My Closet Queen (Chapter 41)

Începe de la început
                                    

Ngumiti lang sya at tumayo na kami

Bumaba na kami at nag order ng pagkain namin

Parang malungkot si Jess siguro akala nya hindi na sya makakapag diving

" bilisan mo dyan kumain bhie, may puntahan tayo tapos " sabi ko

Tumango lang si Jess

Tinawagan ko na si Kuya Dong na nag aasist sa diving

At nauna na nga daw sila Chloe kaya next na kami

" tara na " sabay hawak ko sa kamay nya

Habang naglalakad kami tumitingin yung ibang tao samin dahil

siguro maganda si Jess saka yung iba napapatingin sa kamay namin

pero dinededma ko nalang hindi ko naman sila mga kilala at hindi ko na

sila ulit makikita ulit. Hinigpitan ko pa yung hawak sa kamay ni Jess ng

nagpapacute yung ibang lalaki sa kanya


Nagulat si Jess nung nakita nya sa signage na this way to diving area


" surprise kala mo hindi ka na makakapag diving no? " sabi ko sa kanya

" kahit kailan ka talaga Sam, you never fail to surprise me " sabi nya at yumakap sya

" ehem! Nasa public tayo. I love you " sabi ko

Bumitaw naman na sya at kanina nakasibangot sya ngayon eto sobrang saya na

Naglalakad na kami papunta sa diving area

Bumulong si Jess sakin

" love you too " napangiti ako she never fail to make me smile




Tapos na kami mag diving ni Jess at sabi ni kuya dong inaantay daw kami nila Chloe

Kaya pumunta na kami kila Chloe

" iniwan nyo kami " sabi ko sa kanila nung pagdating namin ni Jess


" eh ang bagal nyo excited na kami mag diving " sabi ni Margarette

Hahaha ok lang balak ko talaga yun na magbagal kami para masolo ko si Jess

" hindi halata " sabi ni Chloe

Nagtawanan lang kaming lahat


" So andito na lahat kaya mag Kayaking na tayo " sabi ni Josh

Anim anim kami kaya ganun pa din kung sino magkakasama nung nag beach volleball kami


Sobrang saya talaga ng bakasyon namin na to lalo na kasama ko mga kaibigan ko at

ang taong mahal na mahal ko


Sana lagi nalang kami masaya ng baby ko



Naglalakad na kami pabalik ng resort dahil pagod na kami gusto pa sana namin mag

snorkeling kaso pagod na talaga, etong kasama ko parang hindi pagod sya nalang may gusto

" bhie next time nalang pagod na talaga kami " sabi ko kay Jess

" oo na wawa naman yung baby ko pagod na " sabi nya sabay kapit sa braso ko

Nauuna sila samin maglakad kaya pinabayaan ko lang kumapit si Jess sa braso ko



Kumain na kami at papahinga dahil may event daw mamaya sa tabing dagat

May mga banda daw na guest at artista, yung kapatid ni Chloe yung nag organize ng event





Papunta na kami sa party ang daming tao at nagsisimula na kumakanta na yung ibang banda

Pumunta lang kami kila kuya Chris, sya yung kapatid ni Chloe na nag organize netong event

" uy Sam musta? Long time no see ha. Na miss kita " sabi sakin ni kuya Chris sabay akap sakin

" ok naman busy sa school eh " sabi ko sabay akap din sa kanya

" buti dito kayo nagbakasyon ngayon" sabi ni kuya Chris

Nag usap lang kami ng nag usap ni kuya Chris close kasi kami neto ni Kuya Chris

lagi nya kami pinapasyal ni Chloe nun

Habang nag uusap kami ni kuya Chris nahagip ng mata ko si Jess na may kausap na lalaki

Nakatingin lang ako sa kanila at parang close na sila agad

Saka kung makangiti to si Jess parang ang saya saya nya pati yung lalaki

Sino kaya yun at kakakilala lang nila kung makapag usap sila

" wait kang Sam ha, aasikasuhin ko lang yung mga guest ko " sabi ni kuya Chris

Tumango nalang ako dahil hindi ko maalis yung tingin ko kila Jess

Hindi ko na napigilan lumapit na ako sa kanila

" Hi! " bati ko sa kanila

I'll try na hindi ipakita yung selos ko

Napatingin silang dalawa sakin

Yung lalaki nagtaka

" Ay, Sam this is my bestfriend Gabriel " pakilala ni Jess sakin


Bestfriend? Ahh yung pumunta ng ibang bansa

" and Gab this is Samantha my girl.... " pinutol ko yung sasabihin ni Jess

" her new bestfriend " natanggal naman yung ngiti sa mukha ni Jess nung sinabi ko yun

" yeah my new bestfriend " pilit nyang ngiti

My Closet Queen (girlxgirl story)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum