Chapter Fifty-Two

11.3K 189 22
                                    

ANGEL

Nakaliligaya sa pakiramdam nang matapos na namin ang pag-aayos ng hapag, kanya-kanya na kaming upo sa pwesto naming lahat sa hapag at naghahanda na sa salo-salo ngayong gabi. Nang matapos i-lead ni Love ang prayer para sa aming dinner ay nagsimula na kaming kumain. Maraming kwentuhan, tanungan, tawanan, at walang halo o maging bakas ng problema ang mayroon ang bawat isa sa amin.


"I heard that this dinner was Dark's idea. Right, son?" tanong ni Papa Sky nang makalahati namin ang mga plato namin. Natawa ako nang makita kong nasamid si Dark sa pag-inom ng wine nang marinig ang sinabi ng ama, napunta tuloy sa asawa ko ang atensyon ng lahat kaya pormal itong napaayos ng upo.


"Do you have an announcement to make for all of us?" dagdag pa ni Papa Sky kaya maging ako ay inatake ng kuryusidad. Ang alam ko lang ay gusto ni Dark mag-dinner kasama ang buong pamilya namin at kausapin ang parents niya personally, hindi ko alam na may balak siyang anunsyo. Nakaaalala na kaya siya?


"Take it easy, Dad. Mahaba pa ang gabi at tapusin muna natin ang pagkain dahil baka maibuga niyo pa sa akin ang lahat ng 'yan." pagbibirong sagot ni Dark na kinatawa namin. Dahil doon ay muli na namang umingay ang hapag at nagpatuloy kami sa pagkain. Nang magawi kay Dark ang tingin ko ay nahuli ko siyang sumisilip sa direksyon ko, tila ba sinusuri niya ako kaya tinaasan ko siya ng kilay pero umiling lang ito at saglit akong hinalikan sa ulo.


Nang maubos ko ang kinuha ko na mga pagkain ay nakangiti akong napasandal sa sandalan ng aking inuupuan. Alam kong busog na ako dahil sa dami kong kinain na iba't ibang klase ng seafoods, pero hindi ata ako matatahimik ngayong gabi kapag hindi ko matitikman ang pretzel na gawa ni Mama Sam. Doon ay napagdesiyunan kong tawagin si Mama ko na nasa harapan ko lamang nakaupo.


"Mama, paabot po!" nakanguso kong pakisuyo kay Mama. Dahil siyempre baby ako ni Mama ay nakangiti niya sa aking inabot ang basket na may pretzels, pero nang kukuhanin ko na sana iyon ay may malaking kamay ang humarang. Gawa nun ay natatawang inilayo muli sa akin ni Mama ang basket ng pretzels.


"Ano ba naman iyan, Darkie!" inis kong maktol at pilit inaalis ang kamay niyang nakaharang sa akin, ngunit dahil matigas ang ulo niya ay hindi siya nagpatinag. Waaaah! Yung pretzels!


"Sabing bawal nga sa'yo ang sweets, asawa ko! Ang kulit mo talaga." malambing niyang anas, may ngiti ito sa mukha pero hindi ako natutuwa. Bakit naman bawal ang pretzel?


"Hindi naman masyadong matamis ang pretzels. Ang sama mo talaga, Dark! Mama oh!" sumbong ko kila Mama na nakatingin lamang sa aming mag-asawa na may magandang ngiti sa mga labi. Pati sila ay kinakampihan si Dark. Hays! Dapat na ba akong magtampo?


"Matamis gumawa si Mommy ng pretzels, asawa ko. Huwag na po makulit." nanatiling malambot ang boses niya at marahang kinurot ang pisngi ko. Dahil kinikilig na naman ako ay umiwas ako sa kanya ng tingin at tumingin na lang kay Mama Sam na halata sa mukha ang saya dahil sa nakikitang kasweetan ni Dark sa akin.


"Hayaan mo na, nak! Kung bawal talaga sa'yo ay bawal, gusto naming maging healthy ang pangalawa naming apo kaya makinig ka sa asawa mo." sambit ni Mama kaya walang akong ibang magawa kundi sumimangot. Masama kong tinignan si Dark at tinapos na lang ang natirang pagkain sa plato ko, hindi naman siguro halata na nagtatampo ako, ano? Pinagtutulungan ako ng pamilya ko at ni Dark. Haaaays!

Loving DarkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon