31

2.1K 71 11
                                    

Masakit parin ang ulo ko nang magising ako. Nang imulat ko ang mga mata ko, una kong tinignan ang sarili ko bago pinasadaanan ng tingin ang buong kwarto.

Bumilis ang tibok ng puso ko nang makilala ko ang kwarto kung nasan ako. Hindi ako pwedeng magkamali...

"Gising ka na pala."

Mibilis akong napalingon sa nagsalita at nakita si Azen na nakasilip sa may pinto.

Sabi na nga ba. Sa condo nya to.

"B-Bakit ako nandito?"

"Nakalimutan mo na ba? Muntik ka nang gahasain nung George na yun."

Ngayon na sinabi yun ni Azen, naalala kong bigla ang mga nangyari. Nasa parking lot ako nun nang biglang dumating si George. He tried to rape me, pero may pumigil sa kanya bago ako mawalan ng malay. Si Azen kaya yun? Pero paano nya nalaman?

"Kung iniisip mo kung paano ko nalamang nandun ka, simple lang yun. Nagkamali ka at sa akin mo nasend yung text na para kay Lewis. Nasa agency lang din ako nun kaya mabilis kitang napuntahan." tuloy tuloy nyang sinabi na parang nabasa nya ang nasa isip ko.

"G-Ganun ba?"

"Yup. Anyway, Serina... May I come in? Nilalamig na kasi ako."

"Ha? S-Sure!"

Teka. Nilalamig? Bakit sya lalamigin?

Hindi ko pa man natatanong si Azen ay pumasok na agad sya sa kwarto. Nanlaki ang mata ko nang makita ko sya at doon lang naintindihan ang kaninang sinabi nya.

Why the heck is he half naked?! Ang kapal ng mukha nyang pumasok dito na twalya lang ang tangging suot!

"H-HOY! BAKIT KA NAKAHUBAD?! ANONG GAGAWIN MO SAKIN?!"

"Ha?"

"GAGAHASAIN MO RIN AKO, NO?! GRABE KA AZEN! PINAGKAKATIWALAAN KITA!"

"What the fuck are you talking about?! Kaya nga ako nagpaalam na pumasok dito para makakuha ng damit!"

Natigilan ako sa sinabi nya.

Ah... K. Maglaslas ka na, Serina.

"Ah... Ha. Ha."

"Really, Serina... Masakit pa ba yang ulo mo? Kung ano ano nang naiisip mo, eh." sabi ni Azen habang nagbibihis sa may gilid ko.

Dahil sa hiya, hindi ko sya magawang tignan at tanging tango lang ang isinagot ko sa tanong nya. Nang matapos sya sa ginagawa ay tsaka sya umupo sa gilid ng kamang hinihigaan ko.

"He drugged you kaya masakit ang ulo mo. Matagal ko nang nababalitaan yang ginagawa ni George." aniya sabay abot sakin ng gamot sa sakit ng ulo.

Naalala ko tuloy iyong dun sa dressing room. Nung inaayusan ako ng buhok. Inabutan nya ko ng kape nun, siguro dun nya nilagay kaya biglang sumama ang pakiramdam ko.

"Ikaw kasi. Sinabihan na kita, na wag kang basta bastang nalapit at nagtitiwala sa iba. At isa pa, bakit ka ba kasi nasa agency? Para saan at nagtatrabaho ka dun?"

Napatingin ako kay Azen dahil sa tanong nya.

Oo nga pala. Siguro marami ngang may alam sa nangyaring away doon sa dati kong school, pero hindi nila alam ang sa amin ni Mommy. May posibilidad na alam ni Azen ang ginawa kong eskandalo sa Greenridge, pero hindi ang paglayas ko sa amin.

"I... Needed money."

"Bakit mo kakailanganin ng pera, eh mayaman naman kayo. You can just ask for it." kunot noong tanong nya.

"Yun na nga ang problema... Naglayas kasi ako, kaya hindi ko pwedeng gawin yun." sagot ko naman.

Napaawang ang bibig ni Azen. Sa isang iglap ay nagbago rin ang itsura nya at napalitan iyon ng pag aalala.

Ayaw man ng isip ko na sabihin kay Azen ang problema, pero parang naging natural na bagay nalang iyon pagdating sa puso ko. Dati, sya ang palaging takbuhan ko kapag may problema ako kaya siguro nasanay narin ang puso ko na sa kanya ilabas ang lahat ng dinadala ko. Sya lang kasi ang nakakapagpagaan sa dibdib ko. Matagal syang nawala kaya siguro hinahanap hanap ko lang talaga ang comfort na naibibigay nya sakin.

"Serina..."

"Pero ayos naman ako! Nakikitira ako kela Lewis ngayon. At kapag nagkapera na, hahanap na ako ng malilipatan. It's no biggy. Kahit naman noong nasa bahay pa ko, parang wala na akong nanay. Kaya wala iyong pinagkaiba ngayon."

Ngumit ako sa kanya para malaman nyang ayos lang talaga ako, pero wala iyong nagawa. Azen looked more worried because of what I just said.

"You don't have to pretend that you're strong. Madalas kang lumapit sakin noon kaya kilala na kita, Serina."

"Talaga? I guess I can't hide anything from you."

"Tss. Alak lang ang katapat nyan."

Tumayo si Azen matapos ng sinabi nyang iyon ay lumabas ng kwarto. Napangiti tuloy ako nang maalala ko yung dati.

Madalas ko nga pala syang utusan noon para bumili ng alak kapag may problema ako. Hindi ako makapaniwalang naaalala nya pa yun.

Matapos ang ilang minuto ay bumalik rin sya, dala ang dalawang plastic bag. Isa na may lamang canned beer at isa na puro pagkain. Katulad lang noon... His brows wiggled up and down when he entered the room. Tinaas nya rin ang mga dala nya na para bang nang iinggit kaya napatawa ako.

"Sasakit nga lang lalo ang ulo mo dahil dito." aniya sabay lapag ng mga bag sa kama.

"Ayos lang!"

Masaya akong kumuha ng Heineken na madalas naming iniinom noon. Binuksan ko yun at agad na nilagok. Parang tubig na bumuhos sa utak ko ang mga alaala namin nang malasahan ko ang mapait na beer.

Parang nawala ang mga problema ko sa isang iglap. Matagal kong hindi inisip ang mga pinagsamahan namin noong umalis sya dahil ayaw kong makonsensya o manghinayang na wala na sya. Pero ngayon, masaya na ulit ako habang inaalala ang mga yun.

"Grabe, namiss ko to! Yung may manlilibre sayo ng beer kapag may problema ka." wala sa sariling nasabi ko.

Natawa naman si Azen dahil dun pero mabilis ding nawala hanggang sa mapa-iling nalang sya.

"Bakit? Hindi ka ba nililibre ng boyfriend mo?"

Natigilan ako. Nanginig ang mga kamay ko at bumalik ang bigat sa puso ko nang ipaalala iyon ni Azen. Dahil sa nasabi nya ay hindi na ako nakapagsalita.

Oo nga pala. Muntik ko nang makalimutan.

Hindi... Kinalimutan ko pala talaga sya. Dahil kapag naaalala ko sya, bumabalik lang lahat ng sakit. Dumodoble ang kung anong bigat na nararamdaman ko ngayon.

My Mom hates me. And the fact that he's gone too, makes it more painful.

"Hey, Serina. Are you okay?"

Hindi ko na namalayan na tumulo na pala ang mga luha ko. My mind was occupied with the thoughts of him, na hindi ko na alam ang nangyayari sa sarili ko at sa paligid.

"Of course, I'm not. He's gone, Azen... We're through. So how can I be fine?"

"What?"

Wala na ako sa sarili ko nang masabi ko yun. Basta lumabas nalang sa isip ko ang mga nasa utak ko. Wala na akong ibang naiisip kundi si Cloud.

But not until Azen cupped my fave, leaned closer and brush his lips against mine...

His warm lips pulled me out of my thoughts. I tasted a mixture of mouthwash and mint when he slid his tongue into my mouth, tasting and exploring ever corner of it. Napakalma nya ako namg dahil dun, hanggang sa napapikit nalang habang dinadama ang bawat halik nya.

Madalas kapag hinahalikan tayo, bumibilis ang tibok ng puso natin at hindi tayo mapakali dahil sa sensasyong nararamdaman. Pero hindi ko inakala na pwede ka rin palang mapanatag at kumalma nang dahil sa halik.

Azen's slow and velvet kisses were like serenity and passion mixed in one. Something that I've never felt before.

Zenna: The TemptressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon