****************


Hindi ko alam kung anong oras na kami nakalaba. Pananghalian na. Nang makaluto ako ay ramdam ko ang Pagod. Nang nagpunta ako sa Kusina ay nakita kong pinapakain ni Rowin si Ryley

"Kumain ka na. Ako na magpapakain sa kanya." Tumabi ako kay Ryley. Nasa gitna na namin siya.

"Ang lakas ng Kain ni Ryley. Mukhang kailangan kong kumayod para sa kakainin niya." Nakatitig si Rowin kay Ryley habang abala naman ito sa pakikipaglaro kay Epe

"Nakain niya yung Kalahati ng manok ka kagabi." Hindi makapaniwalang sabi ni Rowin habang sinusubuan si Ryley na parang hindi naman pinapakialaman ang sinasabi ng Papa niya

"Parang dika naman sanay kay Ryley. Big Eater talaga siya. Diba Ryley!" Ginulo ko ang buhok nito at hinalikan ko ang pisngi niya. Naaliw ako sa anak kong ito. Napaka Cute niya!

"Maghihirap tayo niyan. Baka mabaon ako sa utang." Napailing iling si Rowin. Natawa ako sa kanya kahit pansin kong nagbibiro lang naman ito pero mukhang realistic ang worried face nito.

"Eh di Magkakatulong nalang ako para may ipakain tayo kay Ryley. Diba anak? Magtrabaho si Mama?" Tiningnan naman ako ni Ryley.

"Andweee!" Napasigaw ito bigla at umiling iling. Nagulat ako nagtingininan pa kami ni Rowin

"Ano ba yang Alien Language mo. Ang hirap intindihin" saad naman ni Rowin. Tumawa naman bigla si Ryley. Napangiti nalang si Rowin at hinalikan sa Noo si Ryley

"Ayaw daw niya." Sabi ko naman kay Rowin.

"Papa japat puncha cha baho." Nilagay nito ang hintuturo sa harapan at parang nag eexplain. Kumunot ang noo ni Rowin na nakikinig sa mga salita ni Ryley.

"Ano kamo Sinong mabaho?"

"Naaacha!" Nagtaas ng boses si Ryley.

"Papa ajapat puncha cha baho!" Napakamot na ng ulo si Rowin. Bumigay na ata. Hindi kasi Maintindihan ang mga salita ni Ryley

"Sabi niya ikaw daw dapat magtrabaho!" Napahalakhak akong nagsabi kay Rowin. Nagtinginan ang Mag ama. Nagpipigil ng tawa si Rowin. Kunwary ay seryoso siya pero si Ryley tawa ng tawa

"Si Papa ba dapat magtrabaho?" Tanong naman ni Rowin habang sinusubuan uli ng pagkain. Nang maisubo ni Ryley ang pagkain at tumango tango ito

"Magtratrabaho ako para dika magutom!" Kinurot naman ni Rowin ang Ilong nito.

"Saan sa Agency?"Diko napigilang naitanong

"Nagresign na ako diba? Sa Company na. Bibigyan ako ng Position ni Rohan." Parang nabunutan ako nang tinik nang sabihin sakin ni Rowin iyon.

"Start na sana ako next week. So pano ba yan Ryley. Kayo nalang muna ni Mama ang magplaplay?"

"Kaya ko naman na Siguro. Sige lang Magsimula ka na kung gusto mo. Kailangan mo ring tulungan si Rohan sa Negosyo niyo." Ngumiti naman ako sa kanya

"Lalo na, Tatlo na kaming Papakainin mo. Mahihirapan tayo niyan."

"Oo nga eh. Marami akong plano para sa Bigboy ko diba Ryley, Papakainin kita ng masasarap na pagkain araw-" Napatigil bigla si Rowin sa pagsasalita napansin ko ang pagtahimik niya bigla habang sinimulan ko naman na ang Pagkain.

"Ano sabi mo Lianne?" Tanong nito sa akin. Nakita ko mula sa gilid ng mga mata ko ang pagtingin ni Rowin sa akin. Pero nagpatuloy ako sa pagkain at hindi ko siya pinansin

"Lianne, Ano kamo? Tatlo?"

"Lianne! Sagutin mo ko!" Bigla siyang nagtaas ng Boses.

"Ano?" Tumingin ako sa kanya. Gusto kong matawa pero pinipigilan ko. Rowin's face is very funny. Parang Batang dinayaan sa laro.

"Yung Tatlong sinabi mo bait tatlo na?"

"Wala naman akong sinabi ah. Dalawa ang sinabi ko. Nabibingi kana. Kumain kana muna." Tumayo naman ako at binuhat si Ryley.

"Lianne!" Tawag pa nito sakin habang patungo kaming Sala ni Ryley. Pinaupo ko si Ryley sa Sofa at nag play ako sa Speaker ng Nursery Rhymes na lagi kong pinapairnig kay Ryley. Ayon sa mga Doctors at beterano sa pagaalaga ng Bata. Magandang pakinigin ang mga bata sa Nursery Rhymes lalo na ang may mga animations. Marami kasi silang matutunan rito. Matutuo rin silang Kumanta at magsalita kahit nakikinig lang sila

Nagulat ako nang biglang nasa likoran ko na pala si Rowin kamuntikan ko na kaisng nabangga. Hinawakan ako sa balikat nito at tumitig sa akin

"Are you pregnant?" Seryosong tanong nito. Hindi ko na tuloy makaya ang tumawa. I cupped his cheeks and kissed him

"Yes I am. " Ipinakita ko sa harapan niya ang pregnancy test kit mula sa Bulsa ko.

Nalipat ang titig ni Rowin rito na parang hindi makapaniwala. "Oh God Lianne. Totoo nga." Napangiti ako. "Oh My God. Lianne. Thank You!" Napayakap sakin ito ng mahigpit bigla. I could feel his heart actually. Ang bilis rin ng tibok kagaya ko.

"I Love you!" Bigla bigla naman ako nitong hinalikan. I could see in his eyes his compassion and rejoice inside him. Masayang masaya rin ako sa panibagong Biyayang naibigay sa amin.

"Pakiramdam ko Babae ito." Saad ko sa kanya.

"Then Her name is Reya. Reya and Ryley. They are my Two Angels...You, Ryley and our soon to be daughter Reya...Kayo na ang kukumpleto sa Buhay ko..."

**************************


May Reya at Ryley. Ibig sabihin may? Hahaahaha

Rank7 General Fiction ang SOTMB sa Ngayon. Gusto ko pong magpasalamat sa mga Nagbabasa at nag vovoments. Naku Thank You po! Pati na rin sa mga TeamNydaLuke at TeamRiJa at Tyniel at GabCy Hahaha. Kasalukuyang Ongoing po sila.

Mafias Series

#1 Slave Of The Mafia Boss (Rowin)

#2 To Fix You (Luke)

#3 Found and Married (Jake)

#4 A Beautiful Temptation (Tyron)

#5 From The Broken (Gab)

Enticed Series

#1 His Hired Bedwarmer (Rohan)

#2 The Sweetest Regret (Miggy)

#3 No Perfect Endings (Kerr)

Muli Maraming Salamat sa pagsuporta. May FB GROUP po kami. You can Join po if you want nasa Profile ko rin po ang link

Link:

https://www.facebook.com/groups/988909977889463/

FB Account:

https://www.facebook.com/profile.php?id=100012628574818

Nasa Group ang Accounts ng FC's.



God Bless you

Yours,

Maria Elena

Slave Of The Mafia Boss (Mafias Series # 1) PUBLISHED UNDER PSICOMWhere stories live. Discover now