My Closet Queen (Chapter 35)

Start from the beginning
                                    

Pagdating namin kila Chloe as usual wala pa yung iba late nanaman

Ang nandun palang sila Alfred, at Richie on the way palang daw yung iba

Si Samuel naman inutusan ko na sunduin si Giezel at pabor sa kanya yun ewan ko lang kay Gie

Magbabangayan lang nanaman yung dalawa na yun

Umupo muna kami ni Jess dito sa sala nila Chloe habang inaantay yung iba

Si Alfred chinecheck yung sasakyan na gagamitin para safe kami sa byahe

" inaantok pa ko bhie " sabi ko kay Jess at hinilig ko yung ulo ko sa balikat nya

" tulog ka muna wala pa naman sila " sabi nya sabay tapik sa ulo ko




Nagising ako ng may tumatapik sa pisnge ko

" tara na andyan na silang lahat " gising sakin ni Jess

Nakaakap na pala ako sa bewang ni Jess hindi ko namalayan

Sarap kasi matulog sa tabi ng baby ko

Nakita kaya kami ng mga kaibigan ko sana wala silang isiping masama



Lumabas na kami at andun na nga sila at ayun si Samuel at Giezel nagbabangayan nanaman

Sila Margarette at Richie naman pinaguusapan kung pano makakakuha ng hot guys

" tara na ng hindi tayo matraffic " sabi ko at sumakay na kami

Mini bus dala namin kaya kasya kaming dose dito

Yung driver pala nila Chloe yung nagdrive kaya relax kaming lahat

Tahimik buong byahe dahil lahat mga tulog pati si Jess

Nakaakbay ako sa kanya para unan nya ko nakatulog rin ako dahil ilang oras din ang byahe


" Guys where here! " sigaw ni Margarette na nagpagising saming lahat


Pag sumigaw talaga yan sisiguraduhin talagang gising ka at tanggal antok mo

<> Jessica <>

Sobrang ganda dito sa resort nila Chloe at ang dami tao isa sa sikat na resort dito sa batangas

Lahat kaming girls ay magkakasama sa isang kwarto yung mga boys magkakasama din sa isang kwarto

Tatlo lang yung kama at lima kaming mga babae

Napagdesisyunan na ipagdikit dikit nalang yung mga kama para magkakatabi kaming lima

Ayaw ko sana para katabi ko nalang si Sam kaso baka mahalata nila

Nagpahinga lang kami sandali at lalabas na kami para mag lunch





Tumambay lang ako sa veranda dahil kakakain lang at ang ganda ng tanawin

Mahangin at kitangkita yung dagat kung pano pag alon nito

" lalim ng iniisip ah "

Napatingin ako sa katabi ko na nagsalita nakatingin din sya sa dagat

" hindi naman ineenjoy ko lang yung view nakakarelax kasi " sabi ko at binalik ko na yung tingin ko sa dagat

Maya maya tumingin ulit ako sa kanya dahil kahit nakatingin ako sa dagat alam ko nakatitig sya sakin

" kanina ka pa nakakatitig sakin ah, baka matunaw ako nyan kesa sa tirik ng araw " biro ko sa kanya

" mas maganda ka pa kasi sa view, saka narerelax ako pag tinitignan kita " sabi nya

Ngumiti nalang ako dahil ayaw ko naman maging rude, hindi ko kasi gusto

sana kung si Sam nagsabi nun kikiligin pa ko eh si Josh lang naman yung katabi ko ngayon

at nakakatitig sakin. Buti nalang dumating si Alfred at yung iba

" huy ano ginagawa nyong dalawa dito nagsosolo kayo ah " sabi ni Andrew

Napatingin naman ako sa kanila hinanap ko agad si Sam at ayun hindi mapinta ang mukha

Baka kung ano nanaman isipin ni Sam


" wala tumitingin lang ako sa magandang view " sabi ni Josh sabay tingin ulit sakin

Naiinis na ako sa ginagawa ni Josh, gusto ko sya diretsuhin na hindi ko sya gusto

kaso napag usapan namin ni Sam na kami lang muna makakaalam kung ano meron kami

Naghiyawan naman yung iba

" naks! Dumadamoves ka ah " pang asar ni Alfred

Pagtingin ko sa side ni Sam paalis na sya, susundan ko sana sya kaso hinawakan ako ni Chloe

" tara guys swimming na tayo " aya ni Chloe at hatak sa kamay ko

Nagsunuran naman lahat at hindi namin kasama si Sam

Yung iba nag swimming na, yung mga boys nag surfing

Ibang mga girls nakahiga lang sa buhangin at nagpapaihaw este nag sunbathing

ako eto dito sa cottage nag iisa at inaantay sya dumating

Asan na kaya si Sam bakit wala pa sya dito

kainis naman kasi si Josh bumabanat pa ng ganun

My Closet Queen (girlxgirl story)Where stories live. Discover now