angel sa bintana ng sasakyang minamaneho ko habang natutulog sa kandungan niya si Ken. Kaming tatlo lamang ang nasa kotse dahil mas maaga ang flight ng pamilya namin, pinasunod ko na lamang ang ilan sa mga tauhan ko sa airport para iuwi ang sasakyan ko pag-alis namin. Mas pinili ko kasing ako mismo ang magmaneho patungo ro'n upang magkaroon kami ng personal time ni Angel sa isa't isa.


Alam kong naging biglaan ang transition ng aming relasyon kaya nais kong iparamdam at patunayan sa mag-ina ko na totoo ang lahat ng sinabi't pinangako ko sa kanila. Lalo na kay Angel. Sa mga nangyari sa aming nakaraan ay alam kong naging mas mahirap sa kaniya ang mga ito. Kaya nang muli niya akong pagbigyan at tanggapin ng buo sa kaniyang buhay ay nais kong patunayan ang pagmamahal ko sa kaniya na ngayon ko na lamang muli tinanggap sa sarili ko.


Pina-DNA test ko na nga rin pala si Ken para naman sa kaliwanagan sa aking isipan, ang kailangan ko na lamang gawin ay maghintay sa magiging resulta nito. Sinikreto ko lang din iyon kay Angel sa ngayon dahil ayokong sumama ang loob niya sa akin kung sakali. Gayunpaman, buo na ang aking pasya na kung ano man ang lumabas sa resulta nito ay buo kong tatanggapin si Ken bilang akin. Nasa punto ako ngayon na wala na akong pakialam sa aming nakaraan.


Tapos na ang lahat ng iyon at wala na kami sa parteng iyon ng aming mga buhay. Kaya kung mangyaring hindi ko anak si Ken ay maayos lang sa akin. Ang mahalaga ngayon ay napatunayan ko nang mahal ko si Angel at masaya na akong unti-unti nang umaayos ang lahat sa aming buhay.


Dahil sa aking mga naisip sa saglit na oras habang naghihintay sa trapiko ay nakangiti kong sinulyapang muli si Angel sa gilid ko. Halatang abala siyang pinaiinom si Ken ng gatas, halata rin namang masaya sya base sa kaniyang ngiti sa mga oras na ito. Nakahihina man ng pagkalalake ayon sa iba, pero hindi ko talaga mapigilan ang sarili kong hindi kiliginngayon habang tinitignan ko lamang sila. Ngayon na lang ata namula ang mga pisngi ko simula noong masira ang pagkakaibigan namin dahil sa poot ko.


Sa buong buhay ko ay si Angel lang talaga ang bumihag sa puso ko, kahit noong hindi pa kami maayos dalawa. Kahit sinubukan kong mambabae at magpaka-gago ay siya lang talaga ang babaeng iniibig ko. Kaya nga nakapagtataka na nagawa ko siyang matiis ng mahaba-haba ring panahon. Gano'n na lang talaga kasi ang naidulot sa akin na sakit ng mga nangyari sa aming dalawa in the past few years.


Mahal ko kasi siya noon ng sobra-sobra, subalit immature pa ako noon kaya hindi ko naisip ang mga bagaya-bagay. Kaya ngayon na narealize ko ang lahat ay alam kong malaki ang kasalanan ko sa mga nangyari sa aming dalawa noon. Kaya masaya talaga ako ngayon sa pagkakataong ito na ibinigay niya sa akin. At least ngayon ay kaya ko nang paniwalaan na mahal niya rin ako.


"Bakit ka nakangiti?" Rinig kong tanong niya kaya natawa ako upang pagtakpan ang pamumula ko. Parang hindi naman sya nakangiti tulad ko kung makatanong, e. Parehas nga lang kaming parang baliw sa kangingiti rito.


However, I still wonder how she truly feels at this moment. Ako ba talaga ang nagpapasaya sa kaniya ngayon? Pero sa nararamdaman ko ngayon ay kampante ako, kahit ipusta ko pa ang lahat ng sasakyan ko kila Adam ay panatag akong masaya siyang ako ang kasama niya sa mga sandaling ito.

Loving DarkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon