Chapter Fifty-Seven

11.7K 179 25
                                    

DARK

I woke up with a terrible pain in my head. Based on the clock on the wall of my room, it looks like I slept deeply last night due to drunkenness. Buti at nagawa ko pang mailipat ang sarili ko kagabi mula sa sala papunta rito sa kuwarto kaya naging mas maayos ang tulog ko. Maliban sa sakit ng ulo na nararamdaman ko dala ng hang-over ay mga malalakas na pagkatok sa pinto ang isa pa sa gumising sa akin.


Bumangon ako sa pagkahiga at sandaling umupo sa gilid ng kama upang pakiramdaman ang sarili ko. I looked around the whole room and found nothing interesting. Kinuha ko na lamang ang telepono ko para tignan ang mga messages kung mayroon man, hindi ko alintana ang kung sino mang kumakatok sa pinto ko ngayon. On the phone, I only saw two people, first is my cousin James who called once and Zeus who called thrice. Ngayon ko lang naalala ang napag-usapan namin kagabi na pupuntahan bago ako makatulog sa sala.


Dahil hindi tumitigil ang kumakatok sa labas ng kuwarto ko ay tumayo na ako para pagbuksan ito. Hindi ko pa man nabubuksan ay nakumpirma ko nang si Zeus ang kumakatok dahil sa nakaiirita niyang boses sa umaga kong ito.


"Open the door, Dark!" sigaw niya at tuloy-tuloy muli ang pagkatok. Nang buksan ko 'to ay muntik na siyang masubsob sa harapan ko dahil wala nang pinto ang sumalo sa kamay niya.


"I thought you were dead in your room, dude. Kanina pa ako kumakatok dito, I even called you earlier. Ikaw na lang hinihintay namin sa baba at pwede na tayong umalis." hindi ko alam kung nang-aasar, nag-aalala, o naiinis siya habang sinasabi niya iyon sa akin kaya binigyan ko siya ng isang masamang tingin.


"Galit ka na naman niyan, pare! Maligo ka na lang nang makaalis agad tayo. Sa haba ng tulog mo pati si Angel mapapagod nang hintayin ka sa—"


"Behave, Washington." napunta kay Adam na kararating lang dito ang atensyon namin nang magsalita siya.


"G*gong 'to, ginawa pa akong aso. Joke lang naman—"


"It's not good to joke around while we are still finding his wife, Zeus. Hindi ka talaga nakatutulong, pinapalala mo lang ang emosyon ni Dark." ani Adam. Bago pa sila mag-sagutan na naman ay nagsalita na ako.


"It's fine, Adam. Maaaring tama si Zeus, sa ilang araw na walang usad ang paghahanap natin kay Angel ay maaaring mapagod ito kahihintay." malalim akong napabuga ng hangin at nag-iwas ng tingin sa kanila. Ngayon pumapasok sa isipan kong wala naman talaga ako naitutulong sa paghahanap namin kay Angel.


"Hey, dude... I'm just joking— well, I'm just trying to say something funny—hindi ko nga lang nasabi ng maayos. I'm sorry, Dark. I don't mean it and I know... you are doing everything you can for Angel." sumeryoso ang ekspresyon ng mukha ni Zeus nang sabihin iyon sa akin.


"Kids, tama na 'yang drama na 'yan. Tanghali na, aba!" nasira ang nabubuong emosyon sa aming tatlo nang si James na ang nagsalita. May ngiti sa labi niya nang sabihin iyon kaya natawa rin kami ni Adam maliban kay Zeus na out of nowhere ay namula.


"Secret lang 'to, mga pare, ah! Goofy Zeus lang kasi talaga dapat ako, e."


"Tama ka na, Washington. And you, Dark... go take a shower. Hindi na talaga tayo makaaalis nito." nang sabihin iyon ni Adam ay napailing na lamang ako at kumilos na. Sinabihan nila ako bago sila bumaba ay sa garden na lang daw kami magkita kapag tapos ko. Sumang-ayon na lamang ako at sinimulan nang gumayak. Alas dose na ang oras, nagugutom man ay mas inuna ko na ang pagligo ko para mawala kahit papaano ang hang-over ko sa pag-inom kagabi.


That will be the last time I'm going to drink that much alcohol, I know that getting drunk doesn't do me any good, especially with finding my wife. But... I'm not going to lie, last night made me think deeper about my love for Angel. At dahil sa mga napagtanto sa sarili ko ay mas lalo ako magpupursigi sa paghahanap sa asawa ko. May worries pa rin naman at marami pa ring doubts, but I'm trying to see positively. Gayunpaman, sana nga ay mas mapadali ang paghahanap namin kay Angel. And hopefully, itong pupuntahan namin sa araw na ito ay malaki ang maitulong sa amin.


Loving DarkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon