Chapter 31

3 0 0
                                    

Charmaine's POV

  New year ngayon at naisipan kong pumunta sa bahay nina Ariel. Naalala ko kasi yung sinabi nya na mag-isa lang sya ngayong New year. Nasa tapat na ko ng bahay nina Ariel. Medyo nagdadalawang isip pa ko kung magdodoorbell ako or not. I took up the courage and press the button.

"Saglit lang." Si Ariel. Binuksan nya naman yung pintuan. "Charm? Anong ginagawa mo dito?"

"Naalala ko kasi yung sinabi mo na mag-isa ka lang ngayon kaya binisita kita. Pwede bang pumasok?" Sabi ko.

"O-oo naman, tuloy ka." Sabi ni Ariel pero parang kabado sya.

  Pagdating ko sa may sala nila ay nakita ko si Kristina na nakaupo sa may sofa. Parang biglang naging awkward tuloy. Walang nagsasalita samin ng biglang may mag doorbell.

  Pumunta ulit si Ariel para tignan kung sino yung nag doorbell. Pagbalik nya ay kasama nya na si Karen. Lalong naging awkward ang paligid. Bigla namang nagsalita si Ariel.

"A-ano, di ba kayo nagugutom?" Sabi nya na halatang kinakabahan.

  Si Kristina naman ang sunod na nagsalita.

"Meron po akong mga dalang ingredients dito, kung ok lang po ay ipagluluto ko kayo." Sabi nya.

"Mukang handang handa ka ah. Ang thoughtful mo naman." Si Karen.

"Magkatext po kasi kami ni kuya Al kahapon at nabanggit nya na mag-isa lang sya ngayon dito kaya nagdecide akong ipagluto sya ng lunch." Si Kristina.

  Humarap naman si Karen kay Ariel.

"Sana pala tinext mo di ako Ariel para nakapaghanda din ako." Sabi nya. "Tulungan na kitang magluto. Gusto mo sumama Charmaine?" Yaya nya.

  Sumama naman ako sa kanila, gusto ko din naman sila makasama kahit minsan. Habang nagluluto ay di ko maiwasang mapaisip. Text huh, Kung binigay ko yung number ko sa kanya dati siguro nagkakatext din kami ngayon.

Al's POV

  Kinakabahan ako, ang tahimik sa loob ng kusina. Wala sanang mangyari. Maya-maya ay natapos na silang magluto. Naghain na kami sa mesa at nagsimulang kumain.

"Ang sarap mo namang magluto Charmaine." Si Aya.

"Ako kasi ang nagluluto samin kaya nasanay na ko, masarap din tong adobo ni Kristina." Si Charm.

"Turo po kasi yan ng mommy ko, yung burger mo po ate Karen masarap din. Ano pong ginamit mo dito?" Si Tina.

"Hehe secret, turo yan ng prof. natin sa home economics." Si Karen. "Oh Ariel bat di ka kumakaen?"

  Nagsimula nadin akong kumain, mukang ok naman silang tatlo. After kumain ay nglaro kami ng iba't ibang games, nag baraha kami, computer games at badminton. Iniwan ko naman muna sila para maghugas ng pinggan.

  Bigla namang tumulong si Charm.

"Sorry ha hinayaan ka lang naming maghugas dito." Sabi nya.

"Ok lang patapos nadin naman ako. Samahan mo nalang muna sila dun."

"Nope, tulungan na kita." Medyo may pagkamatigas din pala ng ulo tong si Charm.

  Napansin ko naman na sumilip sina Karen at Tina.

"Eto pala balak nyo ha." Si Karen.

"Uguu, di po ako papatalo." Si Tina.

"It's a cleaning contest then." Si Karen.

  Nagsimula na silang maglinis, kahit anong pigil ko ay ayaw din naman nilang magsitigil kaya hinayaan ko na sila. After naming maglinis ay niyaya ko silang magsimba.

"Tutal New year naman ngayon, gusto nyo bang pumunta ng simbahan?" Yaya ko.

Karen's POV

'Sana po mas mapalapit ako kay Ariel this year, at manalo kami sa volleyball competition.'

Tina's POV

'Sana po mas maging close kami ni kuya Al at sana po ay mapansin nya na yung nararamdaman ko para sa kanya.'

Al's POV

  Pagkatapos namin magsimba ay dumaan muna kami sa park, bumili kami ng ice cream. Dumating naman sina Gelo.

"Ui Al. Happy New Year." Bati nya.

"Mas maging masaya sana ang taon na to para satin." Si Daryl.

"Haha. Syempre naman, basta magkakasama tayo siguradong magiging masaya kahit maliit na bagay." Si Leo, nakita nya naman sina Charm. "Charmaine ikaw pala." Bigla tuloy natahimik si Leo.

"Nandito din kami noh." Si Karen.

  Dumating din sina Aya.

"Happy New Year sa inyo." Bati nya sabay tingin kay Charm.

  Puro kwentuhan lang amg ginawa namin. Nagtatawanan lang kaming lahat. Ang saya ko talaga ngayon. I'm glad na dito ako sa Liberty High nag-aral. Masaya akong nakilala ko silang lahat. I will never forget this moment.

  Akala ko magiging masaya na lagi, na walang problemang dadating. Hindi ko napredict yung sunod na mangyayere. How could I forget?

Exciting MemoriesWhere stories live. Discover now