Chapter Thirty

13.4K 249 21
                                    

ANGEL

Saktong 6:15 nagsimula ang kasiyahan dito sa bayan. Ang lakas ng mga tugtugan, idagdag pa ang mga live drums na tinatambol habang dumadaan ang mahabang parada. Ang gaganda nila, mga fictional characters pala ang mga nasa parade. May mga anime, disney, game characters, at mga local super heroes.


Ang gaganda ng mga costume nila, recycled kaya mas lalong nakatutuwa. Maging ang mga arko nila ay ganoon din. Ang gaganda rin pala ng mga music, ang lakas maka-fairytale.


Kasalukuyan nga pala kaming nasa coffee shop nina James at Ken. Napag-desisyunan kasi namin na huwag na maki-singit sa crowd sa ibaba dahil siyempre mahirap. May bata kaming dala at buntis pa ako. Buti na lang talaga at naisip ni James na pumunta rito sa coffee shop na nakita namin, wala na ito sa Mall ngunit malapit ang kinatatayuan ng coffe shop sa stage na gagamitin mamaya. Nasa 2nd floor balcony area kami kaya tumanaw ka lang ay mapapanood mo na ang mga nangyayari sa parade.


Nagtanong din pala kami sa mga staff ng shop na ito kung pwede manatili rito hanggang sa mga performance. Buti na lamang at mababait sila at sinabing kahit anong oras pa namin gusto ay ayos lang. 24/7 din bukas ang coffee shop nila, bilang bawi ay tunay na napakasarap ng kape nila rito at desserts.


Napakaraming tao ngayon dito. Halo-halong sigawan, palakpakan, at tilian. Ngayon ko lang nakitang ganito kapuno't kaingay dito sa bayan. Nakatutuwa, sakto lang din talaga ang desisyon naming dumito na lamang sa coffee shop. At least dito ay nakaupo lang kami habang nanonood.


8:20 ang oras nang matapos ang parade at introduction ng mga main participants sa contest. Ang iba pala ay sumali lang sa parade subalit hindi kasali sa kumpetisyon. Mamayang alas dies pa raw ang announcement ng winners, ngayon ay street performance muna. Naexcite ako bigla dahil mahilig talaga ako sa ganitong performance, balita ko ay maraming singers ang pagpe-perform ngayong gabi. Katuwa, parang mini concert.


"Saan ka pupunta?" Nahinto ako sa pagtayo nang marinig ang tanong na iyon ni James. Buhat-buhat niya si Ken na kasalukuyang natutulog na dahil siguro sa pagod. Buti at mukhang kumportable pa rin si Ken kahit na malakas ang music dito ngayon.


"Tatayo lang saglit, bakit? Nahihirapan ka na ba kay Ken? Akin na para makapagpahinga ka rin kabubuhat." May tipid na ngiti sa akin nang sabihin iyon. May nakita akong hindi maipaliwanag na ekspresyon sa mga mata niya kaya kahit naisin kong tumayo ay hindi ko na nagawa.


"I'm sorry." Bakas sa boses ang lungkot kaya nabigla ako sa aking narinig mula sa kaniya.


"Bakit ka naman humihingi ng sorry? You did nothing wrong, James."


"Alam kong hindi mo inaasahan ang mga nasabi ko kanina. At kahit hindi ka magsabi ay ramdam ko rin na nasaktan din kita roon. I don't want you to feel obligated just because I like you. Kaya sorry kung dumagdag pa ako sa iniisip mo." Banggit niya. Kung kanina ay may lungkot akong naramdaman sa kaniyang boses ay ngayon naman ay dama ko ang sinseridad niya, dahil doon ay kusang bumalik sa akin ang ngiti sa labi at mabilis inabot ang ilong niya para pisilin.


"Wala lang 'yon, James. Pero para matahimik ka, sige... pinapatawad na kita. But I really appreciate you, James. Salamat dahil nauunawaan mo ako sa lahat-lahat. At kahit pakiramdam ko minsan na hindi ko deserve ng appreciation galing sa ibang tao ay palagi mong pinararamdam sa akin na kahanga-hanga rin ako bilang tao, ina, at babae."

Loving DarkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon