Mula ngayong araw ay umpisa na ng preperasyon para sa kasal nila ng babaeng iyon. Ni hindi nga daw niya kinakausap sila kuya tungkol dito.

Parang na walan na din ako ng ganang makinig sa mga pwedeng dahilan kung bakit ginagawa ni Danrious to. Wala na mukhang mabilis niyang na sira ang tiwala na mismong siya din ang bumuo sakin noon.

Sa isang iglap na wala lahat ng pangako at pangarap na pinanghahawakan ko na pwede naming mabuo. Isa siyang sinungaling at manloloko.

Gusto ko umiyak pero mukhang tuyot na ang mata ko para sa bagay na 'yun, wala na kong gana sa kaniya. Gusto ko lang makita ang kasal nilang dalawa ng babae na 'yun at isampal ang magandang pagbati sa kanila.

Yung kasal na hinahanda nila simula ngayon ay dapat ang kasal namin hindi ba? Akala ko ako ang asawa niya?

Hindi pala, ginawa niya lang ba kong paanakan niya? Ano pala 'yung mga pangakong ipinangako niya sakin? 'yung lahat ng pinagdaanan namin?

Acting lang ba ang lahat ng 'yun para makuha ang tiwala namin at tapos ay sirain din 'yun para dito sa magandang plano niya ngayon?

Ang ganda nga, kasi pagkinasal sila mapupunta sa kaniya lahat-lahat ng yaman na mayroon ang mga Lockhart ngayon. Hindi ko alam pano niya na papayag ang ama niya pero napakagaling niyang actor.

Naloko niya kami, na loko niya ang mga anak ko at oo na pakalaki kong tanga para magpaloko sa kaniya.

Tumayo ako at pumunta sa kwarto para ayusin ang na titirang gamit namin.
"Kaelynn." tawag sakin ni Daniel at nilingon ko siya.

Medyo na asiwa ako sa mukha niya dahil kamukhang kamukha niya ngayon si Danrious.

"Ano?" Malamig kong sagot sa kaniya.

"Hindi ka ba maniniwala sa kakambal ko?" Parang sobra siyang na sasaktan sa tanong niyang 'yun pero kalmado ko siyang sinagot.

"Bakit kailangan pa?" Tanong ko din sa kaniya at saka ko siya tinalikuran at lumakad na papuntang kwarto.

Na iirita ako pag nakikita ko ang mukha niya, kahit sabihin pa nating kakambal niya 'yun pero na aalala ko siya.

Tinignan ko ang mga anak ko na masaya lang naglalaro sa kwarto, excited silang umuwi pero hindi nila alam ang problemang mayroon kami ngayon.

Ayoko ding banggitin sa kanila ang panagalan ng ama nila at ayoko nang maalala pa nila. Sa totoo lang gusto ko muna silang iwan dito at balikan na lang pero sa kanila ako na hugot ng lakas para sa problemang 'to.

"Mama are you otey?" Tumango ako at mabilis na tinago ang galit na nararamdmaan ko.

"Oo naman nak, kamusta naman kayo ano yang ginagawa niyo?" Tanong ko at tinignan ang nilalaro nila.

"Trawing mimi." masayang sagot ni Akane sabay pakita sakin ng mga kinulayan niya.

Kaso hindi ko magawang ngumiti ng makita ko ang drawing na 'yun eh, dun ako biglang na iyak matapos ang matagal na araw na hindi ko maramdaman ang luha ko.

"Ito ti papa ti mimi at tame ni Aoi hehe," sabi niya sakin habang masayang tinuturo ang buong pamilya na inaasahan niyang makikita niya sa pag-uwi namin.

"Mimi batit ka na iyak?" na kita niya ang bahagyang pagtulo ng luha ko at lumapit din samin si Aoi.

"Mama wait ta lang uuwi na tayo matitita mo na ti papa," sabi naman sakin ni Aoi at napahagulgol na talaga ako ng iyak.

Akala ko hindi na ko apektado, pero ng makita ko ang mga anak ko at kung gano sila umaasa sa pagdating ng ama nila ay na lungkot ako.

Lalaki sila ng walang kinikilalang tunay na ama, tapos na damay pa sila sa sumpang mayroon ang pamilyang 'to.

Vampire's Chain [VP BOOK II]Where stories live. Discover now