Chapter Nineteen

24.5K 325 23
                                    

DARK

Buong byahe ko pauwi sa aming tahanan ay walang ibang tumatakbo sa isipan ko kundi si Angel at ang mga bagay na pinaunawa sa akin ni Zeus. Huminto na ang pagluha ng aking mga mata, pero ang pagkadismaya ko sa aking sarili ay hindi mawala-wala. I should have listened to her, I hate myself for not believing what my wife wanted me to know.


Hindi ko maunawaan ang nararamdaman ko. Mahal ko siya ngunit hindi ko man lang nagawang pakinggan at unawain siya. Kaya ngayon na natauhan na ako dahil sa mga suntok na ginawa ni Zeus ay hindi na mapalagay ang sarili ko. Mabilis ang kabog ng dibdib ko na hindi ko magawang mapigil. Maging ang kamay ko ay nanginginig gawa ng emosyong nabubuo sa sistema ko, mabuti na lamang ay nagawa ko pang makauwi ng ligtas. 


Nang makababa sa sasakyan ay mabilis ang naging paghakbang ko papasok ng gate, madilim na sa paligid at maging ang loob ng bahay ay walang ka ilaw-ilaw. Hindi ko tuloy maiwasang makaramdam ng matinding konsensya sa lahat-lahat ng nagawa ko sa asawa ko, lalo na ang nangyari sa aming dalawa kaninang umaga. The word bad is not enough to describe what I feel right at this point, if I could just turn back time, I would.


Sa hindi mawaring dahilan ay naramdaman kong bumalik sa dibdib ako kakaibang kabog nito, walang kasigla-sigla ang buong bahay nang tuluyan na akong makapasok dito. Dahil sa nararamdaman ko ay una kong tinunggo ang silid ni Angel, alam kong naroon siya. Tuwing nagkakasamaan kasi kami ng loob ay iyon ang nagiging safe space niya.


Tahimik ang buong hallway nang makaakyat ako ng hagdan, madilim ang buong palapag gaya lang ng ibaba. Binuksan ko ang ilaw dito at tinungo na ang silid. 


Ang pag-asang natitira sa puso ko ay unti-unting naglaho nang makita ang buong silid. Nakabukas ang mga pinto ng kaniyang aparador kung nasaan noon nakalagay ang mga gamit niyang wala na ngayon. Maging ang mga damit ni Ken ay wala na rin sa loob.


Hindi pa man pumapasok ng buong-buo sa utak ko ang lahat ng ito ay tila ba alam ko na agad ang kahihinatnat ng mga nangyayari.


Subalit ayokong paniwalaan ito. Bumaba ako sa sala at tinignan ang kusina't labas ng bahay, pero gaya ng silid niya ay wala akong nakitang bakas ng mag-ina ko. Nang maramdaman ko ang pagtulo ng butil ng luha sa pisngi ko ay natagpuan kong muli ang sariling bumalik sa kaniyang silid.


Malinaw na sa akin na tuluyan na nila akong iniwan. Gustuhin ko pa man hindi maniwala't paasahin pa ang isip ko ay hindi ko na magawa. 


Nagtungo ako sa kabilang kuwarto para roon manatili. Hindi ko kayang makita ang mga laruan ni Ken sa kuwarto ni Angel na iniwan niya. Para akong pinipiga hanggang sa hindi na magawang makapag-isip pa. Hindi ko na nagawang buksan ang ilaw sa kuwarto ko dahil sa gulong nararamdaman ng isip ko. Hinayaan ko nalamang na ang liwanag ng buwan ang magbigay ilaw dito. 


"Pa-patawarin mo ako, A-angel..." iyak lamang ang nagawa ko habang sinasabunutan ang sarili ko. Kasalanan ko ang lahat ng ito, kung hindi lamang ako nagpakatanga't naging duwag ay hindi na sana mangyayari ito.


Muli akong nahinto nang may maaninag ang mata ko sa ibabaw ng side table. Kumikinang ito gawa ng sinag ng buwan, kaya kahit madilim at malayo ako roon ay alam ko na agad kung ano ito.

Loving DarkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon