My Closet Queen (Chapter 34)

Start from the beginning
                                    

Namimiss ko na yung baby ko naging busy kasi ako nag try out sa volleyball tapos review for exam

Babawi nalang ako kay Jess pag tapos ng exam

Tawagan ko nga muna nga sya

* ring *

* ring *

* ring *


" hi Sam, tapos ka na mag review? " bungad nya

Halata sa boses nya yung excitement kaya napangiti ako

" yes baby ko, sorry ha hindi kita nakakasama masyado ngayon " sabi ko

" ok lang yun walang problema sakin, saka kasama ko naman sila Chloe " sabi nya

Oo nga pala close na din sya kila Chloe, masaya ako dahil ok sya sa mga kaibigan ko

Saka para hindi lang kami ni Giezel yung lagi nya kasama

" ok nag aral ka na ba? May exam na tayo bukas " tanong ko sa kanya

" yap. Nagreview na ko. Nahawa ata ako sa girlfriend kong pala aral " sabay tawa nya

" o diba may girlfriend ka pang nerdy ahihihi" ginaya ko yung tawa ni tito boy

" ikaw na tito boy! " biro nya

Nagtawanan lang kami ng nagtawanan

Nagpaalam na din ako para maaga kami makatulog

" goodnight baby ko, I miss you and i love you " sabi ko

" goodnight, see you tomorrow I love you too and i miss you so much mwaaah! " sabi nya


Maaga ako gumising para makapasok ng maaga para makita ko na yung baby ko

Nag jog lang ng isang oras at naligo na ako

Nagpaalam ako kila mama na sa school nalang ako mag breakfast

Buti pumayag dahil ayaw kami paalisin ni mama ng hindi nag aalmusal

Sinabi ko nalang magrereview pa kasi ako

Excuse ko lang yun para kasama ko si Jess mag breakfast

Sigurado yun hindi nanaman nag breakfast sa kanila yun

Nagtxt si Jess na sa school ko nalang kami magkita

Kaya inaantay ko sya dito sa canteen

May nagtakip ng mata ko at alam ko kung sino to

Dampi palang ng balat nya sakin ibang feeling na nararamdaman ko

Saka bumibilis tibok ng puso ko pag katabi ko sya

" I know who are you " sabi ko

" then who? " bulong nya sa tenga ko

Nakiliti naman ako, alam ko sinasadya nya yun

Kung wala lang kami sa canteen kanina ko pa sya niyakap

" Jess umupo ka na dito nagugutom na ako " sabi ko

At tinanggal nya naman na yung kamay nya sa mata ko at tumabi sa tabi ko

" good morning baby " sabi nya

" good morning din sa baby ko " sabi ko sabay kurot ko sa cheek nya

Cute kasi nya ewan patagal ng patagal gumaganda sya lalo

" awww ang sakit naman " reklamo nya

" sorry ang cute cute kasi ng baby ko ngayon " sabi ko sabay gulo sa buhok nya

" ngayon lang? Sama mo ah " sabi nya sabay pout

" ay mali pala mas cute ka ngayon, paganda kasi ng paganda yung baby ko " sabi ko sa kanya

" saka wag ka nag po-pout ha, baka hindi ko mapigilan sarili ko" pahabol ko sabay tayo para bumili ng pagkain namin

Pano ba naman kasi nag pout sya ang cute cute nya, saka yung lips nya parang minamagnet ako halikan sya

Kaso madaming tao dito sa canteen hindi pwede

Kanin binili kong almusal namin kailangan namin mag heavy breakfast dahil may exam ngayon

Kumain lang kami at pasimple ko hinahawakan yung kamay nya sa ilalim ng lamesa

Wala lang namiss ko hawakan yung kamay nya para kasing perfect na perfect yung kamay

namin sa isat isa pag magkaholding hands ngumiti naman sya sa ginawa ko

Natutuwa ako kay Jess kahit na ganun lang pinapakita ko natutuwa na sya

ng matapos kami kumain pumunta na kami sa classroom namin para sa exam

My Closet Queen (girlxgirl story)Where stories live. Discover now