Chapter Twelve

17.6K 297 9
                                    

ANGEL

"K-kumain ka na, Dark. Niluto ko ang mga paborito mong pagkain." banggit ko na may pilit na ngiti sa aking labi. Inilapag ko sa lamesa ang mga pagkaing ako mismo ang nagluto para sa kaniya. Wala itong naging sagot kaya naupo na lang ako sa bakanteng upuan para makapagsimula na kaming kumaing dalawa. Si Ken ay kasalukuyang binabantayan ni Manang sa itaas kaya sobrang tahimik ng hapag sa mga sandaling ito.


Hindi ko man sabihin kay Manang na muling bumalik sa dati si Dark ay alam kong alam niya na ito kaya hinayaan niya akong kumilos sa kusina para sa asawa ko kanina. Mula noong bumalik kami rito ay nagmistulang hangin na ako kay Dark. Nagagawa niya lang ata ako kausapin kapag lasing siya o 'di naman kaya kapag galit.


"S-saan ka pupunta, Dark?" tanong ko nang makitang tumayo siya sa kinauupuan niya at tangkang aalis sa hapag kainan.


"I lost my appetite, kumain ka nalang d'yan kung gusto mo..." sagot niya nang wala man lang kabuhay-buhay. Maging ang tignan ako ay parang hindi niya na kayang gawin. Dala siguro ng napupuno kong emosyon sa loob ko ay tumayo rin ako para habulin siya.


Nang maabot ko ang kamay niya ay agad siyang napahinto sa paglalakad palayo sa akin. Pero hindi pa man ako nakapagsasalita ay marahas niyang inalis ang kamay ko sa kaniya. "Leave me alone, Angel. I'm begging you."


Parang paulit-ulit na tinarakan ng kutsilyo ang dibdib ko nang marinig at makita ko kung gaano niya kagustong lumayo ako sa kaniya sa mga oras na ito. Masakit sa akin, siyempre. Gusto ko pang maayos itong muli, ngunit paano ko gagawin iyon kung siya mismo ang lumalayo't ayaw na makalapit ako sa kaniya?


Ilang beses kong sinubukang ipaliwanag sa kaniya na hindi totoo ang iniisip niya sa mga larawang iyon, subalit tila ba buo na ang pasya niyang huwag na akong paniwalaan. Unfair man sa akin iyon, ayoko pa ring sumuko. Mahal ko siya, at kahit magmukha akong kaawa-awang magpumulit sa kaniya ay wala akong pakialam.


Nasa punto pa rin ako na umaasang magiging maayos pa ng totoo ang relasyon namin. Hindi lang para sa aming dalawa kundi para na rin sa anak naming si Ken. Naranasan niya na kung paano mahalin ng ama niya, ayokong ipagkait muli sa anak ko ang pagmamahal sa kaniya ni Dark bilang tatay niya dahil lamang sa problema naming ito ni Dark.


"Pasensya ka na. Ikaw na lang muna ang kumain dito. Sasabayan ko na lamang si Manang Lenda mamaya." muli ay pilit na naman ang ngiti sa aking labi habang pinipigil ang nagbabadyang pagbuhos ng mga luha sa aking mata dahil sa nararamdamang kalungkutan.


Hindi ko na siya binigyan ng tingin at naglakad na lamang paalis sa lugar na iyon. Dinala ako ng aking paa sa hagdan, tila ba napakabigat sa dibdib kong humakbang pataas habang ang mga luha ko ay nangingilid sa aking mga mata. Sobrang sakit, e. Para akong pinapatay paunti-unti dahil sa nangyayari sa amin ni Dark.


Nang makahinga ng kaunti ay binilisan ko na ang paghakbang hanggang sa narating ko na ang kuwarto ko kung nasaan ngayon sila Manang.


"Tapos na kayo kumain, iha?" bungad na tanong ni Manang Lenda sa akin nang makita niya akong makapasok, dahil sa nararamdaman ko ay tila ba wala akong kakayahang makapagsalita para sagutin ang mga tanong niya kaya tumango na lamang ako.


"Oh, siya. Dumito ka na lang muna at magpahinga, si Ken ay kababalik lang muli sa tulog. Bababa na rin ako para makapaglaba." banggit ni Manang na muli kong kinatango. Nang maisara ko ang pinto ng kuwarto ay parang awtomatik nang nanghina ang tuhod ko at napaupo na lamang sa lapag habang hinahayaan ang mga luha kong kumawala sa aking mata.

Loving DarkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon