Chapter Twenty-Eight

14.9K 275 13
                                    

JAMES

"Hindi ko na hinintay ang tawag mo at ako na ang tumawag sa'yo, insan. Sana tama lang ang oras nang pagtawag ko sa'yo ngayon. I really want to hear the good news that you're about to tell me, earlier." May ngiti sa aking labi nang ibungad ko iyon sa pinsan kong si Dark nang sagutin niya ang tawag ko.


Kasalukuyan akong nasa park kasama ang mag-ina na naglalaro sa swing hindi kalayuan sa kinauupuan ko. Nang mabusog sa ice cream na kinain namin sa isang ice cream shop kanina ay napagdesisyunan namin ni Angel na manatili rito sa bayan at mamasyal-masyal muna para malibang si Ken. Nabalitaan din namin na may magaganap na parade rito mamaya, at may ilang street performers din ang magpe-perform kaya sabi ni Angel hintayin namin mamayang gabi. Alas kuwatro na naman, sakto at kakain muna kami ng hapunan sa resto na nirecommend ko rin sa kaniya kanina bago manood.


Anyway, dahil wala akong magawa ngayon at binabantayan lamang ang mga gamit namin at ilang paper bag na bitbit gawa ng mga librong binili ni Angel sa bookstore kanina ay naisipan ko nang tawagan ngayon ang pinsan ko. Iniisip ko pa rin kasi ang good news na nais niyang sabihin sa akin.


Sa totoo lang ay noong pag-uwi ko lang dito sa Pilipinas nalaman na pamilyadong tao na ang pinsan kong iyon. Kahit kasi favorite ko siyang kamag-anak ay sobrang busy ko sa buhay at trabaho sa US kaya hindi ko na naaalam ang mga personal na bagay sa buhay ng mga pinsan ko. Kahit nga noong reunion ay hindi ako nakahabol dahil sobrang dami kong meetings na kailangan puntahan. Malalakeng proyekto ang mga iyon kaya ang Daddy at si Tito Sky na ang nagsabi sa akin na huwag na tumuloy sa pag-uwi rito para sa reunion. Doon ako nagtampo ng sobra kaya binigyan nila ako ng vacation break ngayon.


Mabalik sa pinsan ko, si Tita Samantha ang nakapagsabi sa akin ng problema ni Dark at ang pamilya nito. Ayon kay Tita ay sobrang naging magulo ang relasyon ni Dark at asawa niya kaya nauwi sa hiwalayan. Sabi naman ni Dark ay naniniwala siyang saglit lamang ito aalis sa kaniya at babalik din agad. Nunit sa pagkakaalam ko ay hinahanap pa rin niya ang asawa hanggang sa buwan na ito. Kaya sana itong good news niya ay tungkol na sa asawa niya at pag-ayos ng relasyon nila.


Hindi naman kasi talaga totally hiwalayan ang nangyari, nagkatampuhan na lumala ang naganap sa kanila. Iyon ang pagkakaunawa ko sa kuwento. Ayaw na ni Tita ibigay sa akin ang buong detalye dahil alam niyang makikisali pa ako sa kanila, gaya nga kasi ng sabi ko, gusto ng pamilya ko na mag-focus lang ako sa kumpanya namin bilang susunod na tagapagmana nito.


Gusto nila na gamitin ko raw ang vacation break na ito para ma-redeem ang sarili ko at ang energy ko para sa kumpanya. Subalit lingid sa kaalaman nila na gustong-gusto ko talaga tulungan si Dark, gagawin ko ang lahat para makatulong sa kaniya kung kailangan niya. Alam ko kasing nahihirapan na ang pinsan kong iyon, e.


Ambag ko pa lang sa kaniya si Mr. Shin na personal kong kakilala. Magaling siyang investigator sa Washington, at hiling ko ay matulungan niya ng malaki ang pinsan ko sa paghahanap sa lokasyon ng asawa niya. Alam ko na roon sasaya ang mahal kong pinsan, kaya siyempre, gusto ko 'yon para sa kaniya. Normal naman na kasi sa relasyon ang magkasamaan ng loob, alam ko na maaayos din nilang mag-asawa ang problema nila dahil nararamdaman ko— kahit hindi ko pa nakikilala ng personal ang asawa niya— na mahal nila ang isa't isa.


Gano'n naman ang pag-ibig, e. Minsan magagalit kayo sa isa't isa na tila gusto niyo na lamang maghiwalay, ngunit kapag nandoon na kayo sa puntong iyon ay biglang mapapagtanto niyo na hindi niyo naman pala talaga ito gusto. Kumbaga, napapangunahan lamang sila ng emosyon— takot sa mga bagay-bagay na naiisip nilang kahihinatnan ng pinaglalaban nilang pag-ibig dahil naramdaman na nila masaktan sa pag-ibig na 'yon.

Loving DarkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon