Chapter Twenty-Five

16.8K 265 17
                                    

JAMES

Nang makarating na ako sa bahay nila Angel galing sa town ay mabilis akong bumaba sa aking sasakyan. Isang buong araw ako hindi naka-dalaw sa kanila kahapon at ngayong nakabalik na ako ay nasasabik na akong makita si Angel at Ken. Marami akong pasalubong sa kanilang mag-ina, lalo na kay Angel na sobrang moody na ngayon. Dalawang linggo na rin kasi ang nakararaan nang malaman naming nagdadalang tao siya sa pangalawang anak nila ng asawa niya.


Sa halos apat na linggo mula nang makilala ko si Angel ay kada araw ay lalo kaming napapalapit sa isa't isa. Noong unang linggo palang ay nagsimula na kaming magsalitan ng kwento sa aming mga buhay kaya malinaw sa akin ang naging buhay niya sa halos tatlong taon nilang pagsasama ng asawa niya. Totoong hindi pa nga sila hiwalay ngayon, umalis lamang si Angel sa puder nito para makapag-isip ng maayos at makahinga sa naging relasyon nilang dalawa.


Kahit naging mailap si Angel sa usapin tungkol sa asawa niya ay nagawa niya pa rin mai-kuwento ito sa akin. Ang tanging hindi niya lamang nabanggit sa akin ni Angel ay ang ibang detalye tungkol sa kakilalanlan ng kaniyang asawa. Naisin ko man malaman ang pangalan, estado sa buhay, uri ng pamilyang kinabibilangan nito ay mas pinili ko na lamang 'wag manghimasok sa personal na impormasyon ng asawa niya. Ang mahalaga sa akin ngayon ay alam ko ang lahat ng paghihirap, sakripisyo, pagmamahal, at lahat ng dinanas niyang hindi biro sa palpak na relasyon nila bilang mag-asawa.


At kahit kumplikado pa ang koneksiyon nilang dalawa at ang pagpasok ko sa buhay ni Angel at ng anak niya ngayon ay masaya pa rin ako na pinagkatiwala niya sa akin ang mga bagay na iyon sa kaniyang buhay.


Dahil sa mga nalaman ko kay Angel ay mas lalo grumabe ang pag-hanga ko sa pagkatao niya bilang babae at ina. Iyon ang dahilan kaya kahit parang imposible ang nararamdaman ko para sa kaniya ay pinagpapatuloy ko pa rin.


I just want to give everything I can to her and Ken, and make them happy. Alam kong mabilis ang lahat sa buhay, pero sa loob ng ilang linggong nakasama ako sa buhay nilang mag-ina ay hindi ko maiwasang sobrang mapalapit sa kanila. I just fell in love. And even I know it is kind of a wrong thing because she is still a married woman... I can't help it. Basta ang alam ko ay gusto kong masamahan silang mag-ina sa mga sandaling ito ng kanilang buhay. And for me, that is all that matters.


Iba kasi ang saya na naidudulot ni Angel at Ken sa buhay ko. It's been like years since I felt this kind of joy everytime I wake up in the morning; excited to spend the whole entire day just to be with them. It's a very different kind of joy, that's why I can't just stop doing it. I feel like this happiness that they make in me is rare.


Isa pa, sa ilang taon ko kasing nanirahan sa ibang bansa ay puro trabaho lamang ang inatupag ko. Nag-focus ako sa pagpapatuloy sa pagpapalago ng kumpanya namin ng pamilya ko. Hindi ko na naisip humanap ng tao o maski bagay na maaaring magpasaya ng aking buhay, ngunit nang makita ko si Angel sa mall noong una palang ay para bang may umihip sa damdamin at utak ko para piliin naman ang sarili kong ligaya.


I like her a lot, minsan ay naiisip ko nang baka mahal ko na siya. Subalit bilang lalake ay gusto kong bigyan pa rin ang paghanga ko sa kaniya ng limitasyon. Ayokong makadagdag sa problemang kinahaharap niya na. Kaya kahit may gusto ako sa kaniya ay nananatili sa akin ang respeto sa kanilang pamilya. Minsan ay nabibiro ko siya sa panliligaw ko, pero hanggang biro lamang iyon dahil alam kong mali.


Basta alam ko sa ngayon kung hanggang saan lamang ako sa kanilang buhay. Masaya lang ako na kaya ko silang makasama ng malaya't masaya. Nagagawa ko rin na pagaanin ang buhay nila at nailalayo silang mag-ina sa lungkot ng buhay, sapat na sa akin ang mga iyon sa ngayon.

Loving DarkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon