Napahawak ako sa dibdib ko habang tinitignan kung gano siya kasaya ngumiti sa letratong iyon at ganoon din ang babaeng kasama niya.

Dahan-dahan tumulo ang luha ko mula saking mata at hindi ko na napigilan 'to. Tinakpan ko ang bibig ko para hindi ko magising ang kambal sa pag-iyak ko.

Sobrang sakit magpigil ng luha at sobrang sakit makita ang taong mahal mo na mapunta sa iba.

Bakit? Danrious?
Tinitigan kong maigi ang pagngiti niya, sumama ang tingin ko dito pero gusto ko din munang kumpirmahin kaya agad akong tumakbo pababa ng hagdan bitbit ang laptop at agad na pinakita kay Kidd ang article na nakita ko.

"Kidd." na gulat siya sa mukha ko at kung pano ko iharap sa kaniya 'yung laptop.

Nataranta siya sa pag iyak ko ng walang humpay habang hindi pa din mapakali sa nakita niyang head line.

"Teka ano 'to? Wait Kaelynn wag kang umiyak." pinaupo niya ko sa sofa at binigay ang towel niya sakin para ipunas sa luha ko. Tumakbo siya sa kusina para kumuha ng tubig at pinakalma ako.

"Anong ibig sabihin nito? Alam mo ba ang tungkol dito Kidd?." umiling siya at dahil doon lalong na puot ang loob ko.

Dumiin ang kapit ko sa laptop hanggang sa madurog ko ang gilid nito at tuluyang namatay.

"Kaelynn ano ba!" Sigaw niya sakin pero puno ng galit ang loob ko ngayon, inintay namin siya ng matagal at nagtiis dito na hindi siya kasama tapos malalaman ko ganoon lang ang gagawin niya?

Kaya niya ba kami tinaboy para maging malaya ulit siya? Bakit sagabal ba kami sa kaniya? Pabigat?

Daretdaretsyo ang luha ko na tumulo sa mga mata ko at ramdam ko din na nag iinit ang buong katawan ko.

Hinawakan ni Kidd ang dalawang balikat ko at pilit akong pinapakalma. Pero tinabig ko siya at dahil hindi siya alerto ay tumilapon siya sa ginawa ko.

Nakita ko ang galit sa mga mata niya ng lapitan ako at bigla akong niyakap ng mahigpit, akala ko gagantihan niya ko pero hindi.

Kahit inis na inis ako ay pilit niya kong kinulong sa bisig niya at pinatahan. Iyak ako ng iyak at na rinig ko na lang ang maliit na tinig mula sa kambal ko.

"Mimi why are tou crying?" Tanong sakin ni Akane at si Aoi naman bigla na din umiyak.

Pinakawalan ako ni Kidd at niyakap ang mga anak ko, doon tuloy-tuloy na din ako umiyak at dinamayan ako ng dalawang anak ko.

Sila na lang ang mayroon ako ngayon, sila na lang ang nagbibigay ng lakas sakin ngayon. Walang ng iba.

Kaya umiyak ako ng umiyak habang yakap sila at inilabas lahat ng galit at lungkot na idinulot sakin ni Danrious.

❦❦❦

Mga ilang minuto pa nila ako pinakalma, halos hindi ko pa din maipasok sa utak ko lahat ng na basa at na kita ko sa internet.

Puro galit ang na sa puso ko ngayon at hindi ko alam anong iisipin ko kay Danrious.

"Mabuti pa alamin muna natin bago ang lahat," sabi ni Kidd sakin at 'yung kambal medyo na guguluhan.

"Uuwi na ako ng Pilipinas," sabi ko ng madiin at may galit pa din.

"Gaganti ka?" seryoso niyang tanong sakin at ako medyo na karamdam ng sakit na naman sa puso ko.

"Pwede wag ka muna magpadalos dalos tignan na muna natin baka pakana lang ito ni Danilo," sabi niya sakin at inisip ko ang mga iyon.

"Kailangan din natin 'to sabihin kay Ash, wag ka muna gumawa ng hakbang na hindi sigurado na pwedeng makasira sayo at sa mga anak mo." tinignan ko ang kambal at hihikbi hikbi pa din silang na kakapit sakin.

Sobrang silang na apektuhan ng makita akong na iyak pano pa kaya kung malaman nilang galit ako sa papa nila? Hindi lang ako ang apektado dito pati ang mga anak ko.

"bukas na bukas magpapadala ako ng mga tauhan para alamain ang buong pangyayari kay Danrious," sabi niya sakin at tinapik ang balikat ko.

Ewan ko ba feeling ko nakahanap ako kakampi kay Kidd at bigla na naman dumaloy ang luha ko. Niyakap ko siya at hindi na napigilan na umiyak sa dibdib niya.

Ewan ko kung natural ba 'to pero ramdam ko ang mabilis at malakas na pagtibok ng puso niya na nagpapagaan sa pakiramdam ko ngayon.

"Ah hmm, Kaelynn basta wag ka muna mag-isip ng mag-isip, may dahilan siguro si Danrious magtiwala lang tayo sa kaniya." tumango na lang ako at inilabas lahat ng problema ko sa pag-iyak sa kaniya.

"Mama," sabi ni Aoi at pinatpat ang binte ko na tanging abot niya.

" sorry nak ah." umiling siya at siya naman ang niyakap ko.

Tumingin siya kay tito Kidd niya at dinilaan 'to na ng patawa sakin.

"Ba't ganiyan yang anak mo?" napatawa na lang ako at si Akane naman ay na ingit samin kaya na kiyakap na din samin.

"Ba't ganiyan yang anak mo?" napatawa na lang ako at si Akane naman ay na ingit samin kaya na kiyakap na din samin

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Na wala 'yung lungkot ko sa ka sweetan ng dalawang anak ko, at sa ngayon papakinggan ko muna si kidd.

Na baka sakaling hindi gusto ni Dan 'yung pang-yayari at lahat ng iyon ay gawa lang ni Sir Danilo.

Mag iisip muna ako ng mga bagay na pwede ding dahilan hindi 'yung agad akong magagalit at sususko.

Pipilitin ko magtiwala pa at lawakan pa ang pag iisip ko sa sitwasyon na 'to. Dahil ayokong masira agad ang pamilya namin, ayokong sumuko agad kay Danrious.

Hanggat maari ay magbulag bulagan muna ako sa mga nakikita ko hanggat hindi pa ko sigurado para lang hindi masira ang relasyon namin dalawa.

Ayokong lumaki ang mga anak ko ng walang ama at magulong buhay, ayokong matulad sila sakin na para na ding ulila dahil hindi nila mararanasan ang magkaroon ng buong pamilya.

Kaya hanggat kaya ko pa, aayusin ko to para sa kanila.

Ngayon hindi ko hahayaan na si Danirous lang ang kumilos at oras ko naman para ipaglaban ang pamilya namin.

Uuwi ako at ako mismo ang aalam ng mga nang yayari doon.

Intayin mo lang kami d'yan Danrious, wag mo sana buguin ang pag-asa ko sayo.

To be continued

Vampire's Chain [VP BOOK II]Where stories live. Discover now