Chapter Thirty-Nine

12.8K 191 6
                                    

JAMES

Pasado alas onse ng tanghali nang mapagdesisyunan kong magpaalam na kay Angel. Matapos namin makapag-usap ng masinsinan ay napag desisyunan kong gawin ang kaya ko para kahit papaano ay maging maayos silang dalawa ng pinsan ko. Alam kong sinabi na sa akin ni Angel na buo na ang desisyon niyang makipaghiwalay pero habang may oras pa ay mayroon pang pag-asang magbago iyon.


Tanggap ko nang wala na akong pag-asa kay Angel, ngunit hindi ko kayang hayaan na lang silang dalawa ni Dark na maghiwalay ng tuluyan. Kailangan kong mahanap si Dark para malaman ang dapat kong malaman, gusto kong malaman ang nararamdaman ng bawat isa bago magdesisyon na gumawa ng paraan para magkabalikan sila. Kapag napatunayan kong mahal nila ang isa't isa at pilit lamang tinatago ay ako ang kusang gagawa ng paraan para umayos ang relasyon nila. Subalit kapag sapat na ang dahilan ko na hindi na nga ito mabubuo muli ay wala na akong magagawa roon.


Gayunpaman ay malakas ang kutob ko na mahal pa ni Angel si Dark. Nalilito pa rin talaga ito at nabigla kaya ganito ang naging desisyon niya. Hindi talaga minamadali ang lahat ng bagay lalo na sa ganitong sitwasyon. Sadyang nagkagulatan lang talaga kahapon.


Isa pang dahilan kaya nais ko maayos ito ay ayokong mawalan ng kumpleto at tunay na pamilya ang mga pamangkin ko. Hindi ako papayag na mamumuhay ang mga magulang nila na malayo sa isa't isa, kaya naniniwala akong may pag-asa pa. Buo na rin ang desisyon kong gumawa ng paraan para sa pinsan ko at kay Angel. Kahit ang totoo niyan ay wala akong maisip kung paano ko gagawin iyon sa ngayon, but at least I am willing to help.


"Saan ka pupunta?" tanong ni Angel nang makalabas kami ng bahay nila. Hinatid niya ako sa kung saan nakaparada ang sasakyan ko kaya naitanong niya sa akin ang bagay na 'yon.


Nang makita ang mukha niya na tila ba inuusisa ako ay hindi ko napigil na matawa sa kaniya.


"Hindi ko pupuntahan si Dark, huwag kang mag-alala." nang sagutin ko iyon ay nagulat siya. Agad niya akong nginusuan at mabilis na umiling.


"H-hindi naman iyon ang nais kong itanong sayo..." pagde-deny nito kaya lalo akong natawa, kahit magdadalawang buwan pa lang kami nagkasama ay kaya ko nang basahin ang nais niyang sabihin gamit lamang ang ekspresyon ng mukha niya.


Sa loob ng halos dalawang buwan kasi ay para bang hindi na ako nalayo sa kaniya, halos buong araw ay kasama ko silang dalawa ni Ken. Kaya siguradong-sigurado ako sa nakikita ko sa mga mata niya sa mga oras na ito.


Alam kong kahit anong sabihin niyang makikipaghiwalay na ito sa pinsan ko ay alam kong hindi talaga ito ang desisyon niya. Nabuo niya lamang ito dahil hindi niya pa maamin sa sarili niya na mahal pa rin niya hanggang ngayon si Dark. Dala lamang ng nakaraan nila kaya naisip niyang makipag-hiwalay, pero alam kong hindi ito ang ikasasaya niya. Hindi ang desisyon na ito ang magpapasaya sa kanilang dalawa.


"Pupunta lang ako sa Phoenix. Gusto ko lang uminom, aminado akong nahirapan din ako sa nangyari kaya sa ngayon ay idadaan ko na lamang ito sa inom." pag-amin ko sa kanya.


Gulat ang mababasa sa mata niya na kalaunan ay napalitan ng lungkot at pagkakonsensya. Lumapit ito sa akin at muli ko na namang naramdaman ang mga yakap niyang nagpapagaan sa kalooban ko. Muli na namang dumaan sa akin ang sakit na pilit kong nilalabanan mula pa kahapon, tila ba niloloko ko lang din ang sarili ko na okay na ako ngayon.

Loving DarkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon